10

14.3K 230 62
                                    

I woke up feeling dizzy and sore. Nang dumilat ako, napapikit ako kaagad dahil may kahapdian ang mga mata ko.

From blurry vision to a fine one. Napangiwi ako sa hapdi bago napahawak sa likod ng ulo ko. Masakit, parang binibitak.

Nakaririnig ako ng ingay sa labas ng kuwarto pero hindi ko iyon pinansin. Bahagya kong itinaas ang ulo ko ngunit kaagad ding naibagsak nang maramdaman ang bigat nito.

Sarili kong ulo, hindi ko kayang buhatin sa sakit.

"She needs to stay with me, Lucas!" I heard Ian say. "She's in danger. I think most of my enemies are after her. I don't think I would let them harm her, Man. She's too innocent. Wala siyang alam sa politika lalo na't 'di naman siya pumasok doon bukod kay Azrael."

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at salubong ang kilay nang hawakan ang pagitan ng noo. May gumuguhit doon na kung ano. Masakit talaga siya! Para akong hinihiwa ng kutsilyo paulit-ulit!

"Pero alam mong mas delikado siya kung kasama mo siya, Ian," sagot naman ng isa pang boses. "Alam mong ilang beses nang may nagtangkang pasukin ang bahay mo. What if someone dared to enter your house, again and she's alone? You know what I mean, Bro. She's more likely to be in danger if she's with you than being alone in her condo."

"Then, sasama siya sa 'kin kahit saan ako magpunta," rinig kong ani Ian na nasundan ng tawa niya. "Too easy."

Tumawa rin ang kausap niya. "She's going to be your pet? No, she's going to be your dog to be exact. That's rude, Bro!"

Nagusot ang ilong ko dahil do'n. Ang lakas ng boses nila, akala nila tulog pa 'ko! Rinig na rinig ko kaya sila dahil bukas ang pinto!

Pinilit kong umupo sa kama at tiningnan sila roon sa labas. Nagtatawanan sila hanggang sa biglang may dumating na lalaki. Nakasuot ng puting t-shirt at black pants. May salamin siya at naka-clean cut.

"Hello, Endrix!"

Napataas ang kilay ko nang marinig ang pagtawag nila sa lalaki.

The guy just gave them a nod before showing his fist, asking for a fist bump.

Just like what the guy wants, they had a fist bump. The guy named Lucas laughed before putting his hands on the guy named Endrix' shoulders.

Lucas, happy-go-lucky, huh?

"Kumusta naman sa Canada, bro?" Lucas asked Endrix. "How's your family?"

"Okay naman."

"Kumusta naman kayo ni Jackie?"

Endrix let out a heavy sigh. "I don't know."

"Really? Bro, where is she?"

"Somewhere in Italy."

Lucas laughed before tapping his shoulders. "May mahal na 'yong Italiano."

"O? E, ikaw, bro? Kumusta naman kayo ni Thalia? Break na ba?"

"Putangina mo, Geronimo."

"Ah, wala na. May mahal na 'yon na kapuwa-model at actor niya. Kay Dylan na siya, ayaw na niya sa 'yo."

Napuno ng halakhakan nila ang dalawang tainga ko kaya ako tumayo. Humawak ako sa pader na malapit sa 'kin at doon ko lang napansin na barefooted na pala ako. Kitang-kita ang black cutics ko sa paa.

"Bro— What the heck? Bakit may babae rito?"

Napangiwi ako habang nakatingin kay Endrix. Excuse me? That just so wrong! Akala mo naman ay may ginawa kaming masama ng mga kaibigan niya!

The Politician's Biggest Mistake (Flame Series #1)Where stories live. Discover now