Chapter 13

114 11 0
                                    

"What's wrong?" may brasong biglang pumulupot sa bewang ko at hinalikan ang ulo ko.

'Trip nito?'

Hinayaan ko lang sya dahil kulang nalang ay isiksik niya ang mukha ko sa kilikili nya dahil sa sobrang hapit ng katawan ko sa kanya.

"I'm sorry, nag aayos kasi ako ng bag." hinging paumanhin ko kay Kio na mariing naka titig sa kamay ni Danver na nasa bewang ko.

"It's fine." aniya at medyo nginitian ako.

Nakasuot sya ng white polo at black slacks, and a pair of shoes.

"So...mauna na kami." paalam ko sa kanya at pasimpleng kinurot ang likod ni Danver dahilan para mapasinghap sya at alisin ang kamay sa bewang ko.

Maglalakad na sana ako ng biglang mag salita si Kio.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may epekto pa rin ba ang boses, itsura, at presensya nya sa sistema ko. Pero buti nalang at wala na.

Ang bilis ko palang nakapag move on.

"Closure ba gusto mo?" diretsong tanong ko, dahilan para magulat sya at tumikhim bago umiwas ng tingin, hindi sinagot ang tanong ko.

"Kung Oo, sige sumunod ka sa'kin." pukaw ko sa kanya at tumango naman ito.

"Oy teka-" singit ni Danver pero hinila ko na sya.

"Yan yung gago mong Ex 'di ba?" bulong nya at bahagyang umakbay sa'kin dahil hanggang balikat nya lang ako.

"Oo," honest kong sagot. "we need to talk, that's why you're staying at my car. Bawal kang sumama."

"Eh paano kung may gawin yang masama sayo?" kulit pa nito, pero ang huli ay pumayag na rin.

"Sa may, river side lang kami." paalam ko at naka ngusong tumango lang siya.

May pasyalang ilog dito malapit sa Mall. Pag dating namin doon ay tumayo ako sa may harang at tinanaw ang ang pamilyang masayang naliligo. Siya naman ay tumayo rin sa tabi ko at hindi nag salita.

Napakaganda ng ilog na ito. Green na green at walang kalat sa paligid. May mga malalaking tent naman ito sa gilid at iyon ang nagsisilbing cottage.

Malayo kami sa pinaka entrance, narito kami sa gilid at ang ilog ay napapalibutan ng mga kahoy na harang.

Ang harang ay hanggang dibdib ko at sa kanya naman ay hanggang tyan nya.

Nakasilong rin kami sa ilalim ng puno ng mga mangga kaya kahit tumingala o tumingin  pa ako sa ilog ay hindi kami masisilaw sa sinag ng araw.

"Kamusta ka?" basag nya sa katahimikan.

"Ok na." aniko at bahagyang nginitian sya.  Malungkot naman syang tumitig sa'kin at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Good to know." he smiled sadly, and looked away.

"Eh ikaw?" balik kong tanong.

"Hindi, hindi ako naging Ok." nanunubig ang mga mata niya ng sabihin nya ang mga katagang iyon.

He caressed my hands and kissed it. While his tears is falling from his eyes.

"I'm sorry, I'm really, really sorry." lumuluhang saad nya.

Napaiwas ako ng tingin dahil may nag babadyang luhang gustong kumawala sa mata ko.

Binitawan nya ang kamay ko at medyo ginulo ang buhok ko.

"Nung," lumunok muna sya bago tumayo ng ayos at itinukod ang dalawang siko sa kahoy, bago nag patuloy magsalita. "n-naging tayo pinagsisihan mo bang ako ang naging f-first boyfriend m-mo?"

"No," aniko at itinukod din ang braso ko sa kahoy at pinag patong iyon. "because everything happens for a reason." diretsong sagot ko.

"You know before that, i didn't notice that i already forgetting my family and my self." totoo yun, dahil mula nung naging kami bihira ko nang madalaw sila Daddy sa sementeryo. Sa sarili ko naman ay nakakalimutan ko nang bilhan ang sarili ko, dahil dati sa takot kong mag hiwalay kami bumibili ako ng mga simpleng bagay. At yung dapat na gusto ko ay isinasantabi ko muna para mabili ang gusto ko para sa kanya.

Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil siya ang pangalawang lalaki na minahal bukod kay Daddy.

Bukod pa din yung mga gift ko sa kanya tuwing Anniversary namin.

Hindi ko rin napansin na hindi na pala materyal na bagay ang gusto nya. Kundi ang dignidad ko.

"I know the reason why did you do that." i smiled bitterly.

"When i f-fuck other girls, i-i didn't think twice, na masasaktan kita. Nung sinabi ko sayo na, k-katawan mo lang ang habol ko, sayo. Lahat yon kasinungalingan, nasabi ko yon dahil...dahil natabunan na ng temptasyon ang pagmamahal ko sayo." humina ang boses nya ng sabihin nya iyon.

"Ang babaw ng dahilan ko 'di ba?" tumawa sya at muling nag salita. "Siguro kung hinintay kita na maging ready,siguro masaya tayo." malungkot na saad nya.

"Pero tama ka, may dahilan kung bakit tayo nag hiwalay."

Galit ako, pero dahil gusto ko rin ng linawan ay pinigilan ko ang sarili ko.

"I'm happy for you." muli na namang tumulo ang luha nya sa mata niya.

Ako naman ay kanina pa masakit ang lalamunan dahil sa pag pipigil umiyak.

"For?"

"Because you found a guy whose making you happy." aniya at pinunasan ang luha sa mata ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, umiiyak ako dahil nalukungkot at nanghihinayang ako sa pinagsamahan namin.

Pero wala na akong magagawa dahil, hindi ko na sya mahal.

"He's my Mom's business partner, friend I guess."

"Pero hindi kaibigan ang tingin niya sayo, kita ko yun. Lalaki rin ako Hillary. Marahil may gusto siya sayo, Oo. Pero may higit pa roon." He smiled sadly and kissed my forehead.

"For the last time, can i call you Bunchie?" nag susumamong tanong nya.

Yeah for the last time.

Tumango ako at nagulat ng bigla syang yumakap sa'kin.

Dahil sa gulat ko ay hindi agad ako nakapag salita. Pero kalaunan ay gumanti na rin ako.

Dahil matangkad sya ay medyo naka yuko sya ng yumakap sa akin.

"I love you, I love you!" umiiyak na aniya at naramdaman kong nababasa na ang damit ko.

Para akong sinaksak ng pa ulit-ulit dahil ang isa sa ayoko ay ang maka kita ng umiiyak na lalaki sa harapan ko.

"I loved you, Kio. But you need to move on and move forward to see another light." hinahaplos ko ang likod nya at pati ang buhok nya.

Napa hagulgol siya at lalong hinigpitan ang yakap sa'kin, na para bang ayaw nyang iwanan ko sya.

We both need this Kio.

Umalis sya sa pag kakayakap sa'kin at tumitig sa mga mata ko.

Pulang pula ang mata at ang ilong nya kaya nang may maka takas na luha sa kaliwang mata nya ay agad ko itong pinunasan.

"Sana...sana mapatawad mo ako." sinserong saad nya.

"Napatawad na kita, Kio."

I smiled sincerely at him.

"Friends?" inilahad ko ang kamay ko at sya naman ay nag aalangang tinanggap iyon.

"F-friends." nakayukong aniya.

"So...Ok na tayo? " tumango naman sya ng kaunti at muling ginulo ang buhok ko.

"Now, come back to him and be happy." nakangiting aniya. Bago muling dumukwang at hinalikan ang noo ko.

_____
Don't forget to vote and comments po!

Make Her Smile [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon