23

11.8K 209 138
                                    

this chapter is dedicated to: @achimorichaaaa and @maletwo

---

"Can't sleep?"

Ian flinched when I hugged him from behind. He immediately blew the smoke of his vape. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng mesa sa terrace niya bago ako hinarap.

"Why are you here? You see, I'm smoking. Nakalanghap ka?"

"Hindi, Ian," I answered in a sarcastic way. "Naninigarilyo ka habang naglalakad ako palapit sa 'yo. 'Di ako nakalanghap, chill."

"Ang sarap mong padapain kapag nag-a-attitude ka."

I rolled my eyes bago umalis sa pagkakayakap sa kaniya. The smell of his vape is embracing the whole terrace. Medyo masama sa ilong pero ewan ko. Pati ata ako na-adik na sa amoy ng vape niya.

"Go inside now. The wind is cold and the air is filled with my smoke. Magkakasakit ka."

"Ayaw ko nga," I answered then pouted. "Pasok ka na rin. Papasok lang ako kapag papasok ka na. Mag-isa ako ro'n, I feel so lonely."

He looked at me with disbelief. Bigla siyang tumawa ng malakas bago kinuha ang vape niya at humigop doon.

"You're already existing for twenty-nine years without me, Alena. You're living alone without me. How come that suddenly, out of nowhere, biglang feel mo super lonely ka kapag wala ako?"

"Nasanay ako sa 'yo."

Nahinto siya sa pagtawa at tumitig sa 'kin. Lalo akong ngumuso dahil parang gusto ko nang magtampo sa kaniya! Bakit parang ayaw na niya akong kasama? Puwede naman siyang mag-vape sa loob, e!

"Ewan ko sa 'yo," he said before pinching my cheek. Muli siyang humigop sa vape niya bago lumapit sa 'kin. "I love you."

Napapikit ako nang lumabas ang usok na galing sa bunganga niya. Sobrang mausok pero hindi ako umiwas. Lumanghap ako roon at nang dumilat ako ay nakatitig sa 'kin si Ian.

I laughed when the smoke disappeared. He's staring at me intently and so, I smiled then touched his cheek.

"Why are you staring at me like that?"

"Just got amazed. You look like an art. I wonder, what will happen to me if I loose you?"

"Kaya nga huwag kang umalis sa politika," I said in a sweet tone. "Magtuloy-tuloy ka. Alam na ba ng mga tao na aalis ka? Rumor pa lang naman galing sa isang account, 'di ba?"

Yesterday, while watching TV, napunta ang news kay Ian. Sinabi roon na may tiyansa raw na umalis si Ian sa politika ayon sa isang matagal nang account sa twitter na related kay Ian— hina-handle iyon ni Lucas.

Si Lucas ay parang manager ni Ian kung artista siya. Siya ang umaayos at lumalakad sa mga kailangang ayusin at kailangang lakarin. Tinutulungan niya si Ian sa lahat ng ginagawa ng boyfriend ko. Ewan ko, masiyado siyang supportive.

"Well, yes. Pero ayaw mo ba talagang umalis ako?"

I laughed softly when Ian asked me that. Tanga ba siya? Kung gusto kong umalis siya, sana nagpa-party na 'ko noong sinabi niya sa 'king aalis na siya.

"No," malambing na sagot ko. "Give me three to five valid reasons para suportahan ko 'yang pag-alis mo. You did well, Ian. You did so well to the point that you can be entitled as the great leader of Manila City in the history. Sa ilalim mo, ang daming nagbago rito. Hindi imposible na maging great leader ka rin sa senado."

"But your brother..." he whispered.

Bigla akong nanlamig nang banggitin niya ang tungkol kay Kuya. Parang inagaw ng mga puno ang oxygen na ibinigay nila sa 'kin.

The Politician's Biggest Mistake (Flame Series #1)Where stories live. Discover now