Tinapik ko pa ang ulo niya bago ko balikan itong bisita ko.

"Ang cute niya 'no." natatawang bigkas ko.

Inirapan naman niya ko. "Ang cute nga, kaso muntik na kong lapain."

Napatawa na lang akong muli. "Hindi ka lalapain niyan, may taste ang alaga ko 'no."

She raised her brow at me. "Ay wow, talaga lang ah?"

Nakangiting umiling na lang ako. "Halika, pasok ka sa loob."

Iginiya ko na siya papasok sa loob. Malinis naman ang bahay, wala akong dapat ikabahala.

"Ito oh."

Nahihiyang tinanggap ko naman itong paper bag. Nakakahiya ee. Plano ko talaga pumunta sa kanila. Kaso nga lang, may alaga akong lasing.

"Ano." tumikhim ako. "Salamat at pasensya na."

Mahinang tinawanan lang naman niya ko. "Hindi ako natanggap ng pasensya at salamat Abby." she paused and smirked at me. "Pero kiss, oo."

Tinawanan ko lang siya at habang napapailing. "Pasensya na, hindi ako nadadala sa ganyan."

"Ang daya." maktol pa niya.

Hindi na ko sumagot at tumungo na lang sa kusina para ayusin itong dinala niya. Naramdaman ko pa ang pagsunod niya sa'kin dito pero hinayaan ko na lang.

"Ano pa lang meron?" tanong ko pa. "Sino may birthday?"

"Ako" she simply said.

Natigil ako sa pagsasalin ng pagkain dito sa plato at gulat na tiningnan siya. Teka, birthday niya? Seryoso? Ba't hindi ko alam?

Napalunok ako. Grabe, mas lalong nadagdagan ang pagkapahiya ko. "Seryoso? Walang halong biro?" baka lang naman kasi nagbibiro siya diba.

"Oo gagi birthday ko talaga ngayon." tipid pa siyang ngumiti sa'kin.

Napangiwi naman ako. Nakakahiya talaga. "Ah ano." I cleared my throat. "Bakit hindi ko alam?" Seriously Abelaine? Nagawa mo pang itanong sa kanya 'yan.

"Hindi ka naman nagtatanong ee." simpleng tugon niya. "At saka, hindi ka naman interesado."

Nahigit ko ang paghinga ko. Mukhang maling desisyon nga ang itanong pa 'yon. Ang insensitive mo Abby, sobra.

Mas pinili ko na lang na tumahimik at tapusin itong ginagawa ko. Hindi ko narin siya tiningnan. Mas lalo lang akong makakaramdam ng hiya at konsensya.

"Abby"

Lihim akong huminga ng malalim saka siya tiningnan. "Hmm?"

Ngumiti naman siya sa'kin. "Sa Pool tayo."

Bahagyang kumunot ang noo ko. Nagtataka man, tumango na lang ako. "Tara"

Ako na nagbitbit lahat ng pagkain na dala niya at iginiya siya papunta sa Pool. Buti na lang pala at napalinis ko 'to kahapon.

Halos sabay pa kaming umupo dito sa gilid ng Pool at binabad ang paa sa tubig. Nilagay ko narin sa tabi naman itong mga pagkain.

Tumikhim muli ako. "Ikaw ba nagluto nito?"

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon