Chapter 3

165 15 0
                                    

Isang linggo ang lumipas at iba ang napansin ko kay Kio. At dahil doon ay nag aalala na ako sa kanya, pati ang pag aaral ko ay na pa pabayaan ko na.

Napapagalitan na nga ako ni Mommy eh, sabi nya graduating na daw ako at huwag ko na daw pabayaan ang pag aaral ko. Hindi din nya alam ang nangyari sa'min ni Kio, ayokong maging masama ang tingin ni Mommy sa kanya.

Matapos nang gabing binastos nya ako ay bumalik sya nang maaga sa Condo kinabukasan. Hindi din sya nag sorry o ano, basta Kinabukasan ay niyakag nya lang ako kumain ng almusal sa Condo ko.

Habang kumakain din kami ay iba ang pag kilos nya. Lagi syang naka kalikot sa phone nya, kinakausap nya naman ako pero sa cellphone ang atensyon nya.

Sinusubukan ko din na hiramin ang cellphone nya pero sinisigawan nya lang ako.

Sa pag ligo naman nya ay inaabot sya ng isang oras na dati namang pitong minuto lang.

Ngayon ay nasa canteen kami at sya ay umo-order ng lunch namin. Naiwan din nya ang phone nya.

Pag kakataon mo na ito para masagot lahat ng pangamba mo!

Tumingin muna ako sa gawi nya at nakita kong pumipili sya ng mga ulam at dali-dali kong kinuha ang cellphone nya at itinago sa ilalim ng lamesa at binukasan.

Buti nalang at alam ko ang password nya, birthday ko.

Pumunta muna ako sa Facebook at messenger, pero parehong wala akong makita na pinag dududahan ko.

Pag bukas ko ng message's nya ay nakita ko ang text nya kay Almira, one of his flings. Since we're in first year college.

May mga malalaswang video at pictures doon, pati mga sinasabi nila. May picture si Kio sa banyo ko sa Condo na naka hubad at naka tingala sa shower. Si Almira naman ay nakita kong naka suot ng pulang nighties at naka kagat labi.

Nang tingnan ko ang date noon ay gabi ng mismong anniversary namin, nung hindi ko binigay ang gusto nya. Matagal tagal na din.

Nanginginig ang kamay kong ibinalik ang cellphone nya sa lamesa.

Kaya pala, kaya pala iba na ang pakikitungo nya sa'kin.

Sex lang ba ang habol nya sakin simula nung una? Tangina.

"Bunchie, kain na tayo." hindi ko namalayang naka balik na pala sya at akmang hahalikan nya ang pisngi ko ay umiwas ako.

Alam kong nangingilid na ang luha ko kaya tumungo ako at kunwaring kinakamot ang binti ko.

"U-uhh, m-masama ang pakiramdam ko eh hehe. B-baka mahawa ka pa." dahilan ko. Pasimple kong kinuha ang panyo ko sa bulsa para mapunasan ang luha ko bago tumunghay sa kanya at pilit na nginitian.

"S-sige kain na tayo, p-pupunta akong clinic para maka hingi ng gamot." tumango lang sya at nag simula nang kumain.

Nakita ko din na minsan nyang tinitingnan ang cellphone nya. Kung minsan naman ay kakalikutin nya ito at ngingisi.

Gusto kong umiyak pero tinatagan ko ang loob ko.






MAAGA akong umuwi at hindi ko na sya hinintay o kahit si Rica. Gustong gusto ko nang umiyak pero pinigilan ko, may plano na ako mamayang gabi at ayokong masira yon.

Pilit kong isinisiksik sa utak ko na iba ang nakita ko, pero ginagawa ko lang tanga ang sarili ko. At ang gusto ko ay ako mismo ang maka kita sa kanila.

Tangina, akala ko sya na eh. Akala ko sya na hanggang huli.

Nung nawala si Daddy, ganitong ganito din ako eh. Kinakabahan din ako na baka bumalik ako sa pagiging tahimik, pero pag ganun payapa ang buhay.

Make Her Smile [COMPLETED] Where stories live. Discover now