Hater 13: Unfortunately, he is ALWAYS right.

Start from the beginning
                                    

Pinanliitan ko sya ng mata. Loko tong lalaking to ah. Parang sa mga suggestions nyang yon, corner ako dito sa fire exit ah. Sa bagay, hindi na rin naman masama. Kesa naman sa ideya kong manghingi ng maraming flashlight sa lobby. Ayaw na nyang bumaba dahil nakakapagod daw. Napaka gentleman lang. Mga lalaki talaga.

“Okay fine.” Hinagod ko ang buhok ko saka ako napabuntong hininga. “Pero dun ka sa loob ng unit ko ah. Tutal, pwede ka naman sa dilim at ako, hindi. Hindi tayo pwedeng magsama.”

“Hm? Hindi pwede.” Nagulat ako sa mabilis nyang sagot.

“At bakit?” may balak ba tong lalaking tong manyakin ako. Naku! Naku!

“Narinig ko kasi na baka magpatay din sila ng mga ilaw sa hallways o kaya fireexit. Syempre, para masustain parin kahit papaano na may ilaw. Gusto mo bang magising ng walang ilaw dito tapos mangyari na naman sayo yung nangyari kanina? Huh?” para bang mapang asar nya pang sagot. Alam nyang naiinis ako kapag wala akong choice at hindi nasusunod ang gusto ko. Ang lalaking to talaga!

“Oo na hindi na.” matigas kong sabi sa kanya. “Basta dun ka” turo ko sa parte na malapit sa hagdan pataas. “At dito naman ako. Wag na wag kang lalapit sakin.” Lumayo ako sa kanya, dito ako malapit sa hagdan pababa.

Natawa sya ng malakas. “Akala mo naman gagalawin kita? Haha! I rather have you willing do IT with me Jessie. Kung tulog ka tapos gagawin ko sayo yun, hm, walang masyadong wildness. Di ba?” Nakangiti pa syang pailing iling pumunta sa parte nya.

Napanganga ako sa sinabi nya. Manyak talaga tong lalaking to. “Talaga! Pag napadikit lang kahit paa ko sa balat mo. Ipapakulong talaga kita!” pasigaw kong sagot sa kanya.

“Hm-mm.” patango nyang sagot habang nakapikit dahil pahiga na rin sya sa unan nya. “Mahulog ka sana sa hagdan…” nakangiti pa nyang dagdag habang nakapikit parin.

“Huh! Mauntog ka sana!” sagot ko sa kanya. Umurong ako palayo ng konti sa hagdan. Baka nga mahulog ako, mapahiya pa ako. Saka ako humiga sa unan ko at pumikit.

Pagod na rin ako. Gusto ko ng makatulog.

*

“Ang sweet ano? Ganyan na ganyan tayo nung kabataan natin eh ano darleng?” ang weird. Mananaginip na nga lang ako, boses pa ng matanda.

“Ano ga’y oo naman.” Natatawang sagot din ng isang matandang boses. Mukhang panlalaki pa ata. “Aga’y kung saan saan nga lang natin yon ginagawa eh ano?” at nagtawanan ang dalawang boses.

Niyakap ko ang tanday kong unan. Hm, ang sarap ng feeling ng unan kong to. The best talaga ang mga unan ko. Malamig ang paligid pero mainit ang unan ko. Ang sarap.

Nagulat ako ng habang nakangiti kong yakap ang warm na warm kong unan ay biglang binalik nito ang yakap ko sa kanya. Huh? Kelan pa nakagalaw ang mga unan. Panigurado. Nananaginip ako.

Ilang segundo lang ang nakakalipas, may naramdaman naman akong malambot na bagay sa noo ko. At mainit na hangin sa buhok ko.

Ano ba yon?

Iminulat ko ang mata ko saka tiningnan ang mainit na hangin na yon. Mula sa antok na antok kong diwa, biglang nanlaki ang mata ko ng makitang si Asher pala ang kayakap ko. Nakapikit ang mata nya at ang loko, kung makayakap akala mo kasali sa contest na tightest hug.

Sa gulat ko, hindi ko napigilang itulak ang mukha nya. Nauntog tuloy sya at agad na nagising.

“Ano ba yon Jessie? Dahan dahan naman..” bulong nya sabay talikod sa akin. Tulog parin ang loko.

Mabilis akong umupo mula sa pagkakahiga.

“Hoy—“ napatigil ako sa pagsigaw ko ng may makitang dalawang matanda, babae at lalaki, nakatayo sila sa hagdan at nakatingin sa amin.

“Naku, aga’y dadaan lang kami Ms. Sige ha.” Nakangiting sabi nung matandang lalaki.Tumatango habang nakangiti naman sumunod yung matandang babae. Nagbubulungan pa sila nung matandang lalaki habang tumatawa.

I am so speechless. Wala man lang akong naisagot dun sa dalawang matanda hanggang sa makaalis na sila ng fireexit. Paniguradong kung ano ano na ang iniisip nun. Pero bahala na, hindi ko naman kailangan magpaliwanag sa kanila. Hindi ko naman sila kilala.

Napalingon ako sa paligid. Nanlaki ang mata ko ng makitang nandito ako nakahiga sa side ni Asher at hindi sa side ko.

Shit!

“H-hoy! Hoy Asher!” sigaw ko sa kanya habang niyuyugyug ang braso nya para magising sya.

“Ano? Jessie naman, natutulog yung tao.” Hinahawi nya ang kamay ko. Loko talaga to, hindi nya ba nakikita ang sitwasyong to? Baliw talaga tong manyak na to.

“Pano ako napunta dito sa side mo? Huh? Siguro ginalaw mo ko no!” bulyaw ko sa kanya. Check the body parts Jessica. Baka may damage sa kung saan.

Bigla syang humarap sa side ko habang nakahiga parin.

“Ikaw kaya tong nandito sa side ko na dapat nandun ka sa side mo. Hindi kaya ako ang ginalaw mo?” nakangisi nyang tanong pero half close pa yung mata nya.

“A-a-ano?” gulat kong tanong sa kanya.

Tumalikod muli sya sa akin. “Sige na. Isipin nalang natin na hindi mo ako hinarrass. Sige na.”

“A-ano? Hoy hindi kita hinarrass ah!” sigaw kong sagot sa kanya.

“Sige lang!” natatawa nyang sagot.

Ugh! Pano ako napunta sa side nyang to?

**

Hello Awesome Readers!

Sinong natawa sa chapter na to? Kinilig anyone? Pano naman napunta si Jess sa side ni Asher. Haha! Nakakahiya pero naka chansing si Jess kay Asher ha. Aminin!

More to come next chapters. Pwamis! *grins widely*

Thank you sa lahat ng nag vovote at nag cocomment. Please do so if you haven’t do it. It really inspires me to write. Love you guys!

Shout out to @IlovEXO_mallowsXie dahil sa mga boto at comments nya. Sobrang thank you girl! You really inspire me to write. Thanks sa mga reviews and reactions. *smiles widely*

Again, maraming salamat sa pagbabasa ng chapter na ito.

Please VOTE kung nagustuhan mo ang chapter na ito.

Please LEAVE A COMMENT for anything about the story.

Thanks!

MsRedMonster,

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now