"Baka makagat ka ng langgam diyan," saway ko kay Sept at nilapitan siya para alalayang tumayo. "Tara na, doon ka na lang umupo sa blanket."


Nang maalalayan ko siya paupo, boses naman ni Raven ang nag echo sa buong paligid.


"Hindi naman ako namilit ah? Tangina, paano mo nagawa sa'kin 'yon!? Napaka gago mong hayop ka!" she tossed the bottle of beer on the ground while wiping her tears.


"Raven!" mabilis ko siyang nilapitan, nagpapanic dahil baka maapakan nya ang nabasag na bote.


Si Harriet na abalang nagtatype sa phone nya ay nagulat rin at mabilis na inalalayan si Raven mula sa likuran.


"Bakit palagi na lang ganoon, ate? Lagi ko namang ginagawa ang lahat ng makakaya ko para sa isang tao.... sobrang unfair...." her head exactly fell down on my shoulder the moment I came near.


"Sshh, it's okay," I hug her tight habang sinisipa palayo ang mga basag na bubog. "All of us will be okay."


Idinadrive ko na ang sasakyan palabas ng lighthouse ng biglang may tumigil na sasakyan sa harapan na naging dahilan ng biglaan kong pagpreno.


Mahimbing ang tulog ni Raven at Sept sa likuran kaya si Harriet na ang nakaupo sa shotgun seat. Nagkatinginan kami ng bumaba ang driver ng sasakyan na humarang sa daan namin. Unang bumaba si Harriet para salubungin ito.


"Hey, anong ginagawa mo dito?" rinig ko ang boses niya mula sa loob ng sasakyan.


"Harriet! Come on! Madaling araw na!" pagtawag ko habang nakadungaw sa bintana.


Ang gandang timing naman nito. Nananadya na.


"Bumaba ka diyan! Punta ka dito! Sobrang unexpected nito, 'di ba!?" her tone is teasing.


"I'm sorry for blocking your way, sandali lang, iaatras ko." Trevor's deep voice brought shivers inside my body.


"No! That's okay, hayaan mo na lang muna yang kotse mo. Let's talk for a while, hindi naman kami nagmamadali." pagpigil sa kanya ni Harriet, mahina akong napamura sa sarili ko.


Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan, kinuha ko rin muna ang coat ko sa backseat dahil mas lumamig ang simoy ng hangin. Pareho silang nakatingin sa'kin habang naglalakad ako palapit kaya panay iwas lang ako ng tingin.


"Hi," I gave him a small smile. "Napadaan ka? Madaling araw na oh,"


"I just want some fresh air," tipid nyang sagot.


"Kung makapagtanong ka naman, akala mo ikaw ang may ari nitong lugar," pang aasar na naman ni Harriet. "Ay oo nga pala, ikaw nga.... sa'yo nakapangalan 'to."


Gustong gusto ko na siyang murahin pero napipigilan ako ng hiya ko sa katawan. Hindi ako makatingin kay Trevor dahil sa kahihiyan, baka iniisip nya na ipinagmamalaki kong ibinigay nya sa'kin ang lugar na 'to. Lupa, kainin mo na ako please!!

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now