46 - Unconditional

1.3K 116 33
                                    

46 - Unconditional



"Mukhang 'di na masaya sa'kin eh, inunahan ko na."



Nagkatinginan sina Yuan, Mariz, Kenzo, Jet, at Andrew nang ubusin ni Rina ang isang buong lata ng beer sa isang inuman lang. Mabilis na namungay ang mga mata nitong maya't maya pa ring naglalabas ng luha.



"Ta's ngayon iiyak-iyak ka? Alam mo, ikaw ang pinakamatalino sa'tin sa acads, pero bobo ka pagdating diyan," napapangiwing komento ni Jet saka muling nagbukas ng canned beer para sa dalaga.



"Tangina mo, Jethro, mas bobo ka."



"Bakit 'pag sa'yo nanggaling, parang hindi joke?!"



Hindi pinansin ni Rina ang reklamo ng tila na-offend na binata at muli na lamang uminom. "Natatakot ako eh... Ayaw ko lang na dumating 'yong araw na iiwan ako."



"Kaya inunahan mo?" nalilitong tanong ni Kenzo. "Eh, 'di ba, gano'n din naman ang nangyari? Wala na kayo."



"May point?" kibit-balikat na sabi naman ni Mariz. "Ano'ng sabi ni Gian?"



"Nagtatanong, bakit daw?" Dire-diretsong tumulo ulit ang mga luha sa mga pisngi ni Rina. "Pag-usapan daw namin. Alin daw ang dapat niyang ayusin."



"Pa'no ka ba nakipag-break?" muling tanong ni Mariz. "Nagkita kayo kanina?"



Umiling si Rina. "Chinat ko lang, 'di ko kaya eh." Wala sa sariling napatawa siya nang makitang sabay-sabay na napangiwi ang mga kasama niya. "Tapos ayon, tumawag. Umiiyak."



"Ayaw niya?" tanong ni Yuan.



"Sabi niya," sagot ni Rina sa basag na boses. Yumuko siya at hinayaan ang mga luha niyang rumagasa. "Eh parang ayaw niya lang kasi alam niyang ayaw ko. Parang hinihintay niya na rin lang namang ako ang bumitaw."



"Hinihintay, eh gusto ngang ayusin?"



"Ano ba, Jethro, ikaw nga 'tong pumusta na break na sila eh," pananaway ni Mariz sa binata.



Nag-angat si Rina ng tingin dahil sa narinig at sinamaan ng tingin si Jet. "Tangina mo."



"Dapat yata talaga kumatok ka sa kahoy," sabi naman ni Yuan kay Jet saka nilingon si Andrew na napangiwi na lamang.



Ilang oras pang hinayaan ng magkakaibigan na ilabas ni Rina ang lahat ng sama ng loob. Pinakinggan nila ang bawat salitang sinabi nito at hindi ito iniwan sa lamesang iyon.



"Kung si Yuan kinakaya niya, ako hindi ko kayang maiwan."



Natigilan si Yuan nang biglang marinig ang pangalan niya mula kay Rina. Hindi siya nakapagsalita at napatitig lamang sa dalagang inuubos ang pang-anim nang lata ng beer. Hindi nakatakas sa mga kaibigan nila ang naging reaksyon niya.



"Tama na." Mabilis na inagaw ni Mariz ang canned beer mula kay Rina. "Kung ano-ano nang sinasabi mo, umuwi ka na."



"Tara, ihahatid ka na namin," pagpiprisinta naman ni Kenzo.



"Ayokong umuwi." Mabilis na umiling ang lasing nang dalaga. "Makikita ako nila mama na ganito."



"Sa amin ka muna," ani Mariz saka nauna nang tumayo. Hinayaan niya sina Kenzo at Jet na akayin ang dalaga palabas. Tinignan niya ang pinakamatalik na kaibigan na nakatulala pa rin sa kinauupuan nito. "Ihahatid lang muna—"



2025: RLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon