Kabanata 6 - [wait for me]

30 13 16
                                    

[ANDER'S POV]

May kaunti akong nararamdamang kaba sa isiping kakausapin ako ni Mr. Dolora. Syempre tatay ng girlfriend ko ang kausap ko. Sinong hindi kakabahan?

Lumayo kami ng bahagya para makasiguradong hindi makikinig si Semi. Makulit pa naman yung babaeng yun.

Seryoso lang na nakatingin sa akin si Mr. Dolora. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi pa kasi sya nagsasalita. Nakatingin lang sya sakin na parang sinusuri ang buong pagkatao ko.

Matapos ang ilang sandali, nagpakawala sya ng isang buntong hininga. "Ander." Seryosong tawag sa akin ni Mr. Dolora.

"How much do you love my daughter?" Tanong nya sa akin.

Hindi kona pinatagal pa ang pagsagot dahil alam na alam ko naman ang sagot doon. "I love her to the point that I will do anything juts to make her happy." Kahit ano kakayanin ko para makita ang kanyang matatamis na ngiti. Hindi ko namalayang nakangiti pala ako habang sinasambit iyon.

Napangiti sya sa sagut ko. "Mabuti kung ganun. Alam kong mahal ko ang anak ko. Gusto lang marinig mula sayo mismo."

Ilang saglit pa ay nagsimula nanaman syang magsalita. "Alam mong mahal na mahal ko ang anak ko. Siya ang aming prinsesa kaya ang nais ko lang hingin sayo ay protektahan mo sya. Huwag na huwag kang magkakamaling saktan si Semi." Bakas ang pagbabanta sa kanyang tono.

"Tito, huwag kayong mag-alala. Hinding hindi ko magagawa kay Semi iyon." Sinsirong sabi ko.

"May tiwala ako sayo, Ander." Nakangiti nyang sabi kaya napangito din ako.

Ang sarap sa pakiramdan sa totoo lang. Yung ramdam na ramdam mo ang pangtanggap sayo ng pamilya ng mahal mo. Nakakataba ng puso hahahahaha.

"Binabalaan lang kita, Ander. Kahit gaano kapa kamahal ng anak ko, sa oras na sakto mo sya, hinding hindi ako magdadalawang-isip na gantihan ka." Kinalibutan naman ako sa sinabi ni Tito.

Ngumiti nalang ako para itago ang takot ko. "Don't worry tito. Ako ang unang bubugbog sa sarili ko kapag masaktan ko man si Semi."

"Sasaktan mo si Semi?" Matigas na sabi ni tito. Nakakakot ang tingin nya.

"Ahh hindi po hindi po." Todo tanggi ko. Umiling iling pa ako.

Nawala naman ang kaba ko ng bigla syang tumawa. Naalala ko naman si Semi sa kanya. May pinagmanahan talaga sya. Ang malala ay pag sinumpong sya ay para syang pinaghalong tita at tito.

"Joke lang naman. Sige na. Puntahan mo na si Semi ng makaalis na kayo. Baka mahuli pa kayo sa klase." Tinanguan ko si Tito. Nagpaalam na ako sa kanya at agad na naglakad patungo sa sasakyan.

Sinilip ko muna ang loob. Nakita kong nakahiga si Semi habang nakapikit ang mata samantalang nagcecellphone lang si Mang Ernan.

Kasama ko sya dahil malamang bawal pa akong drive ng sasakyan. Marunong naman ako pero menor de edad palang kami. It's against the rules.

Binaling ko muli ang tingin kay Semi. Hindi naman siguro sya natutulog diba? Nakapikit lang.

Binuksan kona ang backseat. Napabangon naman agad si Semi. Sabi na nga ba ehh. Nakapikit lang.

Kinusot nya ang mata nya bago ako tinignan. Ngumiti agad sya ng makita ako. Ang cute talaga ng babaeng toh. May mahika ata sya. Napapangiti din ako ehh.

"Anong pinag-usapan nyo ni daddy." Umusog sya ng kaunti para makaupo na din ako.

Inayos ko ang upo ko bago sya hinarap. "Sa amin nalang yun. Usapang lalaki nga diba?"napanguso naman sya.

BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY NO.1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant