39

11.4K 200 102
                                    

this chapter is dedicated to: dhora29

---

"Thank you, Ems!"

"You're welcome. Mag-ayos ka na ng gamit niyo."

Tears are running down my eyes while talking to Eman. He can't look at me straight in the eye for he knows na kapag ginawa niya, maiiyak din siya.

I am the biggest bitch to him. I'm the biggest bitch to them. I'm doing my best to act tough, but I just can't. I'm too fragile. This world is so cruel.

He let out a heavy sigh then pulled me for a hug. Doon mas lumakas ang iyak ko at bagaman hindi pa ngayon ang alis ko, iyak na 'ko nang iyak.

"Lagot ako nito, e," rinig kong mahinang bulong niya. "Malilintikan ako kay Aidan pero wala akong magagawa. Kung sa'n ka masaya, Jas."

"Sorry," I whispered in a low tone. "Sorry kasi pabigat ako masiyado. Hindi pa talaga ako handa, Ems. Hindi ko alam gagawin ko."

"You know, what? Naiintindihan kita," aniya. "Pero kasi, hindi mo habang-buhay matatakbuhan 'yan. You have to face all of the consequences dahil sa acts mo. Gaya niyan, you got pregnant and you faced the consequence. Kailangan mong alagaan si Apollo. Kinaya mo naman, 'di ba?"

"Ibang topic naman kasi 'to, Ems." Dahan-dahan akong humiwalay sa yakap niya. "Madaling iharap si Apollo kay Ian. Natatakot lang ako na baka kunin niya sa 'kin ang anak ko. Ewan ko, I just... I just can't let Ian touch my son. Ewan ko ba. I'm scared of everything!"

"What about your son's happiness, Jas?" mahinang tanong niya. "Paano kung masaya ang anak mo kapag kaharap niya si Ian? Paano naman siya?"

Natahimik ako at hindi nakasagot. If Apollo wants to be with Ian, I don't know.

Hindi ko alam kung bakit natatakot ako. Siguro kaya ako natatakot ng ganito dahil ayaw kong mawala sa 'kin ang anak ko. Pero, ano nga ba'ng mangyayari kapag 'di ko sinubukan, 'di ba? Ihaharap ko rin naman si Apollo kay Ian. Huwag lang muna ngayon. Hindi pa 'ko handa.

"Hindi mo masagot tanong ko, Jas," naiiling na ani Eman. "Ian has all the rights to pull your son, gaya ng sabi niya sa call. He has every right to take his son. Ikaw lang ang problema."

"What if agawin niya sa 'kin si Apollo?" mahinang tanong ko bago siya tinitigan sa mga mata.

"Paano kung hindi?" tanong niya pabalik. "Walang magulang ang manghahangad ng sakit para sa anak. Malamang, gusto niyang bigyan ng kumpleto at masayang pamilya si Apollo. Dapat ihiwalay niyo 'yang away ninyo sa usapan pagdating sa bata kasi naiipit si Apollo sa inyo, e."

Mapait na lasa ang bumalot sa dila ko. God knows how many nights I cried while carrying my son because of Ian... I needed him before. Ilang gabi ang iniyak ko habang buhat si Apollo na hindi ko alam kung paano patatahanin sa pagkakaiyak. No one has the right to judge me about my decisions when it comes to Apollo lalo na't hindi sila ang dumanas ng hirap.

I needed someone to guide me and stand with me, but no one did aside from myself. Ako ang bumangon at nagbuhat kay Apollo hanggang sa lumaki siya.

There's a lot of night I cried because of regrets. Nagsisisi ako sa lahat ng desisyon na nagawa ko. Gustong-gusto kong makasama si Ian pero 'di ko magawa. Ang daming beses na nagtangka akong pumunta sa bahay niya noong ipinanganak ko na si Apollo kahit pa mabinat ako dahil kailangan siya ng anak niya pero hindi niya ako hinaharap. Lagi niya 'kong tinutulak palayo.

Wala naman kasi siyang alam tungkol kay Apollo noong mga panahong iyon. Wala siyang alam dahil wala siyang balak at hindi siya nangahas makinig sa 'kin.

The Politician's Biggest Mistake (Flame Series #1)Where stories live. Discover now