Kabanata 1 - [Warmth]

56 30 1
                                    

Inabot kami ng 11:00pm sa panonood ng movie. Well, base yun sa sinabi nya dahil hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising ako na nakahiga sa sofa at nakabalot ng kumot.

Tumayo ako at nag-unat bago pumunta sa kusina dahil sa ingay na aking naririnig. Naabutan ko syang nagtitimpla ng kape. Dumapo ang tingin ko sa pagkaing nakahapag sa mesa.

He cooked an omelette, bologna, and fried rice. Simple... yet it made my heart flutter.

"Good Morning, Love." Bati nya habang papalapit sa akin. Binaba nya muna ang tasa bago pinalupot ang braso sa aking baywang.

"Morning." I greeted back and planted a soft kiss in his lips.

"How's your sleep?"

"Good. Nakatulog pala ako. Bakit hindi mo ako ginising para man lang nakalipat tayo sa kuwarto."

"Hindi ko kayang istorbuhin ang tulog mo." Nilapit nya ang kanyang bibig sa aking tenga "At baka masapak mo lang ako." I glared at him habang tinatawanan nya ako.

"Bitiwan mo nga ako. Gutom na ako." Binitawan na nya ako at pinagsilbihan. Hindi parin nawawala ang nakakaloko nyang ngisi kaya ngumuso ako para mapigilan ang pagngiti.

"Love, open bili." Parang bata nyang subo sakin. Natatawa man ay ibinuka ko parin ang aking bibig.

Nginuya ko muna yun bago nagsalita. "Love naman parang tanga."

Masaya naming tinapos ang aming breakfast. Nagtalo pa kami kung sino ang maghuhuhas ng pinggan.

"Love, upo ka nalang doon. Ako na dito."

"No, ako na dito."

"Please, Love."

Sa huli ay napagkasunduan nalang naming kaming dalawa ang maghugas. Kaya imbis na mapabilis ay nagtagal pa kami dahil sa kakulitan namin. Nagsabuyan pa kami ng tubig kaya naglinis pa kami bago pumunta sa sala.

Basang basa kami kaya minabuti naming magpalit ng damit para iwas sakit. Magkasabay kaming umakyat. Dumaretso na ako sa walking closet para makakuha ng damit. Kumuha na din ako ng para kay Linus. Madalas sya sa bahay kaya napag-isipan nyang magdala ng damit dito in case na dito sya matutulog.

Sa walking closet na ako nagbihis ng simpleng cotton shorts at t-shirt. Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako at inabot kay Linus ang kanyang damit.

"Mauna na ako. Hintayin nalang kita sa baba." Tumango sya at naglakad na ako paalis.

Mabilis akong bumaba. Agad kong pinuntahan ang tv para mabuksan ito. Umupo na ako sa sofa at kinapa ang remote.

Kasalukuyang pumipili na ako ng magandang panoorin ng marinig ko ang pagbaba nya sa hagdan. Nilingon ko sya at napansing fresh na fresh sya wearing a black shirt at a gray sweat pants.

"Kelan ang alis natin?" Tanong ko ng makaupo na sya sa tabi ko.

"Uhm kung pwede ay bukas na."

"Ganun kabilis? Eh paano yung mga kakailanganin natin. You know..."

Hinawakan nya ang kamay ko. "Love, wag mo ng alahanin yun. I already handle it. Nakausap kona ang kapatid ko."

"Huh? Anong relate nito sa kapatid mo?"

"Love, sya ang may-ari ng island na pupuntahan natin. Nakaready na ang sasakyan papunta doon at ang tutuluyan natin."

"Ahhh okay." "Wait, kapatid? You mean nakauwi na ang kapatid mo?" Ang alam ko ay nasa California ang kapatid nya kasama ang ina nilang may sakit. So, nakauwi na sya? Paano yung nanay nila?

"Yes, pinauwi sya ni mommy dahil gusto ni mommy na maranasan muli ni Mio ang buhay nya noon. Tumanggi pa nung una dahil naisip nyang walang magbabantay kay mommy but she insisted. Maayos na daw sya at pahinga nalang ang kailangan. Nandoon din naman daw si Manang Lolet at ang iba pang kasambahay." Seryosong sabi nya.

BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY NO.1Where stories live. Discover now