Chapter 17

122 11 2
                                    

I'm wearing a blue floral dress and it is above my knees, we're going to church today. And it's been two days since we have a small party in our room in University.

"Let's go, My." it's eight thirty now, at napag pasyahan namin ni Mommy second mass nalang ang attended-an namin. Kagagaling lang kasi ni Mommy galing sa US for her business.

Pag karating namin sa simbahan ay naupo agad kami sa may bandang unahan, mabuti at hindi pa nag sisimula.

"My, mamaya punta tayo kila Daddy huh?" bulong ko kay Mommy.

Tumango lang siya at inayos ang suot niyang dress din. She's wearing a long color peach dress.

"Hi Tita." biglang sulpot ng pamilyar na boses sa gilid ni Mommy. Nakita ko roon si Danver na naka suot ng pantalon at puting polo.

"Oh, hijo. Sino'ng kasama mo?"

"Sila Mom po, nasa labas pa naiwan ko po kasing nag pa-park ng sasakyan si Kuya." aniya at tumabi sa'kin.

"Good Morning, Mia Signora" he said, and put his hand in his pocket while smiling at me.

"Morning." i said coldly.

"Ang cold mo huh, by the way can i invite you later?" he asked. "Dinner later?" he asked nervously.

Tumingin lang ako sa kanya, nag tataka.

"I-if you don't like, i-it's oka-"

"Ok, pag kagaling namin ni Mom kila Daddy." sabi ko at ibinalik ang tingin sa mga santo sa unahan.

Bibili din kasi ako ng pang make-up ko, sa isang araw na kasi ang Graduation namin, and my Mom doesn't allow me to go out without her or our driver.

Sabi nila may pamahiin daw roon. And wala namang mawawala kung maniwala ako. That's why, i stayed in our house.

"Ok, I'll fetch you." rinig kong saad nya. Tipid lang akong tumango pero hindi naka tingin sa kanya.

Dumating ang pamilya ni Danver at sama-sama kami sa pakikinig ng mabuting balita mula sa Panginoon.

"Peace be with you." naka ngiting saad ni Mommy bago humalik sa pisngi ko.

"Peace be with you Mom." i said and kissed her cheek too.

Matapos ang simba ay umuwi na agad kami ni Mommy.





Ngayon ay nag be-bake ako ng cookies para mamaya ay pwede na kainin at dal'hin sa sementeryo.

"Mom, hindi ako dito mag di-dinner hmm? Danver asked me for dinner po eh." i said.

"Okay, I know you're safe with him." she said and smiled.

"Bakit parang close na close po kayo no'n?" kuryosong tanong ko.

"I just...i like him for you. And besides he's kind and respectful naman." mapang asar na saad nya.

"Mom." naka simangot kong saway dito.

Natatawa siyang tumayo mula sa pag kakaupo. "Anyways, finished that because your Dad is waiting." tumango lang ako bago sya tuluyan na lumabas ng kusina.

She likes him for me? Tss...

Nag palit ako ng simpeng maong shorts at White na crop-top na may design na butterflies and slippers.

And it's already 2 p.m, pag karating namin sa puntod nila Daddy ay agad kong inilabas ang cookies at mga pag kain na inihanda kanina ni Mommy. Like brownies, leftover spaghetti, and leftover na tahong.

Favourite kasi ni Dad yan.

Yun namang mga pagkain na dinadala namin dito ay na'ndito pa rin, naka plastik ang mga ito at ang iba naman ay sira na o bulok na. Kaya itinapon ko muna iyon bago nag indian-seat sa harapan ng puntod nya.

Make Her Smile [COMPLETED] Where stories live. Discover now