40 - Stories

1.3K 124 70
                                    

This update is in exchange for @FlameMidford's modules getting done.



40 - Stories



Nag-aalmusal si Warren sa bahay ng mga Ignacio, umaga ng huling araw ng pasok sa Scitus University nang mapansin niyang ilang ulit nang bumubuntong hininga ang katabi niyang dalaga. Ilang beses siyang tumikhim, umaasang makuha ang atensyon nito pero nanatili itong nakatulala sa baso ng kape sa harapan nito. Nang hindi na mapakali ay humugot din siya ng malalim na hininga. "I hope he's okay."



"Mm?" tila nagulat na ani Yuan saka tumingin sa binata. "Sino?"



"Sino ba'ng iniisip mo?"



Awtomatikong tumaas ang mga kilay ni Yuan na nauwi rin sa pagsasalubong nang mapagtanto niyang seryoso ang binata. Hindi siya sumagot at ibinalik lamang ang tingin sa kape niya, pinag-iisipan ang sinabi nito. Maya-maya ay nagsalita siya. "I think he's not."



"Mm? Sino?" tanong naman ni Warren na nakapagpairap sa dalaga.



"Sino ba'ng iniisip ko?"



"Malay ko, isip mo 'yan."



Muling napabuntong-hininga si Yuan at napailing na lamang. "I could think of reasons why he can't call, but none why he didn't tell any other person aside from me."



"Ayaw mo no'n? Special ka."



Binigyan ni Yuan ng tinatamad na tingin ang binata. "He's not an irresponsible person, Kuya Wawie," aniya sa siguradong tono. "He should at least tell you or your team's manager that he won't be in that game."



"Oo nga 'no." Itinabingi ni Warren ang kaniyang ulo at nag-isip nang matagal. Ilang segundo ang lumipas bago niya ibinalik ang tingin sa katabi. "Nag-aalala ka?"



Nagkibit-balikat ang dalaga. "I hope he's alive."



"Para namang 'di ka nag-aalala eh," napapangiwing sabi ni Warren.



"He's not weak." Dinampot ni Yuan ang tasa niya at uminom saglit. "If anything happens, I know he can protect himself."



"But?"



Napatingin ulit si Yuan sa katabing binata. Noong una ay naguguluhan siya pero maya-maya ay naibagsak niya ang mga balikat niya nang mapagtanto kung gaano talaga siya nito kakilala. "Kuya Wawie, is it weird that I'd like to be there and help him fight whatever that is?"



Hindi nagsalita pero unti-unting napangiti si Warren. Napangiti rin si Yuan nang dahan-dahan siyang umiling.



*****



"May naiwan pala akong papel, wait lang."



Napabuntong-hininga na lamang si Yuan nang makalabas sila ng gate at bigla na lamang ulit tumakbo si Warren papasok. Hindi na siya nakaangal at naiwan na lamang na nakatayo roon. Habang hinihintay na makabalik ang binata ay naramdaman niyang nagba-vibrate ang kaniyang cellphone. Nang makitang si Mariz ang tumatawag ay mabilis niya iyong sinagot.



"Nakita mo na ba 'yong sinend ni Hanna sa GC?" bungad ng nasa kabilang linya.



"Hindi," mabagal at nakakunot ang noong sagot ni Yuan. "Ano 'yon?"



"IG story no'ng babaeng patay na patay kay Lucas. Nando'n din daw 'yon no'ng exhibition game nila no'ng Scitus Games pero naaalala ko lang siya bilang 'yong babaeng nag-eskandalo sa afterparty. Kilala mo ba—"



2025: RLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon