Kabanata 9 - [sweet night]

30 8 9
                                    

Mga ilang araw na ang nakalipas matapos ang pag-uusap namin ni Ander sa rooftop.

Simula din noon ay naging madalang nadin ang pagpasok nya. Naiintindihan ko naman. Syempre ang mama nya ay may sakit at bilang anak, responsibilidad nyang alagaan ang kanyang ina. At alam ko namang lahat ng anak ay ganun din ang gagawin kung sakaling magkasakit ang kanilang ina.

Si Ander kasi ang madalas na mag-bantay sa mama nya lalo pa't ang sabi nya sa akin ay medyo busy ang kuya nya. Graduating na daw kasi at kasalukuyan ng inaayos ang pinapatayo nitong bagong negosyo.

Ang nakakapanghinayang na ngayon ay isa sa mga araw na hindi sya pumasok. Ngayon pa naman ang Club fest. Yung tinutukoy ni Ms.Monroe noon na kung saan ang bawat club ay magkakaroon ng sari-sariling activity.

Bilang isang magaling na actress, syempre sa theater and drama club ako sumali. And guest what... napagplanuhan naming magkaroon ng mini play. May ibang tumutol kasi isang week lang ang preparations namin pero dahil talented kami, tinuloy namin iyon. Madali lang naman yun dahil hindi naman masyadong kahabaan ang gagawin play.

And of course, ako ang gaganap na Brigitte na kung saan ako ang magiging bidang babae.

"Besh, halika may ipapakita ako sa'yo." Si Apoll habang papalapit sa akin. Nandito kasi kami ngayon sa rehearsal room at kadadating lang ni Apoll.

"Ano yun?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Pinunasan ko muna ang pawis ko bago nagpatianod kay Apoll.

Hindi nya sinagot ang tanong ko. Sa halip ay dinala nya ako sa mga booths na gawa ng ibang clubs. Tumigil kami sa tindahan ng mga milktea.

Hinarap ko si Apoll. "Anong gagawin natin dito?"

"Bibili malamang." Pabalang nyang sagot. Hayy kahit kelan ang sarap talagang sapukin ng babaeng 'to.

"Bakit kasama pa ako? Pwede ka namang bumili mag-isa mo." Sabi ko sa kanya na may halong pagtataka. Pwede nama kasi sya nalang mag-isa. Hindi pa nga ako tapos sa practice ko.

"Ahhh so ayaw mo?" Nameywang ang mansanas.

"Gusto." Agad kong sabi. Aba sino ba naman ang aayaw sa pagkain?

"Ayun naman pala ehh."

"Pwede mo naman kasi akong dalhan nalang doon."

"Aba... anong tingin mo sakin? Maid? Yaya mo? Sapukin kita dyan ehh." Sinapok nya ako. Aba'y ang gaga naman neto. Yung akin sa isip lang pero yung kanya tinitoo. "Halika na nga. Kanina pa ako nagcra-crave." Hinayaan ko nalang sya. Gaganti nalang ako sa susunod. Ihanda na nya ang ulo nya ngayon palang.

"Buntis ka besh?" Natatawa kong tanong.

Hinarap nya akong muli gamit ang kanyang pamatay na tingin. "Manahimik ka dyan." Asik nya. Natawa nalang ako sa kanya.

Pumasok na kami sa loob. Kakaunti palang ang bumibili dahil busy pa ang iba sa paghahanda para sa mga kaganapan mamaya.

"Isang large wintermelon po ang akin." Nakangiting wika ni Apoll sa nagtiginda. Kung titignan sya ngayon, mukha siyang maamong tupa. Basta talaga sa pagkain nagkakaganyan sya. Biglang bumabait.

"Ganun nalang din po ang sakin."

"Gaya gaya ka talaga."

"Ehh yun din ang gusto ko ehh. Anong magagawa mo?" Pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Sabi ko nga." Parang walang magawang ani nya.

"Magkasama na ba ang bayad." Tanong ni Ate Kenny, ang nagtitinda ng milktea. Mas matanda lang sya samin ng dalawang taon. Senior high na sya samantalang papunta palang kami doon. Isang taon nalang ang bibilangin.

BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY NO.1Where stories live. Discover now