WA 17 - Fire and Ice

Start from the beginning
                                    

"I mean, how are you dealing with all of these?"

Napangiwi ako. Now he's hitting a topic that I don't like. "Hindi ko na alam ang gagawin. Marami akong iniisip. Nalilito ako kung alin ang uunahin ko. Saka... padami ng padami ang problemang kinakaharap ko ngayon. Ynior just dropped another bomb right infront of me earlier. I can't take in everything." Napayuko ako at napayakap sa tuhod ko. "Hindi ko na kilala ang sarili ko."

Knowing that you're someone's heir is a big thing. Paano naman nangyari 'yon? My family is not noble. Mas lalong wala kaming koneksyon sa kung sino mang may matataas na posisyon sa Greacugon. My parents aren't rich either. My father was once a shoemaker kaya impossibleng maging mayaman kami. My mother is a dear housewife kaya paanong ganoon nga?

"You just need a little time for yourself." He mumbled, "Problems are just problems, Nathalia. No one ever made a door without a key, that's why I'm sure that all of your struggles today will have its own solutions; Maybe not now, but maybe the next day or so." He smiled—Isa pa 'yan. He's charming when he smiles, pero nakakawala pa rin ang ngiting arogante minsan. "Make it happen with courage. Everything will be alright soon."

A heart melting words coming from Briz Clinton is something to be looking forward to. "I hope so." I smiled at him. Damn those eyes! Bakit pa palagi na lang akong napapatitig sa mga mata niya? I blinked and looked away, "You're right, Time. I need time to contemplate everything."

"Nasa likod mo lang kami palagi." Why is he doing this? My inner self is melting from admiring this guy. Ang lakas talaga ng hatak ng taong 'to! "You know what? The day you arrived and Wina introduced you to us, alam ko na agad na kakaiba ka. You have the force that can make anyone turn their heads for you." He said nonchalantly. Briz! "And then, you got beaten up. Dalawang araw ka pa lang na tumapak sa Worthwood, napahamak ka na agad. Nathalia, you're something!"

Nathalia you're something... Wow.

Nag iwas ako ng tingin. I can't stand his stare. Nakakatunaw.

"I bring trouble. Maybe that's the something you're talking about." Nagkunwari akong tawang-tawa sa sinabi niya. Damn. Alam niya kung papaano magpagaan ng nararamdaman. He's making my heart flutter in joy. "Ordinaryo lang ako. Don't make a fuss out of it."

"Na uh! For me, you're something."

For me! Now, he's claiming it!

Leo Briz Clinton, you're something to me too!

I wish I could shout that one. Huwag niya lang sana mabasa ang nasa isip ko ngayon. That would be a total disaster.

I gulped for the third time. Stay strong Nathalia! I said to myself. Naku! Hindi ko ata matatagalan 'tong si Briz. I need to stop this before I fall hard to this man. "Oh—kay... A-ano, kailangan ko na matulog. Medyo pagod na rin ako kasi. I-ikaw? Hindi ka pa ba aakyat sa kwarto niyo?" Why the hell am I stuttering? Nagmumukha akong stupid ngayon! "Alam mo naman na napuyat ako kahapon. Ano, sige..." Tumayo ako ng pabigla kaya medyo nabuwal ako. Kaagad naman akong nahapit sa baywang ni Briz.

Now, his hands are on my waist... holding me firmly.

"Be careful. Nasa hagdan tayo, isang maling hakbang mo lang, pwede kang mahulog." He said. Itinayo niya ako ng mabuti saka binitawan. Tinapik niya ang ulo ko kaya natanga ako kakatitig sa kanya. "Good night Nathalia..."

The way he said my name was like music to my ears...

Mahina akong tumango. I gulp again. "G-good night Briz." Sabi ko pa at nagmadaling bumalik sa kwarto.

Damn heart!

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatagos galing sa mga bintana. I had a very good sleep. The weather is nice today kaya nakadagdag pa sa pagiging good mood ko.

Worthwood AcademyWhere stories live. Discover now