Kabanata 12 - [one last time]

17 6 7
                                    

Nangunot ang kanyang noo habang tinitignan ang caller.

Nakakapagtaka tuloy kung sino iyon. Gusto ko mang silipin ay hindi ko magawa. Napabuntong hininga sya at matamlay na tumingin sakin.

"Excuse me for a minute. Kailangan ko lang sagutin yung tawag. Mabilis lang 'to." Tinanguan ko lang sya bilang pagtugon.

Tumayo sya at sinagot ang tawag. Hindi naman sya lumayo kaya naririnig ko ang pagkausap nya dito. Hindi ko naman hilig makinig sa mga pag-uusap pero ano magagawa ko? Ehh sa naririnig ko ehh.

"kuya." Pagsalubong nya sa caller. 

"Nasa school ako... hindi pa." Napatangotango pa sya ngayon sa kung ano man ang sinasabi ng kuya nya.

Makalipas lamang ng ilang saglit ay biglang nagbago ang timpla ng kanyang mukha. Mula sa pagiging mahinahon ay napuno ngayon ang kanyang mukha ng pag-aalala. Nakakunot ang kanyang noo habang patuloy sa pakikinig.

"What?! No! Kuya alam mo namang ayaw ko." Ako naman ngayon ang nangunot ang noo. Ano na kaya ang pinag-uusapan nila para makareact ng ganun si Ander. He looked worried, hesitant, hurt, and sad... all at the same time.

Natahimik sya matapos ng huli nyang sinabi. Napahawak sya sa noo at mariing napapikit. Sa itsura nyang yun ay para bang pasan pasan na nya ang problema ng buong mundo.

Naawa ako ngayon sa kanyang itsura. Nangangati na ang bibig kong magtanong pero pilit ko itong pinipigilan dahil hindi magandang magtanong habang may kausap pang iba ang taong nais mong kausapin. Yun ang turo sakin ni mama simula bata palang ako.

Hinintay kong maibaba nya ang tawag at makaupo muli bago sya simulang interogahin. At dahil may natitira pa akong kabaitan sa katawan ko, hinayaan ko munang lumipas ang ilang minuto bago ko siya sinimulang kausapin.

"Uhmm... Ander." Tawag ko sa kanya.

Hindi naman ako nabigo dahil nilingon naman nya ako pero hindi ko inaasahan sunod nyang ginawa. Niyakap nya ako at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ko. "Ander?"

Nagtataas baba ang kanyang balikat at nababasa ang aking damit, tanda na siya'y umiiyak ngayon. "Ander, why are you crying?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Hindi naman kasi mabilis umiyak si Ander. Pero alam nya kapag si Ander umiyak, ibig sabihin nun ay hindi na niya kinakaya ang bigat na dinadala nito.

"Please just let me cry." Basag ang kanyang boses. Medyo nahihirapan syang magsalita pero magsalita pero hindi ito naging sagabal para mahsalita sya. "I promise to tell you later but for now just let me hug you." Puno ng pagsusumamo at lungkot ang kanyang boses. Nahahabag ang puso ko.

I hate to see him like this. I never liked seeing the broken Ander. It always breaks my heart. I wish I could take all his pain away.

"Okay. Let it all out. I'm right here." I said and patted his back gently.

Hinaplos ko anb kanyang likod hanggang sa tumahan sya. Humiwalay sya sakin at umayos ng upo. Pininasan nya ang kanyang mga luha bago ako tinignan.

Ang kanyang mata ay puno ng iba't ibang emosyon. Puno iyon ng intesidad pero sya ang unang nag-iwas ng tingin.

Huminga ng malalim. "Tumawag si kuya." Paninimula nya. Nakatitig lamang sya sa kanyang pinaglalaruang kamay habang nagsasalita.

"He informed me that mommy's condition is getting worse." Doon palang ay parang nahuhulaan kona kung saan patungo ang usapang ito.

"Kanina daw inatake sa puso si mommy. Sobrang trabaho daw ng doctor para lang mailigtas sya... Nakasurvive naman si mommy pero ang sabi ng doctor, maaaring hindi na nya kayanin kapag inatake nanaman sya ulit. Kailangan na daw talaga nyang madala sa ibang bansa... doon mas matututukan ang kondisyon nya. Mas mataas ang tsansa nyang gumaling."

BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY NO.1Where stories live. Discover now