57 - Never At You

1.4K 117 54
                                    

57 - Never At You



"What the fuck is that?" ngunguto-ngutong sabi ni Yuan nang maalimpungatan dahil sa kakaibang ingay. Ramdam pa ang bigat ng ulo dahil sa pag-inom, pinilit niyang imulat ang mga mata niya. Tanging ang maliit na lamp sa bedside table ni Hanna ang nagpapaliwanag sa buong silid pero sapat na iyon para makita niyang wala siyang kasama. Bumangon siya at kumapit sa kung ano mang maaaring kapitan para manatiling nakatayo at makalabas. "Mariz?"



"Oh, nagising ka na rin," napapangiwing bungad ni Mariz sa kaniyang best friend nang lumabas siya mula sa kabilang kwarto matapos marinig ang boses nito. "'Wag ka nang pumasok, mawawala tama ng alak sa'yo sa sobrang baho ng suka ni Jethro."



Sumandal si Yuan sa pader at hinayaan na ang sariling mapapikit. "He's the one making all that noise?"



"Oo. Masiyado kasing nagmagaling kagabi."



"Oh, Yuan? Himala, gising ka na."



Hindi na kinailangan ni Yuan na magmulat para malamang si Kenzo ang lumabas din mula sa guest room na ginagamit ng mga lalaki. "Good fucking morning."



Bahagyang natawa ang binata. "Alas tres pa lang ng madaling araw. Bumalik ka na sa pagtulog para si Jet lang ang bubuhatin paakyat ng bundok mamaya."



"Kenzo!" pabulong na sigaw ni Mariz pero huli na ang lahat. Tila nawala ang antok at sakit sa ulo na nagmulat si Yuan at tumingin sa kanila.



"What did you say?!"



"Yes, mamaya na kasi baka taguan mo kami next weekend. Ipinagpaalam ka na namin kina Tito Henry at Tita Lucia. Dumaan kami ni Kenzo kahapon sa bahay n'yo para ikuha ka ng extrang gamit. Pati si Lucas alam na ngayong araw na 'yong mountain climbing slash camping natin," dire-diretsong paliwanag ni Mariz. "Pupunta rito si Rina with Kevin mamayang 5 AM tapos aalis tayo before mag—"



"What did you fucking say?!" pag-uulit lamang ni Yuan, halos magdugtong na ang mga kilay.



"'Wag kang maingay, baka magising ang parents ni Hanna!"



"What the—"



"Hey." Napalingon ang tatlo nang lumabas din si Lucas mula sa kwarto at lumapit sa kanila.



"Anong hey?! Alam mo?!" tila tinraydor na tanong ni Yuan.



"I'm—"



"Pinagbantaan ko 'yan, 'wag kang magalit," sabi ni Mariz bago pa man makasagot si Lucas.



Wala nang magawa, napaawang na lamang ang mga labi ni Yuan. Nang itikom niya ang bibig ay unti-unti siyang napasimangot.



"Para sa'yo rin 'to, Yuan," sabi pa ni Kenzo.



"How the fuck is this for me?"



"Exercise," magkasabay na sagot ng binata at ng girlfriend nitong si Mariz na lalong nakapagpabagsak sa mga balikat ng dalaga. Magsasalita pa sana siya nang biglang sumuka nang malakas si Jet, na nasundan ng mga sigaw ng pagrereklamo ni Andrew at pag-aalala ni Hanna. "Isipin mo na lang, ilang beses madadapa si Jet mamaya dahil may hangover siya tapos 'di mo mawi-witness kung 'di ka sasama."



Napahugot si Yuan ng malalim na hininga saka tipid na tumango. Napairap na lamang siya nang mag-apir ang dalawa sa harapan niya bago muling pumasok sa silid. Naiwang nakatayo sa harapan niya si Lucas.



"I'm sorry. I was gonna tell you—" Naputol ang paghingi ni Lucas ng tawad nang dire-diretso lamang na naglakad si Yuan hanggang sa tumama ang mukha nito sa dibdib niya. Yumuko siya at nakitang nakapikit na ito habang nakasandal sa kaniya. Hindi niya napigilang mapangiti. "Let me guess, you're not mad?" Hindi sumagot ang dalaga. "When do you ever get mad?"



2025: RLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon