Asar-talo ako? Who even told him na nakikipag-asaran ako sa kaniya?

Hindi ako makapaniwala at 'di ko malunok na he is this annoying! Hindi ako aware na ganito pala ang  ugali niya! Hindi niya sinabi sa 'kin na loko-loko pala siya at nagpapanggap lang na masungit! Sa ilang buwan naming pagsasama, hindi ko alam at 'di aware na baliw siya!

I feel so betrayed!

"Ouch, Babe! Stop punching me!"

Sinampal ko ang braso niya bago umalis sa ibabaw niya. Sunod-sunod sa pagpatak ang mga luha ko at alam ko kung bakit naiyak ako ngayon.

Naiyak ako dahil gustong-gusto ko siyang patayin pero bawal 'yon! Naiirita ako sa kaniya! Sana 'di na lang siya nabuhay sa mundo!

Marahas na pinahid ko ang mga luha ko bago kinuha sa bedside table ang cellphone ko. Lord, you should've gave me a sign! Sana binigyan mo muna ako ng sign bago siya sinagot! Sana nanghingi muna ako ng sign kung matino ba siya o ano!

Naglakad ako palabas ng kuwarto namin. He's calling my name, but I don't give a damn! Bahala siyang magtawag nang magtawag sa hangin! He is freaking annoying!

Nang makarating ako sa sala ay dinampot ko agad ang Chanel bag ko bago kinuha roon ang pera na nakatali na binigay sa 'kin kanina ni Ian. Nagpagawa ako ng kuko kagabi kaya naubusan ako ng pera na pinalitan naman niya kanina. Ang usapan nga lang, sa likod lang niya ako kakamot. Tarantado talaga.

"One, two, three..." I started counting the money he gave me. Ang kapal kasi nito kaya 'di ko na binilang kanina. Ilang beses akong naglapag ng pera sa center table bago natapos.

"Sixty-five thousand," I whispered. "Not that bad for the headaches he keeps on giving me."

Ipinasok ko ito sa wallet ko, hindi ko na tinalian. Medyo nahirapan pa 'ko dahil makapal nga, ang hirap magsara.

"Babe."

Napairap ako sa hangin ng marinig ang boses ni Ian na tinatawag ako. I flipped my hair in a baddie way before murmuring curses for him. Don't he fucking dare to talk to me, nabu-buwisit ako sa kaniya.

"Hoy, kausapin mo naman ang abunjing mo!" he shouted.

Nakangiwing tumingin ako sa kaniya at napilitan magsalita. His eyes are... His eyes are... Ano bang emotion 'yon? Nag-a-ask for forgiveness while nang-aasar at nag-a-ask for cuddles? May ganoon ba?

"Kadiri ka," I hissed.

He rolled his eyes in annoyance before nodding. "Okay, kadiri ako. Sorry, ganito lang ako. Wala, e. Ano'ng magagawa ko? Kadiri ako. Pasensya na sa abala, pasensya na kung makulit ako. Sabihin mo na lang sa 'kin kung ayaw mo na sa 'kin. Sino nga ba naman ako, 'di ba? Ako lang naman 'to. Ang buwisit sa buhay m— fuck!"

"Manahimik ka na!"

Naputol ang sasabihin niya nang batuhin ko siya ng ballpen sa noo. Namula ang tinamaan nito at napahawak siya roon. His eyes are filled with amusement.

"Napaka-brutal mo lately, Babe," he whispered. "Bakit ganiyan ka na?"

"Matagal na 'kong brutal, Ian," I answered. "Iniipon ko lang talaga 'tong iritasyon ko sa 'yo. Kung puwede nga lang, sana pinatay na kita."

"Murder 'yon," he laughed. "Bawal. No, no, no."

I rolled my eyes before putting ny wallet inside my bag. Kinuha ko ang pabango ko bago nagwisik sa katawan.

"Aalis ka?"

"Oo, lalayasan ka na."

"Subukan mo," he chuckled a bit. "Itatali kita sa kama."

The Politician's Biggest Mistake (Flame Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora