Chapter 32

184 14 27
                                    

I don't know, kung kailan ito nag simula pero isa lang ang gusto kong sabihin sa kaniya....

Na mahal ko na rin siya at nag bunga ang nangyari sa amin.

Kaya napag isipan kong bago kami umuwi ay sasabihin ko na.

Nag kwentuhan pa muna kami at kumain ng nga binili niya, buti na lang din at may tindang mangga sa may paradahan ng trysicle at bumili kami.

Hindi na naman siya nag tanong at hinayaan nalang akong lantakan ang mga mangga.

Hindi namin binuksan ang topic tungkol sa nangyari sa 'min pero ramdam kong gusto niyang mag tanong at mag paliwanag pero mas pinili niyang manahimik nalang.

"P-pwede ba kitang ihatid?" he asked.

"Eh, paano yung mga pulis?" kasi kanina sabi nila hihintayin daw nila ako.

"Pinabalik ko na sila dahil may kailangan din silang pag lingkuran."

"Ahh, okay sige." tumango ako at ngumiti sa kaniya.

Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at matamis na ngumiti.

Napa hawa ako sa tiyan ko at pinakiramdaman na akala mo'y may sisipa.

"Daddy is here." bulong ko.

Naka rating kami sa subdivision at tanging Bluetooth lang ng sasakyan niya ang nag iingay.

"Daan ka muna sa bahay?" tanong ko at inayos ang t-shirt ko.

"Sige b-" naputol ang sasabihin niya ng bigalng nag ring ang cellphone niya. Napa hinto tuloy kami sa gilid.

Napakunot ang noo ko dahil sa naging reaksyon niya.

Galit? Pag-aalala?

"Merda!" bulong niya at napa-hilot pa sa sintido niya.

"Is everything alright?" i worriedly asked.

Napa buntong hininga siya at hinawakan ang pisngi ko.

"Natamaan ng ligaw na bala si Daddy, hindi pa sinasabi ni Kuya kay Mommy dahil baka pati siya ay dalhin sa ospital pag nabigla 'yon." inalis niya ang pagkaka hawak sa pisngi ko at hinawakan ang manibela ng sasakyan. "Ihahatid muna kita bago ako dumiretso sa ospital."

"No! Huwag na, kailangan ka ni Tito. Kaya ko naman tsaka ayun lang naman ang bahay namin oh," turo ko sa bahay namin na may ilaw sa may gate. Alas-sais na rin kasi ng gabi. "Lalakarin ko nalang, and also our guard will see me."

"Pero kahit n-"

"I'm okay, hmm?" i assured him.

May pag-aalinlangan sa mga mata ngunit sa huli ay tumango na rin.

Bubuksan ko na sana ang pinto pero pinigilan niya ako at na una nang bumaba.

Nginitian ko sya at nag paalam na, maliwag ang paligid dahil sa mga ilaw pero may parte din naman na madilim.

"Hillary, Wait!" napalingon ako at nakita kong tumatakbo papalapit sa akin si Danver.

"Why?" nag tataka kong tanong.

"I'm sorry for doing this." napa-kurap-kurap ang mata ko dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"I love you...so much." bulong niya bago humiwalay sa akin, at hinalikan ang noo ko.

Para namang may mga paru-parong lumilipad sa tiyan ko dahil sa mga sinabi niya.

I love you too...

Gusto ko din sabihin ngunit pakiramdam ko ay hindi pa ito ang tamang oras para sabihin iyon sa kaniya.

"Take care, Bambina." he said and waved at me, while smiling.

Make Her Smile [COMPLETED] Where stories live. Discover now