Chapter 16

131 15 2
                                    

Maingay na klase ang ang sumalubong sa akin pag pasok ko palang.

Our adviser allowed us to wear a civilian dressed, dahil last day na namin ito. Naka suot ako ng itim na pantalon at yellow na bulaklaking off shoulder. And a pair of doll shoes.

"Hoy Gaga! Naandito kami!" napatingin ako sa may whiteboard at nakita ko doon si Rica na nag papaayos ng buhok.

"Anong meron?" nag tatakang tanong ko.

"Wala naman." balewalang sagot nito, kinurot pa ang aking pisngi. Dahilan para samaan ko ito ng tingin.

"Joke lang ito naman, kasi nga diba last day na natin 'to. Ta's sa graduation na ulit tayo mag kikita-kita, that's why naisipan ng buong section na mag palaro. Okay lang naman daw sabi ng principal, and agree na rin ang prof natin." aniya at kinuha ang bag ko para maki hiram ng liptint.

"So, mag hapon walang gagawin?" i asked.

"Oo, Kaya lahat ng boys nag a-arrange ng upuan."

Pag tingin ko sa paligid ay nakita ko nga ang mga kaklase kong nag aayos ng upuan. Malawak ang room ng bawat isa rito sa N.U kaya kapag walang professor nilalagay namin lahat ng upuan namin sa gilid. Tapos yung matitirang space sa gitna yun ang pu-pwestuhan namin.

Tumingin ako sa kanya at nginiwian.

"Anong mukha yan?" tanong niya habang binabalik ang liptint sa bag ko.

Buraot!

"Pagod ako." yun lang ang sinabi ko at umupo na sa tabi nya.

"Anong pagod, may pinuntahan ka'ba kagabi?"

"Hmm, sa Ball ng mga Garcia." nakapikit kong saad.

"Ahh Garci-" natigilan siya at maya-maya'y nanglaki ang mata at tumayo bigla. "Teka! Yun ba yung poging hottie na kasama mo no'ng nag Loricios tayo!?"

Dumilat ako at tumingin sa kanya. "Hot ba 'yon? Pogi ba 'yon?" naka kunot ang noo kong tanong?

"Hala sya! Grabe ka sa boyfie mo huh!"

Napangiwi naman ako dahil sa sinabi nya, "He's not my boyfriend, Okay?"

"Eh diba nung sa bar sabi ny-"

"Naniwala ka naman agad?" i cut her off.

"Trip niya lang iyon." aniko at kinuha ang cards na pinamimigay ni Carmen, our president.

"Diyan naka sulat ang mga laro natin, may oras din diyan. Mamaya ko nalang din ipapaliwanag yung mga mechanics ng game." naka ngiting aniya sa' kin. Kaya nginitian ko siya, mabait siya at may pag ka nerd.

Hindi sya yung typical na president na bida-bida at sip-sip.

We nominated her because we know that she can handle us, tsaka malaki rin ang tiwala namin sa kaniya.

Minsan mahirap para sa kaniya dahil sa mga pasaway naming kaklase, pero nagagawa nya pa rin.

Para kaming Elementary 'no?

Pumunta si Carmen sa unahan matapos nyang ipamigay ang mga cards. Wala kaming professor's ngayon dahil nga last day na namin ito ngayon, at mag kikita kita ukit kami sa Monday dahil graduation namin iyon. Buti nalang din at kahit anong lakas ng boses namin ay hindi gaanong rinig sa katabi namin na room.

"Okay, ang lalaruin natin ngayon ay ang putukan ng lobo!" Carmen shouted and command the Vise President to get the balloons.

"Siya nga pala guys, may premyo naman kaya sumali na kayo! Secret muna ang mga gifts para may thrill." ani Carmen at may kinuha sa supot at iwinagay-way iyon. May balot ito, may kalakihan din kaya sure akong maganda iyon.

Make Her Smile [COMPLETED] Where stories live. Discover now