27

12K 239 163
                                    

this chapter is dedicated to: izcylicious and gonzalolyka.

AE- Acoza Empire
LC- Legaspi Company
CGOC- Cortez Group of Companies

---

"Apollo!"

I am running after my son while calling him at the same time. He's a hard-headed four-year old kid who never obey. Nanggigigil ako!

"Apollo, bitawan mo 'yan at bumalik ka rito!"

"Ayaw ko!"

At the age of four, he can now speak clearly. Maayos siyang magsalita at malinaw bagaman minsan ay nabubulol. Hindi ko alam kung kanino niya namana pero sa tingin ko'y kay Ian. Bobo ako noong bata pa 'ko kaya imposible namang sa 'kin.

Galing kaming bumisita kay Kuya Azrael at Alice sa presinto. Hindi kami nagpakita pero nag-utos ako sa pulis na naroon na iabot ang pagkaing niluto ko. Sana naman ay kainin na nila iyon.

I've been cooking and bringing food for Kuya Azrael and Alice for two years. Three years ago kasi, nag-aral akong magluto para malutuan ko ng pagkain ang anak ko kapag gutom ito at kapag wala si Eman. Si Eman ang cook ng bahay at kapag wala siya, tamang pakulo lang ako ng tubig para sa cup noodles. Ayaw ko namang pakainin ng ganoon ang anak ko, 'no!

Mag-tu-two pa lang si Apollo that time.

"Apollo, please! Bitawan mo 'yang laruan na 'yan dahil ang dami mo nang laruan sa bahay!"

"But, Mama! I want this! Bilhin mo na lang 'to for me, please?!"

"Stop pissing me off, Apollo!"

He stamped his feet then sat on the floor. Ang sama ng tingin niya sa 'kim hanggang sa bigla na lang siyang umiyak dito mismo sa loob ng mall!

"Namumuro ka na sa 'kin, Apollo!" I hissed. "Kanina, namimili lang tayo ng bibilhin para sa teacher's day tapos ngayon, iniiyakan mo na 'ko riyan! Nag-usap na tayo, 'di ba? Teachers lang ang bibilhan natin pero bakit pati ikaw nakikisali? Teacher ka ba?"

Lalong lumakas ang iyak ni Apollo habang hawak ang laruang kotse. Ang laruang iyon ay katulad na katulad ng laruan na binili ni Eman para sa kaniya noong third birthday niya na sinira lang niya dahil ibinato sa terrace!

Ang usapan namin, pupunta kami sa mall para mamili ng mga ibibigay na regalo sa teachers niya dahil nga teacher's day next week after naming pumunta kay Kuya Azrael at Alice pero hindi ko naman inakala na teacher din pala siya! He wants to buy a toy car kaya sumama!

Marami naman akong pera rito lalo na't ako na ang nagpapatakbo ng CGOC. Kalaban namin ang AE at LC. Iyon ang kumpanya nina Ian at Lucas.

Matagal nang tahimik ang dalawang kumpanya at tahimik na rin kami. Kaya lang, may mga bobo talaga na sinasabing nagpapakiramdaman lang ang tatlong kumpanya sa isa't isa para umatake.

"Mama, I want this car!" he said then cried so loud.

"Shut up, Apollo!" I warned him as I carry him. "Oo na, we'll buy that toy car. Just stop crying! Pinagtitinginan tayo!"

He stopped crying after hearing my words. Niyakap niya agad ang toy car at lintek nga naman, sinira niya ang karton nito!

"Apollo!"

"Sabi mo bibilhin mo, 'Ma po? Okay na, ni-open po ko na para sure po."

I let out a super duper heavy sigh then faked a laugh when I heard those people who heard us laugh. I am staring at my son so bad 'cause I wanna punch him right now!

The Politician's Biggest Mistake (Flame Series #1)Where stories live. Discover now