Hindi na ko naka-angal ng mabilis siyang bumaba sa'kin. Teka lang, nagugulumihanan ako. Anong nangyayari?

"Where's Braelynn?" Kuya asked.

My brows furrowed. "She's he-.."

"Lola mami!"

Nakahabol lang ang tingin namin kay Braelynn habang humahangos siya papunta kay mommy sa labas.

Kunot noong tiningnan ko si kuya. "Ano bang nangyari Kuya? Ba't sigaw ka ng sigaw?"

He took a deep breath. "Look" Bahagya pa niyang inangat si Olaf, stuff toy ni Braelynn. "Nakita ko sa Freezer. At kilala ko kung sino ang salarin."

Imbes na mainis, napahagalpak ako ng tawa. Omg. Anak ko nga talaga siya, walang duda.

"Mamaya na kaya magdiskusiyonan diyan, tara na." pag-awat sa'min ni ate.

Natatawang napailing na lang ako. Mukhang puputi agad ang buhok ng kuya ko sa inaanak pa lang niya.

Naabutan namin sa sasakyan si Mommy habang nasa tabi niya si Brae. Napangiti na lang ako at agad na pumasok sa loob sa tabi nila. Si Ate na ang pumwesto sa shotgun seat habang si Kuya ang magmamaneho.

"Anong oras ba daw dadating sina Sheki?" Mom started.

Ngumiti ako ng malapad sa kanya. "Mukhang after ceremony pa sila dadating. Delayed daw kasi flight nila." I replied

She nodded slowly. "Sa bahay mo na paderetsuhin. Para makapagpahinga rin sila."

I smiled again. "Noted Madam."

Hindi naman na sumagot pa ang nanay ko. Tinuon ko lang ang pansin ko dito sa bubwit na katabi ko.

"Brae, baby."

She looked at me. "Mommy, baby."

Napatawa ako ng mahina. Napaka pilya, grabe. "Bakit mo naman nilagay si Olaf sa freezer?" marahan ko pang hinaplos ang buhok niya. "Kaya pala amoy isda ka."

She giggled and wrapped her arms in my waist. "Mommy matutunaw po kasi si Olaf. Pag natunaw po si Olaf melted na po siya."

Oh my goodness. Bigyan niyo po ako ng mas mahabang pasensya. Bata itong kausap ko, anak ko pa.

"At kapag mag-isa tayo." pagsabat ni Ate sa usapan.

Tila nabuhayan naman itong anak ko. Umaliwalas bigla ang mukha. "We're alone." pagdugtong niya.

Napuno ng hagalpakan itong sasakyan. Nanggigil na kinurot ko naman ang pisngi niya. Ang cute niya ee. She's my happy pill.

Hindi rin naman nagtagal namayani na ang katahimikan sa'min. Nakipag palit pa ng pwesto sa'kin si Braelynn at dito siya umupo sa may bintana. Kaya si mommy na ang katabi ko ngayon.

"Ano ng plano mo pagkatapos nito?" Ate Aya broke the silence. "Babalik ka na ba ng Pinas?" dagdag katanungan pa niya.

Tipid akong ngumiti. "Mukhang hindi na muna." napahinga pa ko ng malalim at sinulyapan ang anak ko na nakatuon ang pansin ngayon sa daan. "Dito na siguro muna kami mananatili ni Braelynn."

Under The Shade (SeBy) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt