"Ingat."



Hindi rin nagtagal matapos umalis ni Leanne, natapos na si Yuan na mag-agahan. Niligpitan niya ang mga ginamit na plato, baso, at utensils, nag-toothbrush, at muling naghanda para umalis. Nang lumabas siya sa main door ng kanilang bahay, saktong natanaw niyang lumabas din si Warren mula sa bahay nito.



"Kuya Warren!" tawag ni Yuan sa binatang dire-diretso lamang at hindi lumilingon. "Kuya Warren, sabay ba tayo?!"



Lalapitan na sana ng dalaga si Warren nang bigla itong lumingon, nangingilid pa rin ang luha sa mga matang masama ang tingin sa kaniya. Suminghot ito at bigla na lamang tumalikod saka dire-diretsong naglakad papalayo.



Napakurap-kurap si Yuan, napagtantong iyon ang unang beses na iniwan siya ni Warren. Ilang segundo siyang nanatiling nakatayo sa harapan ng bahay nila bago siya napatango-tango. "It's on, Warren Mercado."



Hindi niya na naabutan ang binata sa labas ng village kaya mag-isa siyang bumiyahe. Wala namang kaso iyon sa kaniya dahil ganoon naman talaga ang sistema noong hindi pa ito nagtatrabaho bilang coach ng baseball varsity team ng Scitus University - Cavite Campus.



Tulog siya sa buong biyahe at nagising lamang nang huminto ang jeep sa labas ng main gate ng Scitus. Noong bumaba siya at napagtantong mag-isa siyang maglalakad papasok, napakunot ang noo niya.



Hanggang sa makarating sa department nila ay tila wala sa mood si Yuan. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya nang madatnan ang mga kaibigan niya sa isa sa mga kiosks sa gilid ng building nila, at nakitang naroon din si Gian. "Morning."



"Good morning."



"Bakit parang ang aga-aga, gusto mo nang pumatay?" nakangiwing tanong ni Kenzo sa kababata.



"May oras ba ang kasamaan niyan?" mabilis na sabi naman ni Jet. Hindi pa man inaangat ni Yuan ang kamay ay umiwas na siya. Nagulat siya nang ngumisi lamang ito.



"Tell you what?"



"What?"



"Oh my God, you did not," ani Mariz, may ideya na sa ibabalita ng best friend niya. Nang mapansin ang mga nagtatanong na tingin ng mga kaibigan nila ay siya na ang nagsabi. "Ginamitan niya na ng ipinagbabawal na technique si Kuya Warren."



"Ano'ng ipinagbabawal na technique?" nalilitong tanong ni Gian. Wala pa mang sumasagot ay natatawa na rin siya.



"He called Kuya Warren by his name," sagot ni Rina saka lumingon kay Yuan. "You really did call him by his name? Ano'ng reaksyon?"



"Hindi ako pinapansin." Muling nawala ang ngisi ni Yuan. Wala man doon si Warren ay kusang tumalim ang mga mata niya. "Iniwan nga ako eh."



"Si Kuya Warren, iiwan ka?" Natatawa man ay napakunot din ang noo ni Kenzo. "Mukhang seryoso 'yan ah?"



"Siya ang nagsimula. The jerk ordered a customized pillow for me. Customized as in may ngiting-ngiting pagmumukha niya."



Natawa si Mariz, naaalala ang mukha ni Warren sa unan. "Naka-peace sign pa nga."



"Pero bakit ba gano'n ka-sensitive si Kuya Warren sa pagtawag mo sa kaniya ng totoong pangalan niya?" curious pa rin na tanong ni Gian.



"Si Yuan lang kasi ang tumatawag sa kaniya ng Kuya Wawie," sagot ulit ni Rina. "Kuwento mo nga 'yong history niyan, Yuan."



"Seriously?" Tinatamad na napabuntong hininga na lamang si Yuan nang tignan siya ng lahat na para bang handa nang makinig sa kuwentong alam naman na nila. "As you all know, my nickname was supposed to be Lu since that's the only difference my name has compared to Ate Yan's. Kaya lang, there's this little boy... ang yabang-yabang, bulol naman."



2025: RLWhere stories live. Discover now