0

15.4K 245 6
                                    

CHAPTER 0

"Are you really sure about this, Zella?"

Tiningnan ko ang kaibigan kong si Rianne saka siya tinaasan ng kilay dahil sa tanong niyang pa-ulit-ulit.

"Of course! Ilang beses ko bang sasagutin 'yang tanong mo? Baliw."

Kinagat ni Rianne ang pang-ibaba niyang labi saka ako tiningnan ng may pag-aalala, "I'm just really worried! Alam mo kung gaano ka-relihiyoso ang pamilya mo. And doin' such thing. Tingin mo matatanggap ni Tita Izabelle na nakipag-sex sa random guy ang anak niya kase gusto lang nitong magka-anak pero ayaw naman magpakasal?!"

"Oh my God, Rianne!" napairap ako sa sermon niyang walang hinto-hinto, hinarap ko siya saka hinawakan sa magkabilang balikat. "Rianne, at the age of 28 I'm still virgin and single. I just want to experience this so called 'sex' you know? And if I'm lucky, kung magbubunga 'yon edi congrats sa'kin!"

Hindi pa rin niya ako mapaniwalaan, awang ang labi ni Riane nang tampalin ako sa noo. "Gaga! Ikaw lang naman ang ayaw mag-jowa. I know na maraming nanliligaw sayo sadyang ayaw mo lang!"

Napakamot nalang ako sa buhok ko, "Alright, alright! But can we just go in? nandito na tayo bakit hindi pa natin ituloy?" Itinuro ko ang malaking bar sa harapan namin.

Nagdalawang isip pa si Rianne bago niya ako tingnan kaya hinila ko nalang ang bruha para matapos na ang lahat. Geez.

Tinawanan ko siya ng mahina, "Porke kase may jowa ka kaya ka ganiyan, anoh?"

"Anong jowa? Wala ako 'non and please can you use formal words to replace those kanto words!"

"Napaka-arte mo talaga."

Nang makalapit sa entrance ay agad naming pinakita ang kaniya-kaniya naming ID sa mga bouncer na nagbabantay at saka kami pumasok sa loob.

Maingay na tugtugan at nakakabulag na lightnings ang sumalubong sa amin, amoy ng matapang na alak at iba pang kemikal ang nahahalo sa atmosphere sa loob.

"Hindi ako maarte! Sadyang pangit lang talaga pakinggan ang mga words na binabanggit mo minsan."

Nagkibit-balikat nalang ako sakaniya saka humanap ng mauupuan.

Hinila ko ulit siya at pumunta sa counter.

Medyo salubong na ang kilay ni Riane nang maupo kami sa counter. Halatang iritado at galit.

Taena.

Napanguso ako, "Nangako ka kayang sasamahan mo akong pumunta ng bar! What's with your face? Tsk."

"Hmph. I promised kase nag-aalala ako na baka hindi kana maka-uwi ng buhay at malay ko bang may ganiyan 'kang plano?" Aniya na tumataas ang boses dahil rin sa lakas ng music sa loob bukod pa sa may halong inis ang boses niya, hinarap niya ako at muling sinermonan, " Grazella, you've been really amazing since childhood--"

"Thanks."

Sinamaan niya ako ng tingin bago nagpatuloy sa seryosong tono, "You're already successful at the age of 20! You can get whoever this man that you want. By doing this, talaga 'bang pinag-isipan mo 'to ng tama o padalos-dalos ka nanam---"

Mahina kong kinurot ang kamay niyang nakapatong sa bar counter na ikina-'aray' niya. "Yes! I'm succesful, independet woman. So I don't need a man in my life. Isa pa ang mga lalaking 'yon na nanliligaw daw kuno sakin eh halata namang hindi tatagal ng isang buwan. Why would I need to waste my time for such boys?"

Inangilan ko siya saka inirapan, "At kung nag-aalala ka about sa baby na mabubuo na wala pa nga at hindi sure dahil wala pa akong nakikitang prospective one-night-stand partner, I already know how will I handle that, Rianne. You know me naman right? I can raise a child by myself."

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Where stories live. Discover now