Chapter 53: Truth

Start from the beginning
                                    

I sighed. "I'm sorry, it's just that---it brings back memories, no worries! San niyo gusto? My treat! Shakeys ba? SB?"

Inakbayan ako ni sky. "I-libre mo ako ng large fries, cheeseburger plus coffee float and oh apple pie." he then smiled.

Napangiti ako.

"Tara na guys sa Mcdo?" Sky added.





I am blessed with group of friends. Thank you, God.

*


Ako na ang umorder ng pagkain namin pero syempre todo tago ako para di nila mahalata 'yung identity ko.

Masyadong madami 'yung inorder ko···patay gutom mga barkada ko e. Buti na lang tinulungan ako nung waiter.



Paupo na sana ako ng mapansin ko yung mag syota na nakaupo lang sa harap ng table namin.

"What are you doing?" tanong nung lalake.

"Sinasawsaw ko yung fries sa sundae. Try mo oh." nakangiting inaalok nung babae yung hawak niyang fries.

Tinignan lang nung lalaki yung fries.

The girl rolled her eyes. "Di wag." Akmang isusubo niya na ito ng hinawakan nung lalake 'yung kamay niya at kinain yung fries na hawak niya.

He smiled. "Masarap nga."

Hindi sa naiinggit ako···it's just that, parang nangyari na to. I was with him, Kenken.

"Bessie, are you okay? May fries at sundae naman tayo. 'Wag kang mainggit."

Medyo napatawa ako ng konti sa sinabi ni Krissel. Baliw talaga. Umupo ako sa tabi niya.




Nakatitig pa din ako dun sa dalawa. Naaalala ko yung araw na 'yun, nung highschool···sa mall.

(see Chapter 7)

Nakaka-miss, hindi ba pwedeng ibalik yung oras?

Napako ang atensyon ko kay Krissel when she excused herself and monique···Cr lang daw sila.

"Luh! Kulang 'tong fries ko. Order lang ako." Marshi blunted.

"Patay Gutom." I mumbled

"Ay grabe siya oh." Marshi replied. So he heard me? Haha


"I-order mo na din ako." Sky interrupted.

Mga patay gutom. Di pa nga ubos 'yung fries na kinakain nila, o-order nanaman sila?


"Ano ako? utusan? Sumama ka!" Marshi exclaimed.



"Bwiset na 'to! Oo na." Sky then agreed.


Tumayo na sila Sky at pumunta sa counter sakto naman na biglang nag ring 'yung phone ni Troy. "Excuse me." He said then lumabas ng Mcdo.

I rolled my eyes. Tinignan ko ng maigi si Josh, sayang nga at di na kasama si Farra e, she's out with her parents "Ano? iiwan mo din ako dito?"


Natawa siya. "Ayoko naman maging forever alone ka kaya sasamahan kita." He joked.


I smile. "Good, buti naman."


I saw his smiling face turned serious. "Yanna, i have a question and you need to answer it, honestly·····"



"Ano 'yun?"



"···kamusta na 'yung sakit mo?"

 

I looked down. "Ganun pa din naman. Mahina pa rin ang puso ko, any moment daw pwedeng tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa sobrang hina nito. Parepareho naman lahat ng sinasabi nila, may taning na buhay ko."



"Anong sabi mo, Yanna?"

Halos magulat ako ng marinig ko ang boses ni Sky. "S-Sky......"


"Sky? Akala ko ba nasa counter ka.." nauutal kong sabi.


"Naiwan ko ang wallet ko. Wag mong ibahin ang topic, Yanna. May sakit ka? Ba't hindi mo sinasabi sa amin?" halatang may gulat at halong inis ang tono ang boses niya.

"I'm sorry." The only words I can say.


"Sinong may sakit?" Troy asked. Nakabalik na pala siya.



"Hey! What's with the serious faces?" tanong ni Monique na kababalik lang din kasama si Krissel.


"Ngayon···Yanna, sabihin mo sa amin ang totoo." seryosong sabi ni Sky.



I sighed.



"Hoy Sky, 'yung order mo! Ako muna nag bayad. utang 'yun ----- ba't ganyan ang mga mukha niyo? para kayong nirape." pagbibiro ni Marshi.

I smiled bitterly. "Now, you guys are complete. Mukhang gusto na talaga ng fate na sabihin ko na sainyo 'yung totoo."

Sana maintindihan nila ako.

This is the time for them to know the truth.


**chapter revised

Falling in Love, Again.Where stories live. Discover now