26

11.6K 214 103
                                    

Hindi ko inakala o na-imagine na aabot sa ganito ang buhay ko. Never kong naisip na may hangganan lahat. Hindi ko naisip na may titigil at may magtatapos na bagay sa buhay ng isang tao.

Everyday, wala akong ibang ginawa. There's a lot of times I decided to commit suicide. How can they abandon me that quick? Bakit parang walang nakakakita ng halaga ko?

Scratch that. Someone finally saw my worth... But still left me after.

Did he really saw my worth?

Did he really loved me?

Or he's just acting like he really saw my worth and really loved me even though he didn't?

Sabi nila, mahirap pakawalan ang taong minahal o mahal mo...

Pero bakit parang ang dali sa kaniya?

"Are you okay?"

I wiped my tears while watching TV. I swallowed hard while watching Ian. Kasalukuyan niyang pinapakita ngayon sa media ang mga evidences na nakuha niya at ang nakuha ni Kuya Aidan.

All this time, iyong mga wirdo na papel na nakikita ko sa tuwing pinapaayos sa 'kin ni Kuya ang mga papeles niya ay ilan lang pala sa mga pinirmahan niya sa pasahan ng droga. Ang dami rin ng pera na ninakaw niya sa gobyerno. He's really a corrupt and I am ashamed of him!

"As you can see, this is Cortez' family tree," he said seriously while showing them a cartolina kung saan nakapaloob doon ang family tree ng pamilya namin. Kabilang na ro'n si Alice.

"Alice Navidad, the Cortez' sibling's half-sister," he let out a heavy sigh. "And also, the one who leaked misinformed you all about the trending video on twitter. Alice Navidad, Alena Jasmin Cortez' former secretary is the owner of the twitter account who posted the video."

"Senator Acoza, sa tingin mo ba'y may alam si Jasmin Cortez sa nangyari? Sa tingin mo ba'y may alam siya sa ginagawa ng kaniyang kapatid na si Azrael Cortez at sa tingin mo rin ba'y may alam siya tungkol kay Alice Navidad?"

"Alena is out of this issue," Ian answered. "Wala siyang alam sa nangyayari. Wala siyang alam tungkol sa ginagawa ni Azrael Cortez at wala rin siyang alam na kapatid niya si Alice Navidad."

"Paano kayo nakasisiguro? Hindi niyo ba naisip na baka sangkot siya at may alam sa nangyaring pagpo-post ng video sa twitter lalo na't kapatid siya ni Azrael Cortez, ang 'biggest enemy' ninyo sa politika, ika nga nila?"

"Alena Cortez is out of this topic, I repeat. She's innocent. Do you think she'll ruin her reputation in order to make a biggest downfall? I don't think so. Stop bringing her here."

"Curious ang mga tao sa nagaganap ngayon, Senator Acoza. Gusto naming malaman kung gaano kayo kasigurado na wala siyang kinalaman dito lalo na't kapatid niya si Azrael Cortez."

"Wala siyang alam dito, inuulit ko," Ian answered. "Wala siyang alam. Itigil niyo na ang kaba-bash sa kaniya dahil wala siyang alam. Kaya kong patunayan 'yon sa inyo. Magkasama kami sa loob ng limang buwan."

"Totoo ba ang dati ninyong dating issue ninyo, Senator Acoza?" tanong ng isang reporter.

Ian stopped and I know he's thinking of an answer. I wiped the new set of tears that ran down my eyes.

"She's my girlfriend, so stop throwing hard stones on her."

Natigil ako at nahigit ang aking hininga. Napuno ng bulungan ang buong conference dahil sa sinagot ni Ian. He's still protecting me after I betrayed him. He's still thinking about my safety. Laging ako ang inuuna niya and he never denied me.

The Politician's Biggest Mistake (Flame Series #1)Where stories live. Discover now