Kabanata 11 - [confrontation]

17 6 16
                                    

Medyo naligaw pa kami ni kuya Sandro sa paghahanap mg bahay nila Ander. Buti nalang ay may mabait na matandang lalaki ang nagturo samin ng tamang daan.

Isa pang ang masasabi ko nang makita ko ang bahay nila Ander. "Wow."mahinang usal ko. Malaki na ang bahay namin pero ibang usapan na kapag ang kila Ander na.

"Kuya Sandro, dito nyo na po itigil. Maglalakad nalang po ako papunta sa gate." Sabi ko kay Kuya Sandro bago pa nya ako maihatid sa gate.

Sa pamamagitan kasi ng  paglalakad ay magkakaroon ako ng dagdag na minuto para palakasin ang loob ko. Medyo kinakabahan ako.

Bumaba ako ng sasakyan. Naghinay hinay lang ako sa paglalakad. Malalalim ang aking paghinga hanggang sa maabot kona ang gate.

Gate palang ay mababakas na ang karangyaan ng mga Dallarosa. Ang kanilang bahay ay masasabi kong isang mansion. Elegante at moderno, yan ang dalawang salitang nangingibabaw sa mansyon na ito.

Huminga ako ng malalim bago ko pinindot ang doorbell. Ilang saglit pa ay sinalubong ako ng dalawang tao. Isang may katandaang gaurd at isang katulong na sa tingin ko ay nasa kanyang early thirties.

"Magandang Umaga. Sino po sila?" Magalang na tanong sakin ng babae.

"Hello po. Uhmm itatanong ko lang po sana kung dito po nakatira si Ander Mikolo Dallarosa?"

"Ahh si sir Ander. Oo dito nga sya nakatira."

"Nandyan po ba sya ngayon. Kailangan ko po kasi syang makausap."

"Ay sorry, ma'am. Wala po kasi sya ngayon dito ehh."

"Nasaan po sya?"

"Baka po nasa ospital, nagbabantay po sa mommy nya."

"Ahh ganun po ba. Pwede po bang malaman kung saang ospital po? Pupuntahan ko nalang po sya doon."

"Hindi ko po tanda ehh. Ikaw kuya Bong, tanda mo ba kung saan?" Tanong nya doon sa gaurd.

"Sa Monterey Hospital ata." Sagot naman nito.

"Ayyy oo nga pala. Yun ma'am sa Monterey Hospital."

"Ahh okay po. Salamat. Sige po mauuna na po ako."

"Ayy ma'am ano nga pong pangalan nyo? Para po masabi namin kila sir."

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil isang busina ng sasakyan ang gumambala sa aming usapan.

"Ma'am dito na muna po kayo sa kabilang side." Agad naman akong sumonod kay Kuya Bong.

Akala ko ay tuloy tuloy ang pagpasok ng sasakyan pero agad din itong tumigil nang makapasok sa loob ng gate. Isang magandang babae ang lumabas mula sa magarbong sasakyan. May katandaan man ay hindi parin kumukupas ang kanyang kagandahan.

Sa aking tantsa ay nasa late thirties na ito. Suot ang kanyang mamahaling kasuotan ay elegante syang naglakad patungo sa kinatatayuan namin.

Pigil hininga ako nang suriin nya ako mula ulo hanggang paa. Nakakakaba ang kanyang panunuri dahil parang isang test yun na kung saan huhusgahan ka kung pasok kaba sa kanyang taste.

Medyo may hawig sya kay Ander kaya kinakabahan ako na baka nanay na nya pala ang kaharap ko. Malay ko bang magaling na pala sya tapos hindi lang namin alam.

"Henna, who is this girl?" Seryosong tanong ng magandang babae doon sa katulong na Henna pala ang pangalan.

"Ahh ma'am hindi po kasi namin alam ang pangalan nya... Kararating nya lang po kani-kanina lang. Hinahanap nya po si Sir Ander."

"And why is that?" Tanong nya muli. Hindi ko alam kung sino ang tinatanong nya dahil sa akin sya nakatingin. At patuloy parin ang kanyang mapanuring tingin.

BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY NO.1Where stories live. Discover now