Bakit ngayon pa?

"Abby? Hindi ka paba papasok?"

Napahinga ako ng malalim at buong tapang siyang tiningnan. Kinuha ko rin ang kamay niya para ilagay doon ang lapis ko.

"May pupuntahan lang ako." I gulped hard. "Babalik ako agad." Of course I'm lying.

Her brows furrowed. "Ha? Saan ka pupunta? Magsisimula na tayo maya-maya."

Umiling ako sa kanya. Napadiin na nga rin ang hawak ko sa kamay niya. "Babalik ako."

"Sasamahan kita."

"No" maagap kong tugon. "Mag-exam ka."  tuluyan ko ng binitawan ang kamay niya. "Mauna kana."

Hindi ko na siya hinayaan pang makatanggi at agad ko siyang tinalikuran.

"Trinidad!" rinig ko pang pagtawag niya sa'kin.

Pero hindi ako lumingon. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makalabas agad habang pumapatak ang luha ko.

Bakit ba sa araw-araw na ginawa ng kapalaran, araw-araw din niya ko binibigyan ng pagpipilian?

Nakakainis.

Gusto kong unahin ang sarili ko ngayon pero hindi ko magawa-gawa. Para bang isang napaka laking kasalanan para sa'kin ang pabayaan sila.

Wala sa sariling binaybay ko ang daan patungong Hospital. Hindi na 'ko nag-abala pang punasan ang luha ko dahil baliwala rin naman.

Hanggang sa makahinto ako sa Hospital, walang tigil sa pagpatak ang luha ko. Ang bigat pa nga ng paghakbang na ginagawa ko ngayon.

Gusto kong pumihit patalikod para bumalik at mag-exam pero gusto kong malaman ang kalagayan ng tatay ko.

Ang bwisit lang.

Malayo pa lang, natanaw ko na agad ang mga kapatid kong tahimik na nakaupo sa labas. Napahinga na lang ako ng malalim at mabilis ang paghakbang na ginawa para makalapit sa kanila.

"Abea" Napalunok pa 'ko. "Frances"

Kamuntikan pa kong mabuwal sa pagkakatayo ko ng madambang yumakap sa'kin si Frances habang umiiyak.

Marahan kong hinagod ang likod niya habang napapahinga pa ng malalim.

"He's stable na." Abea said all of sudden. "Mabuti na lang naitakbo namin siya agad dito." she added.

Akbay-akbay ko si Frances na umupo ako sa tabi nila. "What happened?" mahinang tanong ko sapat lang para marinig nila.

"Here"

Mabilis kong tiningnan itong gamot na inabot niya sa'kin at isang cutter. Nahigit ko na lang bigla ang paghinga ko at ilang beses rin akong napamura sa isipan ko.

Jusko lang. Bakit ba kami umabot sa ganito?

Hindi ako nakasagot. Tahimik lang kaming tatlo habang may malalalim na iniisip.

"How can we start again?" Frances broke the silence. "Nakakamiss 'yong dating tayo." she looked at me and smiled weakly. "Yung buo."

Napayuko ako. Naituon ko lang ang pansin ko sa kamay kong magkadaop ngayon.

Paano nga ba? Paano nga ba kami makakapagsimula ulit? Lalo na ngayon, na lahat kami ay durog na durog na.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon