Chapter 22

143 13 32
                                    

Tawa pa rin ako ng tawa dahil sa pag sayaw niya o let's say sa kaniya. Wala akong pakialaman kung naka titig lang siya sa akin basta ang alam ko sumaya ako sa ginawa nya.

"Dignidad pala ang kailangang mawala tumawa ka lang." aniya ng naka nguso at inaalis ang mga kolorete sa mukha.

Agad ko namang sinapo ang mukha niya at pinag-balik-balik ang tingin sa mukha at suot niyang damit.

Natawa na naman ako ng malakas at sumasakit na ang tiyan ko roon, hindi na rin ako maka hinga sa sobrang tawa.

"L...T...ka..." putol-putol kong saad pero siya ay hinila lang ako sa mini ref ko at pina inom ng tubig.

"Uminom ka muna, para kang ma-mamatay na diyan eh." he said seriously.

Uminom ako at huminga ng malalim, pero may pa mahihina pa ring tawa.

"B...akla ka pa...la." i teased at pinasadahan muli ang ayos nya.

"What?" he asked. Rinig roon ang pag kainis.

Ngumisi lang ako at umuling, tumatawa pa rin.

"Aba't--" naputol ang sasabihin nya ng maka rinig kami ng katok.

"Sweetie?!" i heard my Mom's voice and i looked at Danver with my widen eyes.

"Tago, bilis!" mahinang sigaw ko, pero naka tayo lang sya roon at naka kibit balikat.

"Danver!!" inis kong sigaw pero ang mokong tinawanan lang ako.

"Ano naman kung makita tayo ng Mommy mo?" he asked teasing me.

"Hillary?" tawag muli ni Mommy. "Papasok na ako huh?" nanlaki ang mata ko at buong lakas na hinila si Danver sa closet ko at pinanlakihan ng mata.

He just shrugged and smirked.

Sinarado ko ang kurtina ng sliding door para matakpan ang ginawang ka baklaan ni Danver at inayos ko rin ang buhok kong nagulo ng kaunti pati na rin ang pantulog ko.

Lumabas na ako at nginitian si Mommy at pinatuloy sa kwarto. Napapa sulyap pa ako sa pinto ng closet ko dahil bahayang naka awang ang pinto noon dahil sa pag ma-madali ko.

"Ang tagal mo naman anak, akala ko tulog kana." aniya at binuksan ang drawer ng study table ko dahil naroon ang album namin nila Daddy. Ganyan si Mommy tuwing hindi siya maka tulog, sinasabi ko naman sa kanya noon na dal'hin na niya iyon sa kwarto niya pero ayaw nya. Baka raw maipit nya sa pag tulog at baka hindi na niya tigilan iyon.

"N-nag bihis po ako, My." aniko at pilit na ngumiti.

Umupo sya sa gilid ng kama ko at nangingiting nag bubuklat ng pictures namin.

Nanlaki ang mata ko ng maka-rinig ako ng nahulog na gamit sa loob ng closet ko. Pati si Mommy ay napatingin rin doon.

"My! B-baka ano po 'yon...uhh...tuko! I-iyon nga Mommy tuko!" aniko at dali-daling sinarado ang kaunting siwang ng pinto.

"Tuko?" takhang tanong niya, mabilis naman akong tumango at awkward na ngumiti.

"O-opo! S-sasabihin ko po kay Kuya Kipoy na...patayin iyon bukas hehe." aniko at lumapit sa kaniyang pwesto.

"Ang laki namang tuko iyon, pero bakit naman makaka pasok sa closet mo iyon?"

"B-baka po dumaan sa terrace, Mommy hehe." ani ko at hinawakan ang braso niya para maka labas na ng pinto. Pero hindi ko ipinahalata iyon.

Humanda ka sa'kin mamaya Danver!

"Oh siya, matutulog na ako hmm?" paalam niya at hinalikan pa ako sa pisngi. I nodded and waved a bit, forcing myself to smile.

Naka hinga ako mg maluwag ng maka pasok si Mommy sa kwarto nya at ako naman ay dali-daling nag tungo sa closet ko at sinamaan ng tingin si Danver.

"Ang ingay mo! Alam mo bang muntik ka ng nahuli ni Mommy!" inis kong singhal sa kaniya at kinurot ang tagiliran.

"Nahulog lang naman iyong pabango mo ah." dahilan nito at pinulot ang pabango ko na nasa may mini sofa.

Inirapan ko lang siya at hinablot ang pabango bago ilagay sa collection ko. Marami akong collection ng pabango at ang iba noon ay galing pa sa mga business partner ni Mommy na ni-re-relago sa akin.

"Ang laki ko namang tuko." komento niya, hindi ko alam kung anong ginagawa niya dahil abala ako sa pag aayos ng pabango ko na nagulo nya.

"Oo, mukha kang tuko." aniko at inayos ang taklob ng maliit kong pabango.

Pag harap ko kay Danver ay nag tatangal na siya ng heels at lashes nya.

Para tuloy nawala ang inis ko sa kanya dahil sa itsura nya.

"Bakla." bulong ko at tumikhim bago umupo sa tabi nya at tiningnan ang brand ng heels nya.

Shuta ang mahal!

"Mahal pa 'to sa mga heels ko eh." mahinang aniko bago natawa ulit.

"What?" he asked seriously.

"Sabi ko mahal pa 'ata to sa heel-"

"No yung kanina." aniya at tinitigan ang mga mata ko.

"Huh? Eh wal-"

Feeling ko luluwa na yata ang mata ko dahil sa ginawa nya! He...He...freaking kissed me!

He sucked my lower lip and slightly pushing his tongue inside my mouth. He's teasing me!

And for fucking sake! I almost hold his nape just to make our kiss deeper!

Hindi ako tumugon dahil ayoko ng isipin niya na nagugustuhan ko. Pero...basta!

Siya din ang unang humiwalay sa'kin at humabol pa ng halik sa ilong ko.

"Hindi ako bakla bambina," aniya at hinagkan ang noo ko bago tumitig muli sa'kin at ngumiti. "And i won't sorry, that's your punishment. A sweet little punishment." he said in a deep husky voice.

"Sa wakas na tuloy na rin ang naudlot kanina." he chuckled and he patted my hair a bit. "Love you bambina, Good night."

"Foul 'yon ahh!" aniko at hinampas ang balikat nya.

"U-umalis kana nga!!" aniko at pilit na hinila at itinulak sa may sliding door. "Linisin mo muna yan bago ka umuwi!" aniko at isinara na ang sliding door at kurtina ko. Binunot ko rin ang saksak sa ng Christmas lights nya sa extension ko.

Narinig ko muna siyang tumawa at nakita ko ang pag kalas niya ng mga designs roon.

Nang marinig kong naka talon na siya ay napa upo ako sa kama ko habang sapo-sapo ang nguso.

Paano nya nakayang tumalon roon? Mataas din naman iyon ah?

"Puta." na i-usal ko at bahagyang dinilaan ang labi ko at halos mamula na ang buong katawan ko dahil lasa pang menthol ang bibig ko.

_____
Thank you all for waiting!

Don't forget to vote and comments🤗

Make Her Smile [COMPLETED] Where stories live. Discover now