Chapter 1: Ganda

36.9K 451 8
                                    

Isa si jenny sa magaganda sa office nila kahit ang manager nila ay may crush sakanya.mahaba ang buhok matankad at sexy,maputi,matangos ang ilong at may mahahabang pilik mata.Kahit hindi na siya mag make up lutang ang kanyang kagandahan lalo na pag ngumingiti ito.sa idad nyang 23 ay wala pa siyang boyfriend kaya madalas siyang binibiro ng mga ka officemate nya pero dinadaan nalang nya sa ngiti at palagi nyang sinasabi na ayaw pa nyang mag boyfriend.

"jenny hindi kapa ba mag memeryenda?"si lovely na nakatayo sa gilid ng lamesa nya.

"naku love maya kana mangulit sakin kasi ang dami ko pang dapat taposin,kailangan na to ni mrs.Ocampo bukas ng umaga"

"aba te pwedi mong taposin yan pagkatapos nating kumain nag wawala na mag bulate ko sa tiyan noh!!"

"sige na mauna kana susunod na ako"

"sige nanga sunod ka ha"

"oo susunod ako"

si lovely ang una nyang nakilala nong bago palang siya sa trabaho,makulit at laging nag papatawa,tinuring na nya itong bestfriend.

ilang saglit pa tumayo siya at hinagilap ang wallet.

pag labas nya ng office papunta na siya sa elevator ng banggain siya ng isang lalake na may bitbit na kahon,bumagsak ito at natapon ang laman ng kahon na puro folder.

"sir sorry po..sorry po.. talaga..hindi ko sinasadya"

"ok lang miss ako yung may kasalanan"

isa isang dinampot ni jenny ang mga folders.

pagkatapos noon pumasok na siya sa elevator.pag dating sa baba pumunta siya agad ng canteen naabutan pa nya si lovely.

"hala te ang tagal mo!?tapos na akung lumapang,ikaw bago palang"

"antayin mo ko ha order lang ako na pagkain ko"

"always te,always kitang inaantay"

pagkatapos umorder ni jenny agad na bumalik sa puwesto ni lovely na noo'y kumakain pa.habang kumakain ang dalawa naikuwento ni jenny kung bakit siya natagalan.

"alam mo may nabangga akung lalake kanina"

"guwapo!?"

"ano kaba bakit ko pa titingnan yun eh nag mamadali nga ako eh"

"tapos anong nangyari!?"

"ayon tinulungan ko munang damputin yung mga na hulog na folders"

"nag pakilala ba!?"

"hindi ano kaba!?nag mamadali nga ako diba!?"

"ay ok sige tuloy mo kuwento"

"ang pinag tataka ko lang!?halos lahat ng pumapasok sa department natin kilala ko!! bakit siya hindi ko kilala!?"

"naku te baka bago lang siya"

"baka nga"

hindi na inisip ni jenny ang bagay na yun pagkatapos nilang kumain umakyat ulit sila at balik sa trabaho.

Bandang 8:30 pm na siya naka labas ng building.halos wala ng tao sa labas mangilan ngilan nalang yung dumadaan sa highway.

nag aantay nalang siya ng taxi,ng biglang may pumaradang sasakyan sa tapat nya at bigla nalang siya hinila papasok.

sa loob ng sasakyan panay ang palag nya at gusto nyang sumigaw pero may takip na panyo ang bibig nito.ginala nya ang mga mata,tatlong lalake lang ang sakay.

"lagyan mo ng piring ang mata"

agad naman kumilos ang isang lalake.

"wag kanang pumalag kung ayaw mong sumabog yang ulo mo!!!"

"pare saan natin yan dadalhin!?tanong ng driver na lalake na tila natatakot sa ginawa ng kasama.

"sa tambayan ng tropa"

umiiyak na si jenny at kahit nakatakip ang mata at bibig nanginginig na ito sa takot.anim na oras din ang biyahi papunta sa sinasabing lugar.

pag dating nila sa sinasabing tambayan isang bakanting lote at malalayo ang bahay,maraming mga puno at madilim,may simentadong bahay na wala ng nakatira.

hinila si jenny ng isang lalake at pilit siyang binababa.

"halika na"

mula sa bahay may lumabas pang isang lalake.

"anak ng pating ano yan!?"

"pre katuwaan lang"

"walang hiya ka Gardo makukulong tayo nyan"

"ano kaba hindi tayo makukulong kung walang mag susumbong"

"san damak mak ka palang tanga sa palagay mo hindi mag susumbong yan pag pinakawalan mo?"

"sinong may sabing pakakawalan ko to ng buhay!?"

"Gago ka talaga!!?"

"pre pag bigyan mo na ako matagal ko ng type tong si miss maganda"

"bahala ka sa buhay mo!!pag nagka bukingan wag mo kaming idamay"

"makaka asa ka pre"

pinasok na sa loob si jenny at pinaupo sa isang papag na kawayan,itinali ang paa at kamay.may piring at may panyo na nakatali sa bibig.patuloy parin sa pag iyak si jenny.

si gardo ang may pakana ng lahat ng yun,si patrick ay hindi sang ayon sa ginawa nito pag kidnap kay jenny.

at ang driver na si mark at ang nag piring kay jenny na si glen kapatid ni gardo.

nag usap ang apat.

"bakit mo naisip yan ha gardo!?si patrick.

"matagal ko ng type yang babae na yan"si gardo

"kuya pagkatapos mo ako naman ha!!"

"isa kapa sumusunod ka sa yapak ng kuya mo,pariho kayung gago"

"basta labas ako dyan ha!!ayaw kung makulong"si mark na noo'y naka yuko lang at nag iisip.

"bakit ayaw nyo ba!?"si gardo

"gago ka talaga kidnapping yang ginawa mo!!kung niligawan mo nalang sana"

"sa palagay nyo papatulan ako nyan"

"ewan ko sayo gardo,baliw kana mag sama nga kayong mag kapatid"

"ano umpisahan ko na"

tumayo si gardo at pumunta sa kinaruruonan ni jenny.tinanggal ang takip da bibig.

"parang awa mo na pakawalan mo ko"

"anong pakawalan,nag papatawa kaba!?"

"parang awa mo na"

"hoy gardo tigilan mo yan"si patrick

"bakit naiingit ka!?gusto mo mauna kana!!"

"mabuti pa pakawalan mo nalang yan siguradong sasabit tayo dyan sa ginawa mo"

"ano tanga,kung hindi ko rin lang siya maaangkin,buti pang patayin ko nalang "

"ano bang pumasok dyan sa utak mo ha!!?"

"kung ayaw nyong makisama sa kasiyahan ko umalis na kayo"

"bahala ka!!"sabay talikod ni patrick at niyaya si mark.hindi pa nakalayo ang dalawa narinig nila ang pag sigaw ni jenny.agad na tumakbo ang dalawa pabalik at hinila si gardo at sinapak nya ito.akmang tutulong si glen pero inawat ni mark.walang humpay na suntokan ang dalawa habang hawak ni mark si glen.malaking tao si mark at matipuno ang pangangatawan,hindi tulad ni glen na payat at medyo may kaliitan.kayang kayang ipitin ni mark si glen.

habang nag susuntokan ang dalawa nakakuha ng pagkakataon si jenny para tumakas.

KIDNAPWhere stories live. Discover now