08

13.4K 223 27
                                    

"What do you need, Alice?"

Nakatuon ang mga mata ko sa mga papeles na nasa harap ko. I am checking Kuya Azrael's papers— again. Ano pa ba ang bago?

"Mayor Acoza is here, Ma'am," she answered. "He's waiting outside."

Doon umangat ang tingin ko sa kaniya. What? Ano ang problema? Ano na namang ginagawa no'n dito?

Naiirita ako kay Ian kahit hindi naman dapat. Naiinis ako sa kaniya kasi kapatid niya si Cassandra. Nakaiirita siya! Magkamukha pa naman din sila!

"Let him in," I said before putting the paper I was checking down, crossing my arms.

Yumuko lang si Alice bago nagmartsa palabas. Pa-simple kong binuksan ang butones ng suot kong damit. I should look seductive.

Muling binuksan ni Alice ang pinto at iniluwa siya nito kasama si Ian. Diretso ang tingin ng lalaki sa 'kin na animo'y may ginawa akong masama kahit wala naman. Heto na naman tayo sa mabigat na aura ng opisina ko.

"Thank you," he whispered to Alice before smiling.

Sinagot iyon ni Alice ng isa pang ngiti. Yumuko siya kay Ian bago yumuko sa 'kin at lumabas ng opisina ko.

I stood up as a sign of welcome. His aura is intimidating as always . . . Ang nakapagtataka lang, ang intimidating ng aura niya kapag nasa labas siya pero noon namang nasa condo ko siya ay iba.

"What's up, Man?" I asked him. Itinuro ko ang sofa sa harap ko. "Please, take a seat."

He looked at me intently. Napalunok ako ng wala sa oras nang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko . . . Nakabukas ang butones no'n dahil nga binuksan ko kani-kanina lang bago siya pumasok.

Muling bumalik ang tingin niya sa 'kin bago tumango. Naglakad siya papunta sa sofa at naupo roon.

"So, what do you need, Mayor?"

Pinagsaklop ko ang dalawang kamay ko bago ngumiti ng malaki sa kaniya.

He swallowed before touching his chin and jaw. He's massaging it repeatedly.

"I just wanna visit you," he said. "Any problem with that?"

Ang ngiti sa aking mukha ay nawala lalo na nang bumaling ang tingin niya sa damit na suot ko. Sino naman ang may sabi sa kaniya na may problema sa pagbisita niya rito while in fact, I'm just asking him kung ano ang kailangan niya dahil biglaan ang pagpunta niya sa opisina ko?

I shook my head, three times. Wala namang problema kahit pa bisitahin niya 'ko rito araw-araw. Ang awkward lang talaga lalo na't pabigla-biga siyang napunta rito. Bigla-bigla na lang nalitaw.

Pinagtaasan niya ako ng dalawang kilay bago niya ipinatong ang dalawang braso niya sa backrest ng sofa. Ipinatong niya ang dalawa niyang paa sa table na nasa harap niya habang nakatitig sa 'kin.

"Fix your button," he said before pointing my chest. "I can see your tits."

Namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Excuse me? He can see my tits? I'm wearing a bra for pete's sake!

I rolled my eyes before sitting on ny chair. No, hindi ko aayusin ang damit ko. Bahala siya sa buhay niya, wala siyang pake.

I proceed with my job— checking Kuya Azrael's papers, when I noticed that there's something wrong with the paper I am reading. Pati na sa iba pang mga papel na nakapatong sa table ko. Inilapag ko ang hawak kong papel at dinampot ang isa pang papel para tingnan kung ano ang mayroon at ang weird.

Azrael Justin Cortez and Ricky Rock,
Deal Sealed!

Wala akong ibang nabasa sa mga mahahabang papel kundi iyon lang which is so freaking weird. May pirma nila itong pareho no'ng Ricky Rock pero wala namang nakasulat kung para saan.

The Politician's Biggest Mistake (Flame Series #1)Where stories live. Discover now