54 - Welcome Back

1.4K 120 45
                                    

54 - Welcome Back



"Wala kang bantay?!" Magkasalubong ang mga kilay na pumasok si Yuan sa private room na inookupa ni Warren. Nakasuot na siya ng polo shirt na nagsisilbing uniform nila sa convenience store na pinagtatrabahuhan at bitbit din ang backpack niya. Dadaan lamang talaga siya dapat para kumustahin ang lagay ng binata pero nadatnan niyang si Liam lamang ang kasama nito.



"I'm bantay!" nakataas pa ang isang kamay na sigaw ng bata.



"Tumatahol ka ba?" mabilis na tanong ni Yuan na nakapagpasimangot sa nakababatang kapatid. Ibinalik niya kaagad ang tingin sa pasyenteng nasa kama.



"Gago," ani Warren sa dalaga saka bumuntong-hininga. "Ihahatid daw ni Ate Yan."



"What the fuck?" Agad na napangiwi si Yuan. "I mean, okay, hindi lang lalaki ang puwedeng maghatid, but he would let ate go back alone?"



"Tangina, 'di ba?" Tumawa nang mapakla ang binata.



"Sabi pa naman ni mom no'ng umuwi siya at nagtanong si lolo, aasikasuhin ka naman daw ni ate."



"Ba't pala nandito ka?" pag-iiba ni Warren sa usapan. "May trabaho kayo ah."



"Gusto kong makitang umiiyak ka."



"Tangina mo."



Inirapan lamang ni Yuan ang binata saka nagsimulang ayusin ang mga pinagkainan sa lamesa. "Bawal bang dumaan dito?"



"Napakalayo naman ng dinaanan mo."



"Susunduin mo nga ako sa malayo kaya ka nandito ngayon eh."



Napalingon si Warren sa dalagang busy sa paglilikom sa lamesa. Hinintay niya itong humarap ulit sa kaniya pero lumipas ang ilang segundo ay nanatili itong nakatalikod. Napabuntong-hininga siya. "'Di ko pinagsisisihan."



"Alam ko," mabilis na sabi ni Yuan.



"'Di ka natulog, 'no?" pang-aasar ni Warren sa dalagang hindi pa rin lumilingon sa kaniya.



"Hindi ako nag-aalala sa'yo," depensa ni Yuan sa sarili.



"A-Aray."



Kitang-kita ni Warren kung paanong mabilis na humarap si Yuan at kung paanong agad na binakasan ng pag-aalala ang mukha nito. Tumakbo ito papalapit sa kaniya para tignan ang tagilirang hinahawakan niya. Doon niya nakitang kumislap ang mga mata nito.



"Joke lang."



Tila nagpanting ang mga tainga ni Yuan dahil sa narinig. Napatulala siya sa nakangising mukha ni Warren at tila nagising lamang nang marinig ang pagtawa ni Liam. Nahampas niya ang binata, wala nang pakialam kahit nang muli itong umaray. "Putaragis ka!"



*****



"Sige na, matulog ka na muna."



Kunot ang noong tinignan lamang ni Yuan ang best friend niyang si Mariz nang pilitin nanaman siya nitong matulog. Nang maikuwento niya rito ang lahat ng nangyari, tila walang ibang tumatak sa utak nito bukod sa katotohanang wala pa siyang matinong tulog mula kahapon.



"Sasabog ang ospital kung sabay kayong mako-confine ni Kuya Warren," seryosong sabi pa ni Mariz na nakapagpabuntong-hininga na lamang sa dalaga.



"Wake me up anytime you need help."



"Oks."



Nang makatulog si Yuan ay nilibang na lamang ni Mariz ang sarili niya sa kaniyang cellphone. Wala sina Kenzo, Jet, at Andrew, at tulad ng nakasanayan ay wala ring customer kaya sobrang tahimik ng convenience store. Halos mapatalon tuloy siya nang marinig na tumunog ang door chime, tanda na mayroong pumasok.



2025: RLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon