Lokong lalaki to ah, ako magpapakamatay? hala gago din eh no.

"Are you insane? Duh? Bakit naman ako magpapakamatay?"

"Malay ko sayo! Ikaw tong magpapakamatay eh"

"Hindi naman ako magpapakamatay eh! overreacted masyado!"

"Hindi ka magpapakamatay?"

"Hindi no! Nagpapahinga nga lang ako diyan eh!"

"Ay.. sorry miss nagkamali ata ako. Kase naman talagang dapat sa pinakagilid? Ang sama kase tignan"

"Iba ka lang talaga mag-isip" natatawang sabi ko.

Natawa naman ako sa isiping yun. How i miss that day, simula nun lagi na kaming magkasama hanggang sa ligawan at sagutin ko siya. Tignan mo ngayon malapit na anniversary namin. Napangiti na lamang ako ng wala sa oras.

"Hmmmm" rinig ko kay Drew na inaamoy pa ako at niyakap mula sa likuran" You smell good babe, nakangiti ka na naman. Naalala mo pagkikita natin noh?" malambing na sabi nito kaya napatawa ako.

Niyakap ko din ito pabalik at tumango. "Iniisip ko lang yun napapangiti na ako mahal, ang OA mo kase that time" natatawang sabi ko.

"Kasalanan ko ba na madami na akong nakikitang nagpapakamatay?" nakangiting ani nito kaya hinding ko napigilan na halikan ito na medyo ikinagulat niya pero ngumiti din sa huli.

Pero iba ata ang ngiti niya?Parang iba eh.

"Ayos ka lang ba?" malambing na tanong ko.

"O-oo naman mahal, pagod lang siguro sa party ko"

Ngumiti siya kaya napangiti rin ako, after that he's being sweet again. I don't know but he's distancing himself, para bang May problema kaming dalawa. Hindi ako mapakali pero hinayaan ko na lang, alam ko naman na sasabihin niya na ang problema niya kapag handa na siya. Hindi ko siya pipilitin dahil matapat siya sa akin.

"DID you enjoy the party, hija?" Tita asked.

I smiled at her. "Of course, Tita. Well, it's my boyfriend's birthday... I should be"

Tita grab my hand and pulled me to Andrew, kaharap na kasi niya ngayon yung mga kaibigan niya. Nasa after party na kaming lahat, nag-iinuman na nga lang sina Drew at kaibigan niya.

"Hi Nicole! You look stunning!" Sabi ni Clark.

Nginitian ko siya ng matamis bago nagsalita. "Thank you"

Hindi ko pinansin yung hindi pagsuway ni Drew sa kaibigan niya, dati kasi nagagalit kaagad siya kapag may nagsasabi sa akin ng ganun. Pero ngayon hindi, nakatutok siya sa cellphone niya at mukhang busy.

"Mark ano ba! Iniwan mo ang girlfriend sa loob!" Inis na sabi ni tita. Tumawa ako at umiling kay Andrew ng tumingin siya sa akin.

"It's okay, enjoy your day. Hindi na muna kita iistorbohin"

Binaba niya ang cellphone niya at nilapitan ako. "Sorry, mamaya na kita aasikasuhin hmm"

Hinalikan ko muna siya sa labi bago pumasok sa hotel room naming dalawa.

NAKATULOG ako noong humiga ako sa kama at nagising na wala sa tabi ko si Drew. Hindi naman na ako nagtaka kasi busy siya nitong mga nakaraang buwan, hindi naman na problema sa akin yun.

Naligo na muna ako at tinext siya na umalis na ako sa hotel dahil nagtatrabaho pa ako. Pumasok ako sa opisina at tinutok ang sarili sa trabaho, nung matapos ko yung presentation na gagawin ko para sa PGC ay lumabas na ako at pumunta sa bahay ni Vien.

Inaasahan kasi ako ng boss ko kaya kailangan kong galingan.

Pagpasok ko sa bahay ni Vien ay rinig ko kaagad ang bangayan nila ni Rheane, lagi na lang silang ganiyan. Hindi sila gumaya sa akin na tahimik lang.

Desiring Chances (Completed)Where stories live. Discover now