36 - The Forbidden Jutsu

1.5K 124 90
                                    

36 - The Forbidden Jutsu



"Fuck you, Jethro Montez," hindi napigilang sabihin ni Yuan nang tumunog ang alarm niya kinabukasan at halos hindi niya maimulat ang mga mata dahil sa matinding hangover. Sigurado siyang ganoon din gumising ang mga kaibigan niyang halos gumapang na pauwi kahapon.



Pipikit-pikit pang bumangon ang dalaga at naligo. Kahit noong makapagbihis at makapag-ayos na ay ramdam niya pa rin ang sakit ng ulo. Bitbit na ang bag niya, bumaba siya sa unang palapag ng bahay. Alam niyang umuwi sina Leanne at Warren kagabi kaya hindi na siya nagulat nang madatnan ang binata sa kusina.



"Good morning, Yuan!"



Tinignan lamang ni Yuan ang binata mula sa gilid ng kaniyang mga mata. Walang emosyong lumapit siya sa refrigerator at nang tumalikod sa binata para buksan iyon ay ngumisi siya. "Good morning, Kuya Warren."



"What?!" Umalingawngaw ang malakas na tunog ng pagbagsak ng upuang inookupa ni Warren nang mabilis siyang tumayo.



"What?" Sandaling kaswal na humarap ang dalaga bago muling sumilip sa ref.



Tila nagimbal ang buong sistema ni Warren. Nanlalaki ang mga mata at nanginginig ang mga labing inulit niya ang pagbati sa dalaga. "G-Good morning, Yuan."



"Good morning din, Kuya Warren."



Madramang bumagsak si Warren at napaupo sa sahig. Itinaas niya ang nanginginig na mga kamay at itinuro ang dalagang nakatingin lamang sa kaniya. "Y-You—"



"What?" muling inosenteng tanong ni Yuan.



"Yuan!" sigaw ni Warren na para bang tinatawag ang natutulog na kaluluwa ng dalaga para umalis ang kung anong elementong sumanib dito.



"Kuya Warren?!" ganting sigaw ni Yuan, pinapanatiling seryoso ang ekspresyon habang nang-aasar.



"Putangina mo?!" nangingilid na ang mga luhang ani Warren.



"Putangina mo rin, Kuya Warren."



Nakagat ni Yuan ang ibabang labi nang magmadali ang binata sa pagtayo at nag-walk out. Nang marinig niyang sumarado ang pintuan ng kanilang bahay ay pinakawalan niya ang pinipigil na tawa.



"Napano 'yon?" kunot ang noong tanong ni Leanne na kapapasok lamang sa kusina, alam na si Warren ang tila nagdadabog na lumabas mula sa kanilang bahay.



"Ginamit ko na ang ipinagbabawal na technique," kibit-balikat na sagot ni Yuan.



"Oh, you did not." Napasinghap si Leanne. Gusto mang sawayin ang kapatid, napigil ang mga sasabihin niya nang mapagtantong nakangiti ito. Napahugot siya ng malalim na hininga at napangiti na rin lamang. "You really called him by his name?"



"I did."



Natatawang napailing si Leanne saka nagtungo sa ref para kuhanin ang tumbler niya. Tahimik lamang silang magkapatid nang mag-ring ang cellphone ni Yuan.



"Look, he's calling," ani Yuan at alam na ni Leanne na si Warren ang tumatawag.



"Hello, Yuan?"



Natatawang tinignan ni Yuan ang kaniyang ate na natatawa rin at muling napailing. "Yes, Kuya Warren?"



"Fuck!"



"Binabaan ako ng gago," ani Yuan habang nakatingin sa screen ng cellphone niya matapos biglang patayin ni Warren ang tawag.



"You're traumatizing him," komento ni Leanne pero muli lamang ngumisi ang nakababatang kapatid. "Una na 'ko. Lock the door when you leave."



2025: RLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon