Chapter 7

146 13 0
                                    

Nang dumating ang gabi ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina sa Grocery. Pag katapos kasi ng aksidenteng iyon ay agad na ipinahanap ni Danver yung lalaki, pero sa huli ay hindi rin nakita. Wala rin akong idea kung bakit nangyari iyong aksidente, o tama bang tawagin kong aksidente kung sinadya naman.

Alam na din iyon ni Mommy at wala rin syang alam tungkol doon sa lalaki.

Matapos kong mag hugas ng kamay ay dumiretso ako sa sala at nanood ng TV. I'm here at our house, because Mom didn't allow me to sleep in my Condo. She said, she's worried. And i agree with that, besides I'm scared.

Habang na nonood ako ng K-Drama ay may nag doorbell, tatayo na sana ako nang maunahan ako ng kasambahay namin.

"Ako na hija, manood kana diyan." malambing itong ngumiti at nag tungo sa pinto. Sya si Nanay Selya, sya ang nag aalaga sa'kin mula bata ako, tuwing busy si Mommy sya ang kasama ko. Dito na rin sya tumanda, at saludo kami sa kanya dahil napag aral nya ang anim nyang mga anak at ngayon ay may kanya-kanya nang trabaho.

Naka suot ako ng pink na pajama at White sando, naka suot din ako ng pangloob tsinelas na bunny ang design.

"Hija, si Sir Danver." pukaw sa'kin ni Nanay mula sa panonood ng True Beauty na K-Drama, at pag tingin ko ay nakita ko si Danver na may dalang dalawang echo bag.

Napakunot ang noo ko at malamig siyang tiningnan.

Ang kulit talaga ng lalaking 'to. Ni hindi ko nga alam ang intensyon nya sa'min bukod sa business partner sya ni Mommy.

"What are you doing here?" ani ko at tinaasan ng kaliwang kilay.

"Uh...makiki movie marathon." aniya at tumabi bigla sa'kin. Si Nanay Selya naman ay naaliw na tinitingnan kami, kaya sinimangutan ko sya. Tumawa lang naman ito at dumiretso na ng kusina.

Alas syete palang ng gabi kaya ari pang mag pa pasok sa Subdivision.

"Teka nga, paano ka nakapasok dito?"

"Tinawagan ko Mommy mo." aniya at kumindat. Napa ngiwi ako doon at ibinaling na ulit ang tingin sa TV.

"Uy! Pinapanood mo pala yan? Natapos ko na yan eh!" biglang sigaw nito kaya napapitlang ako.

"Gusto mo spoil kita?" tanong nya habang may hawak na gummy bear at kinakalog kalog pa ito.

Nanlaki ang mata ko at sinamaan sya ng tingin.

Yun kasi ang isa sa ayaw ko, yung ini-spoil ako at pag ga'non nawawalan na ako ng gana panoorin.

"Ayos kana ba? I mean kanina sa Mall?" alanganin nyang tanong.

"Oks lang." tipid kong sagot. Habang naka tuon parin ang tingin sa TV.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag tango nya.

Nang maalala ko kung anong sadya nya rito ay inalis ko ang tingin sa pinapanood ko.

"Anong pakay mo, at dis oras ng gabi na'ndito ka?" naka halukipkip kong tanong.

"Gusto ko lang masigurado na ok ka." umiwas sya ng tingin at kumuha ng pik-nik sa echo bag at binuksan iyon.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Ipinaling ko ang ulo ko sa TV at tumikhim.

"Pahingi." inilahad ko ang kamay ko.

Imbes sumagot ay ibinigay nya sa'kin ang dalawang echo bag. Busy kasi sa panonood.

Kumuha ako ng chuckie at isang Pic-A at nanood ulit.

"Alam mo ba na mag hihiwalay sila dya-"

"Stop!" tinakpan ko ng kamay ko ang tainga ko dahil mag ku-kwento sya tungkol sa pinapanood namin.

Tumawa sya kaya inirapan ko lang.

Spoiler!

"Muntik na nga silang nag kiss ni-"

"I said stop!" this time ay bibig na nya ang tinakpan ko at sinamaan sya ng tingin. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa TV at sumupsop ng chuckie.

Napa tingin ako sa kanya ng maramdaman ko ang hininga nya sa kamay kong naka takip pa rin sa bibig nya.

Ngayon ko lang napansin na medyo malapit ang mukha namain sa isa't-isa. 

Lumayo ako at inalis ang kamay sa bibig nya. Hindi naman basa yung kamay ko, for short walang laway.

Haha!

Naka dalawang lunok muna sya bago tumikhim.

Awkward...

"Wag kang spoiler." cold kong saad at sumubo ng gummy bear, at sinundan ng Pic-A.

"At saka, di'ba napanood mo na yan?"

"Hmm." tango nya.

"Edi umalis kana, napanood mo na pala eh. Tsaka ayoko ng spoiler."

Tumawa lamg sya at inihilig ang ulo sa sandalan at nag salita.

"Ayoko nga, manonood pa tayo ng Horror eh. And don't worry, i won't spoil you." sagot nya at kumain ng pik-nik.

Horror?!

"What? Horror?!" gulat kong tanong.

"Oo, bakit natatakot ka?" panunuya nya.

"Hindi no!" defensive kong sagot. Nang mapa tingin ako sa TV ay nakita kong may kissing scene kaya sa loob-loob ko ay kinikilig na ako at na ngingiti.

Ayokong ngumiti sa harap ng mga lalaki, hindi nila deserve ang ngiti ko.

Katahimikan ang namutawi sa'min dahil pareho kaming nanonood.

Tatayo sana ako para kumuha ng tubig pero ng susuotin ko na ang tsinelas ko ay naapakan ko ang isa nito dahilan para mag tihaya ako.

Pero bago pa 'man ako mag tihaya ay nasalo na ako ni Danver.

Agad akong na pa ayos ng tayo nang may naramdaman akong kuryente ng mag tagpo ang kamay nyang nasa bewang ko kanina na aksidente kong nahawakan.

"Eherm! U-uh k-kuha lang ako ng tubig." itinuro ko pa ang kusina, sya naman ay napa ayos din ng tayo at pinunasan ang pawis sa leeg.

Agad akong nag lakad patungong kusina at naka ilang lagok ng tubig bago bumalik sa Sala habang bitbit ang tubigan ko.

"Tapos na, Horror na ang papanoorin natin. Anong gusto mong panoorin natin?" basag nya sa katahimikan, hindi ko namalayan na tapos na pala ang True Beauty.

"Kahit ano." tipid kong sagot.

"Ok, ito nalang The 8th Night. Hindi ko pa sya napapanood kaya 'wag kang mag alala." naka ngiting aniya.

Kaya ko ba?

Sa totoo lang, duwag ako. I mean ang pangit ng utak ko pag lagi akong nanonood ng horror. Yung tipong pag mag isa ako lagi ko yung naiisip, pati sa pag tulog, sa pag ligo, at sa pag lalakad mag isa.

Malakas ang loob kong mag movie marathon ngayon dahil tanghali pa ang klase ko bukas.

Nasa kalagitnaan na ng movie nang biglang may sumilip sa C.R dahilan para magulat ako. Isama pa yung sound effect.

Nasa C.R kasi yung babae at nung lumabas sya ay may sumilip at sumunod dun sa bida.

Napa pikit ako ng mariin at napa yakap sa katabi ko. Niyakap din ako ni Danver habang tumatawa kaya hinampas ko sya.

Kahit na libo-libong butalhe ng kuryente ang nararamdaman ko ay yumakap pa rin ako.

Natatakot ako!

"Cosi Carino" bulong nito at patuloy na tumatawa.

Buong panonood ay naka yakap ako sa kanya dahil intense ang mga scenes, kaya hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako sa mga bisig nya.

______
A/N: Hindi ko pa po napapanood ang The 8th Night sinearch ko lang sya sa google, kaya kung may naka panood na po nyan wag nyo po ako i-bash imagination ko lang po yun😊ako din po ay isang dakilang duwag HAHAHA

Cosi Carino(So Cute)

Thank you sa pag hihintay baVies:3
Don't forget to vote and comments!

Make Her Smile [COMPLETED] Där berättelser lever. Upptäck nu