Kabanata 7 - [I'll never leave]

31 14 15
                                    

[ANDER'S POV]

Matapos magpaalam kay Chipster, dumaretso agad ako sa baba. Nakita ko agad si Mang Ernan kaya nilapitan ko agad sya.

"Mang Ernan, kaya na pong bahalang maghatid kay Semi. May pupuntahan po ako."

Tumango si Mang Ernan. "Sige po sir."

Matapos noon ay hinanap kona si Alec na syang maghahatid sa akin kay kuya.

"Sir Ander." Tawag sa akin ng pamilyar na boses ni Alec. Sya ang nakahanap sa akin.

Tinanguan ko lang sya at walang sabi sabing sumakay na ako sa dala nyang sasakyan. Tahimik lang ako buong biyahe.

May pakiramdam akong alam ko na ang pag-uusapan namin. Maaring tungkol nanaman ito sa nagpag-usapan namin noong huli nyang tawag. Ngayon palang ay hindi kona ito nagugustuhan.

Habang nasa biyahe inisip ko nalang si Chipster. Miss kona agad sya. Ano na kayang ginagawa ng babaeng yun? Nakauwi na kaya sya?

Dahil sa huling naisip, minabuti kong tawagan si Mang Ernan para makapagtanong. Nakailang tawag na ako pero hindi ito sumasagot. Sa ikatlong tawag ko ay tinago ko nalang ang cellphone ko.

Malamang ay nasa biyahe na sila kaya hindi nito masagot ang tawag ko.

Binaling ko ang aking tingin sa labas. Pansin kong hindi ito ang daan papunta sa condo ni kuya kaya wala akong ideya kung saan kami maaring pumunta ngayon.

Bakit nga pala hindi ko tinanong? Aishh ang tanga ko talaga minsan.

"Alec, saan tayo pupunta?"

"Ang sabi ni Sir Linus dahil ko daw po kayo sa Coffee shop, katabi ng Monterey Hospital." Sabi nya nang hindi tumitingin sa akin. Nanatili lang ang kanyang mata sa kalsada.

Ako naman ay napabalik ang tingin sa labas. Iniisip ko kung ano ang maaaring kalabasan ng aming pag-uusap.

Sa lalim ng aking pag-iisip ay hindi ko namalayang nandito na pala kami. Tumugil ang sasakyan sa harap ng isang coffee shop. Bumaba na ako at pinanood ko munang umalis ang sasakyan papuntang parking lot bago ko naisipang pumasok.

Isang malalim na buntong gininga ang aking nilabas bago ako tuluyang pumasok. Inilibot ko ang aking mata sa buong coffe shop at sa may dulong bahagi ko namataan ang aking kuya.

Pirmi syang nakaupo habang nakaharap sa kanyang laptop. Agad akong naglakad palapit sa kanya. Nang makaupo na ako sa harap nya ay saka nya lang ako tinignan.

"Kuya."

"Mio, mabuti naman nandito kana." Sabi nya bahang sinasara ang kanyang laptop. He sighed. "nabisita mo naba si mommy?" Agarang tanong nya sa akin.

Tinubuan ako agad ng guilt.

Napayuko ako. "Hindi pa." May sakit si mommy. Ito ang sinabi sakin ni kuya noong tumawag sya. Hindi ko pa sya nadadalaw pero balak ko sanang bukas.

"I see." Malamig nyang sabi. Bakas din dito ang disappointment. "Sabihin mo nga... ano ba yang pinagkakaabalahan mo at hindi mo man lang maiwan para mabisita si mommy."

"Wala nama kuya. Sorry. Bukas sana ako dadalaw ehh."

"Bakit ko pinapatagal kung pwede naman ngayon. Mio, mommy natin yun. Hindi kaba nagaalala?" Naiinis nyang sabi. Or galit na siguro dahil hindi naman sya ganito mainis.

"Nagaalala ako kuya. May... pinagkabalahan lang ako." Nakayukong pag-aamin ko.

"At ano naman yun. mukhang mas mahalaga pa kaysa kay mommy."

"May girlfriend ako kuya."

"Yan na nga ba ang sinasabi ko. So ano 'to mas mahalaga pa ang girlfriend mo kaysa kay mommy." Nangangaliiti nyang tanong. Sa totoo lang, ako man ay naiinis na din.

BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY NO.1Where stories live. Discover now