Chapter 15

125 11 0
                                    

Nang pumatak ang alas-sais ng gabi ay naligo na ako. Yung gown naman na susuotin ko ay naka handa na sa kama. It's a simple ofshoulder red gown and i parter it a black high-heels.

I like a simple gown, bukod sa mahirap pag mag lalakad, nabibigatan din ako.

Matapos kong maligo ay nag patulong ako kay Nanay Selya na isuot sa'kin ang gown, nasa likod kasi ang zipper nito. Medyo nakikita din ang cleavage ko, pero Okay lang confident naman ako. Inilugay ko rin ang buhok ko para hindi masyadong kita ang likod ko, malamig din kasi.

Nag apply din ako ng kaunting makeup, sing-sing, necklace, and earrings. A light makeup will do.

Habang nag lalagay ako ng pabango ay nakarinig ako ng mahinang katok.

"Hija, nasa baba na si Danver." ani Nanay Selya habang Naka silip ng kaunti sa pintuan ko.

Tumango lang ako at ngumiti.

Sabi nya eight nya raw ako susunduin? Pero seven thirty palang naandito na sya.

I shrugged and picked my pouch and went outside.

Naabutan ko si Danver na naka upo at umiinom ng tubig, he's wearing a black tuxedo and black shoes. Even his hair is fixed. And his blue eyes is calm, like a waves.

'In fairness, ang gwapo niya-, i mean yung mata nya. Yes yung mata yung gwapo, tss.

"Good Evening." kuha ko sa atensyon nya.

Pag baling niya sa akin ay hindi na natuloy ang pag lunok niya ng tubig dahil sa pag katulala sa'kin. Sa'kin o sa Gown ko?

It's a stare, that you can't see any desire. An amusement will see.

Tumikhim ako at lumapit sa kanya. "Maganda ba?"

Umiwas naman agad sya ng tingin at ngumiti bago tumango. "Bellissima, I mean, yes you're Beautiful." he said before giving me a killer smile.

"You too, you look Good. Now let's go, my Mom is waiting for me." i said and walk away.

Pero bakit gano'n yung puso ko parang hinahabol na naman ng tatlong rapist.

'Arrgghh! Stop it Hillary!'


Pag labas ko ng sasakyan ay agad na ikinawit ni Danver ang kamay ko sa kanang braso nya.

I looked at him, asking why.

"It's Natural." tipid niyang sagot, bago inayos ang buhok kong naka harang ng kaunti sa mata ko. Bago iyon isabit sa likuran ng tainga ko.

"Shall we?" he asked. Tumango ako at hinawakan ang gown ko na medyo sumasayad sa lupa.

Pag pasok namin sa hotel ay puro Business Man and Woman ang sumalubong sa amin.

Malaki ang venue ng hotel kaya kasya ang 55 person. Mayroon ding mga bata na apo o anak yata ng ibang business partner ni Mommy.

"Miss De Castro! Mr. Garcia! Nice meeting you both here!" masayang bati sa amin ng isa sa pinaka matatanda na lalaking may business. Asawa ni Mrs. Lenia Corpuz, si Mr. Francis Corpuz.

Kilala ko silang lahat, dahil pag dadalaw ako noon kay Mommy sa opisina ay na a-abutan ko sila doon na nag me-meeting.

Ngumiti lang kami ni Danver at inihatid niya ako sa table nila Mom.

"Mom," i kissed her right cheek and i greeted the other.

"Thank you for accompanying my daughter here." my Mom smiled at him.

"It's Okay Tita." he replied and smiled too.

Nag paalam muna akong kumuha ng pagkain, tutal nag kakasayahan naman sila mag kuwentuhan.

I picked my favorite dish, Sinigang. Kanin at tsaka mga desserts.

"Hindi halatang gutom ka 'no?" sulpot ni Danver sa likuran ko.

Inirapan ko sya, "You don't Care." aniko at bahagyang binangga ang balikat niya at nag tungo sa table namin para kumain.

May mga waiters naman na nag aabot sa'min ng mga alak or juice pero mas gusto ko yung calamansi juice nila tsaka puro daw iyon walang halong kung ano, kaya nag tungo ako roon kasama si Danver.

"Favorite mo ba iyon?" tanong niya habang kasabay kong mag lakad.

"Oo, bukod kasi sa healthy siya. Pag may ubo ako yun ang iniinom ko." aniko at hinawakan ng kaunti ang gown ko para makalakad ng ayos.

"Wow! Parehas pala tayo," aniya na akala mo'y bata na binigyan ng maraming candy. "tsaka do'n daw kasi kami pinag lihi ni Mommy." dugtong pa nya.

"Ahh, buti nalang hindi ka pumangit sa asim no'n no?" pang-aasar ko.

Umismid naman sya at ngumuso, kaya natawa ako ng mahina.

Pero maya-maya ay agad na nag liwanag ang mukha nya.

"So...sinasabi mo na gwapo ako?" balik na pang-aasar nito sa akin.

Nanlaki ang mata ko at medyo binilisan ang pag lalakad kahit na natatapakan ko ng kaunti ang gown ko.

"Hey!" habol nya sa'kin at tumatawa.

"W-wala akong sinasabi 'no!" inis kong saad.

"Pero pareho lang naman ang ibig sabihin no'n."

"B-bahala ka nga!" inis kong saad, pero deep inside gusto ko ng mag pakain sa lupa dahil iisa lang din naman ang ibig-sabihin noon.

Sumabay na ulit siya sa'kin ng pag lalakad.

Nag pipigil pa ng tawa ang loko!

Napairap nalang ako at tumahimik.

Malapit na kami sa mga drinks ng maramdaman ko ang kamay nya sa beywang ko. Para akong na kuryente dahil sa pag lalapit ng balat namin.

Inayos nya ang pag kakahawak sa beywang ko at matahan na itinaas ang gown ko at sya mismo ang nag dala habang papalapit kami sa kuhanan ng drinks.

"Kaya ko naman." aniko at medyo pumiglas, baka kasi kung anong sabihin ni Mommy eh, asar din kasi iyon.

"Let me." anito at ngumiti. A fvcking killer smile again!

Kahit na naiilang ako ay hinayaan ko nalang siya. Kaysa naman gumawa pa kami ng eksena dito.

Nang maka kuha kami sa table ay agad kaming umupo.

Dumating na rin ang pamilya nya, kasama din ang fiancé ni Denver. Kaya nag start na ang Ball.

Ka table namin ang pamilya ni Danver dahil si Mom ang pinaka may malaking share sa kanilang mga ka Business, even though kila Danver 'yon pangalawa si Mom sa may malaking shares.

"Rest room lang po." paalam ko at tumayo agad. Sasama pa sana si Danver pero tinawag na sya sa stage.

Habang nag re-retouch ako ng lipstick ko ay biglang pumasok ang pamilyar na babae.

"Hey, Nia." bati ko dito at nakipag beso.

Siya naman ay kahit mag aalangan ay bumeso rin.

Ngumiti ako sa kanya at nakita ko agad ang pag kabalisa roon.

"You Okay?" nag aalalang tanong ko rito.

Pilit naman syang ngumiti bago tumango.

"S-sige ha, una na ako." paalam nya bago, dali-daling lumabas ng restroom.


Ala-una na ng madaling araw kami naka uwi at parehas kaming pagod ni Mommy.

Hinatid din ako ni Danver at si Mom naman ay may sariling sasakyan. Masaya naman at nabusog kami pare-pareho.

Ngayon ay nag hahanda na ako sa pag pasok dahil may pa-practice-in daw kami para sa graduation.

Coding ang sasakyan ko ngayon kaya no choice ako kaya mag ta-taxi nalang ako.

Yung driver naman namin ay umuwi saglot sa pamilya nya dahil nag kasakit ang anak nito.

Pag labas ko ng gate ay isang mamahaling sasakyan ang sumalubong sa'kin.

"Let's go Mia Signora." naka ngiting ani Danver at pinagbukasan ako ng pinto.

_____
Bellissima (Beautiful)

Make Her Smile [COMPLETED] Kde žijí příběhy. Začni objevovat