03

13.1K 273 60
                                    

Hindi ko alam kung bakit hinihintay kong dumating ang alas-cuatro.

Pinagkiskis ko ang dalawa kong kamay bago ito hinipan. I am preparing myself for later. Makikita ko na siya.

Napaisip ako bigla. Kapag nagkita na kami, ano naman kaya ang sasabihin ko? What if tanungin niya ako kung bakit ako nakikipagkita? Alangan namang sabihin kong nakikipagkita ako para mabayaran ang sanitary napkins na binili niya?

"Hi! How are you?" I said, practicing my line infront of my mirror. "That's disgusting. Ano ba ang pake mo kung kumusta na siya?"

I licked my lower lip. "Hello, Mayor. Thank you for the sanitary napkin. Babayaran ko."

Mas nakakahiya yata 'yon.

I licked my lower lip, again. I don't wanna say thank you, but I also don't wanna look rude. Saying thank you won't hurt my ass, right? But it would surely wreck my pride and ego.

"Just let your words, Jasmin. Hayaan mo ang sarili mong magsalita mamaya. Masiyado kang maganda para ma-stress."

Habang pinapantasya at pinupuri ang sarili ay nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Pumikit ako dahil doon.

"Alice, don't you know how to kno—"

Naputol ang sasabihin ko at naiwan sa ere ang aking hintuturo na nakaduro sa pinto para sana kay Alice nang biglang iniluwa si Mayor Acoza. Seryoso ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin while holding a paper bag and a one medium sized box.

"How rude," I heard him whisper. "How rude of you, Miss Ma'am."

Nanginit ang buong mukha ko sa hiya. Akala ko si Alice! Bakit kasi hindi kumatok?!

"Mayor Acoza!" I stood properly. "I-I thought mamaya pang four o'clock dahil may meeting ka?"

Gustong gusto ko nalang mamatay bigla! Sobra-sobra na! Hindi ko na kaya!

Kanina, akala ko si Alice ang nasa labas ng banyo kaya tuloy-tuloy akong nagsalita to inform her na may period ako tapos si Mayor Acoza pala ang nandito! Tapos, kanina rin, binilhan niya ako ng sanitary pads, tapos ngayon... What the heck!

Maybe Alice is the bad luck! Feeling ko talaga ay siya ang malas!

Inilapag niya ang box at paper bag sa sahig.

"I decided to drop by since galing akong Watsons." Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bulsa. "Since nandoon na rin naman ako, naisip ko na ang rude naman yata masiyado kung makikipagkita ako sa 'yo without anything, so I decided to buy these things for you."

Hinawakan niyang ng muli ang paper bag ng Watsons at siya na mismo ang nagbukas nito. Nakatitig ako sa mga kamay niya habang kumikilos siya.

White, long, veiny and clean. The four words to describe his hands.

Nang ilabas niya ang laman ng paper bag ay parang gusto ko biglang sumabog!

Napakaraming hot compress!

"I asked my sister about menstrual cramps, don't worry," he said then smirked afterwards. "I got you, Miss Cortez."

Bakit...

Itinuro niya ang box na nasa sahig din. "Maybe ikaw na lang magbukas niyan kapag nakaalis na 'ko."

Wala sa sarili akong napatango. Ang purpose ng pagpapapunta ko sa kaniya ay para bayaran siya sa sanitary napkins! Bakit naman dinagdagan pa?!

Wala naman akong problema sa pera! Ang akin lang... Why?! Bakit kailangan pa niyang gawin ito? Hindi ba niya alam na nahihiya na 'ko sa pinaggagawa niya?!

The Politician's Biggest Mistake (Flame Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum