48 - Same

1.2K 110 64
                                    

48 - Same



"Galing ka ulit kina Kevin?"



Ibinaba ni Yuan ang hood ng suot niyang jacket na bahagya pang nabasa ng ulan mula sa labas. Iniwan niya rin ang payong sa rack bago lumingon sa best friend niyang nakaupo sa likod ng counter. "Nah."



Napataas ang mga kilay ni Mariz dahil sa hindi inaasahang sagot. Pinanood niya ang pinakamatalik na kaibigan hanggang sa makalapit ito sa kaniyang tabi. "Wanna talk about it?"



"About what?"



Tumayo si Mariz. "Are you going to follow what Rina said?"



Ipapatong na sana ni Yuan sa maliit na cabinet ang katatanggal lamang niyang jacket nang matigilan siya. Humarap siya kay Mariz at magsasalita na sana nang bigla itong bumahing.



"Achootangina!"



Napangiwi na lamang si Yuan. "May sipon ka?"



"Oo, kanina pa nga eh."



"Ba't pumasok ka pa?"



Habang sumisinga sa tissue ay tinignan ni Mariz ang dalaga diretso sa mga mata nito saka tinaasan ng isang kilay.



"Kaya ko namang mag-isa rito," ani Yuan.



"Kaya ba ng mga tao kung mag-isa ka rito?"



Tila tinatamad na bumuntong hininga si Yuan. "I'm not gonna murder anyone."



"Best friend kita pero hindi ako naniniwala—choo!"



"I'm calling Kenzo."



Dahil na rin sa sama ng pakiramdam ay hindi na umangal si Mariz. Saglit lamang matapos ibaba ni Yuan ang cellphone ay nakita na nila ang humaharurot na sasakyan ni Kenzo. Mula rin sa glass wall ng store ay nakita nila kung paano ito patakbong pumasok.



"Chill, I'm not dying," bungad ni Mariz sa binatang mabilis siyang hinawakan sa magkabilang balikat.



Tila wala namang narinig si Kenzo at hinawakan pa ang noo ng kaniyang girlfriend. "Damn, you're hot."



"I know right."



Hindi malaman ni Yuan kung paano magre-react sa harutan ng dalawa pero awtomatikong napakunot ang noo niya. "Iuwi mo na 'yan."



"Best friend mo na ang nagsabi," nakangising sabi ni Kenzo kay Mariz, kasabay ng pagtaas-baba ng mga kilay niya.



"You malandi," natatawang sabi na lamang ni Mariz. Habang kinukuha ng binata ang mga gamit niya ay muli siyang lumingon kay Yuan. "Hindi ko gusto na mag-isa ka rito, pero hindi rin naman option na pasamahan kita sa kung sinong staff ni tito dahil magiging awkward ka lang. Tawagan ko si Jet?"



"'Wag na. I'll be alright," ani Yuan.



"Gusto ni Hanna na magtrabaho din dito, 'di ba?" sabi naman ni Kenzo. "Tawagan ko si Andrew?"



"Hindi na nga. Ano ba, sanay akong mag-isa."



Sabay na nawala ang emosyon sa mukha nina Mariz at Kenzo, at binigyan nila ng tinatamad na tingin ang dalaga.



"I'm kidding."



Kokontra pa sana si Mariz kay Yuan pero muli siyang napabahing. Napairap na lamang siya nang tawanan siya nito.



2025: RLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon