Chapter 89: Chase

Start from the beginning
                                    

"Be happy with him. Promise me. Kasi kung hindi babawiin kita sa kaniya." Ngumiti ako sa kaniya.

"I will." Ngumiti ako. "I promise."

At naghakbang na ako palayo sa kaniya hanggang sa napa-hinto ako dahil may naalala ako kaya bumalik ako kay David.

Ngumiti ako sa kaniya kasabay niyon ay niyakap ko siya.

"Hindi tayo naging okay no'ng mga nakaraang buwan pero nagpapasalamat ako na hindi mo ako iniwan."

"Okay lang 'yon." Sagot niya.

"I wish you all the best." Humarap ako sa kaniya at ngumiti. "Masuwerte ang babaeng mapapangasawa mo. Mayroon siyang lalaking kagaya mo."

"If one day I can finally meet that girl, sasabihin ko kung gaano siya kasuwerte sa'yo kaya dapat huwag ka na niyang pakawalan." Dagdag ko pa.

"Masuwerte din si Edwin sa'yo."

"Sana nga." At niyakap ko siya ulit.

"Osiya. Tama na. Baka hindi mo na abutan si Edwin sa airport."

"Site ah, una na ako." Ngumiti ako.

Ngumiti lamang siya kaya tumalikod na ako sa kaniya at nagsimula na akong maglakad na palayo mula sa kaniya.

Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko sila Mae at Andrea na naka-upo sa living room. Prenteng-prenteng nakaupo na akala mo ay kanila itong bahay.

"Anong ginagawa niyo di-"

"I have to tell you somethi-"

Sabay naming sabi.

"Bakit?", tanong ko sabay lakad ko papuntang hagdan.

"But I need to tell you this." Sabi ni Andrea.

Tiningnan ko siya na may halong pagtataka. Pumasok ako sa kuwarto ko para magpalit ng damit.

Sumunod naman sa'kin sila Mae at Andrea sa kuwarto.

"Ano yong sasabihin mo?", tanong ko habang nagpapalit ng isang maroon string dress.

"Si Edwin... Aalis na siya ng bansa." Andrea.

"And you need to go with him para mapigilan mo siya." Mae.

"That's what I'm doing now." Sagot ko.

"Pupuntahan mo siya?", tanong ni Mae.

"Yeah?", patanong kong sagot.

At nagmukha silang timang sa sobrang tawa. Nagka-hawak kamay pa sila at nagyakapan at animo sayang-saya. Yong para bang natupad na yong matagal na nilang hini-hiling.

In short kini-kilig sila. Kung hindi kilig ang tawag doon. Aba, ewan ko na lang.

"After years of chasing, ngayon mo lang na-realize?", tanong ni Andrea.

Napahinga ako ng malalim sabay upo sa dulo ng kama ko.

"Eh gusto ko lang naman siya pahirapan. Gusto kong pagsisihan niya na umalis siya ng walang paalam. Tapos magpapakita siya one day na parang walang nangyari? Hindi naman ako yong tipo ng taong after two years nawala yong tao tapos bumalik siya, isang I love you niya, okay na lahat. Hindi ganoon kadali yon."

"Gusto ko lang maranasan niya yong sakit na naranasan ko nang umalis siya two years ago." Explain ko.

"Sa tingin mo no'ng umalis siya, hindi siya nasaktan?", napatingin ako kay Andrea.

"Siya ang umalis, kaya wala siyang karapatang masaktan." Sagot ko.

"You know what guys... We have to go to airport." Napatayo ako ng sabihin iyon ni Mae.

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now