Chapter 33: Alab-Lawin

Start from the beginning
                                    

Inilabas ko ang mga pakpak ko at lumipad. Mas madali akong makakapaghanap kapag nasa mataas na lugar ako. Nasasanay na rin ang mga mata ko sa panonood ng mga tao mula sa itaas.

I can somehow smell some traces of her scent, kaya naman nagmadali agad ako sa paghahanap sa kaniya at nagpaalam ako kay Raven bago pa tuluyang mawala ang mga naiwan niyang bakas.

I remember Raven's eyes when she was talking to her dad—she was so determined to bring her mom back. I want to help and support her.

Sumingit bigla sa utak ko 'yong nangyari sa amin kanina sa may lababo at napangiti ako.

"Hehehe. I want to get home soon so I can have some more playtime with my master," I said while smiling like a fool.

Sniff. Sniff. Hmm? Ano 'yon? Lalong lumalakas ang scent ng nanay ni Raven banda rito.

Huh? Napaatras ako saglit sa paglipad. Nasa isang gubat na ako. Ano ang ginagawa ni Olivia rito?

Dahil sobrang mapuno 'yong gubat at wala akong makita mula sa itaas, kinailangan kong bumaba mula sa paglipad.

Pinasok ko 'yong gubat at tinuloy ang aking paghahanap gamit ang aking mga paa. Tumatalon ako mula sa isang puno papunta sa kabilang puno. Sinusundan ko lamang 'yong amoy na palakas nang palakas habang lalo akong napapalayo sa siyudad.

Sa sulok ng paningin ko, may naaninag akong hugis ng isang tao. Pero nakatalikod siya at hindi ko ito makilala. Kaamoy niya si Olivia. Hindi kaya siya ito?

"Tita! Kayo po ba iyan? Hinahanap po kayo nila Raven at Tito!" sigaw ko sa kaniya.

Ngunit hindi pa rin siya humaharap. Bumaba ako mula sa puno at tumakbo papunta sa kaniya.

Mabilis ang aking pagtakbo kaya naman ngayon ay dalawang metro na lang ang layo niya sa akin. I reached out my hand with the intent of tapping her shoulder, but...

"Tita—"

Nahulog ako sa isang malalim na hukay. Nagulat ako, hindi ko agad ito napansin dahil natatakpan ng mga dahon at mga sanga ang butas.

Teka, isa ba itong patibong?

"How are you, Train?" Nagulat ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Tumingin ako sa itaas.

Si Olivia, ang stepmother ni Raven. Nakatingin sa akin mula sa ibabaw ng bangin. Siya nga 'yong babaeng nakita ko rito sa gubat.

"Tita! Nahulog po ako! Tulungan niyo po akong makalabas."

Sinusubukan kong tumalon pero masiyadong malalim itong hukay. Inilabas ko 'yong mga pakpak ko, 'di bale nang magulat ang nanay ni Raven na nakakalipad ako. I'll just explain everything to her once I reach her.

Dahan-dahan kong sinubukang lumipad papunta sa itaas. Pero napatigil ako at nanlaki ang mga mata ko bigla sa nakita ko. May mga ibang taong lumitaw sa tabi ni Olivia. At sabay-sabay nilang tinakpan ang hukay kung nasaan ako—pati ang nanay ni Raven ay tumulong rin sa kanila.

Kinulong nila ako rito sa ilalim. At bago magdilim ang paligid ko, nakita kong ngumiti si Olivia.

✦✧✦

RAVEN

Pagkatapos ng klase, umuwi agad ako sa bahay dahil excited akong malaman kung ano ang balita mula kay Train. Nahanap na niya kaya ang nanay ko?

Umakyat ako sa kwarto ko pero wala si Train doon.

"Train?"

Hmm. Hindi pa kaya siya nakakauwi? Baka magutom 'yon kapag matagal kaming magkahiwalay.

Wala akong magawa kaya naman pumunta ako sa kwarto ng magulang ko. Naisip ko na baka pwede akong makahanap ng mga clue tungkol sa stepmom ko 'pag naghanap-hanap ako sa kwarto nila. Nasa trabaho pa ang tatay ko kaya mag-isa lang ako sa bahay sa ngayon.

Binuksan ko ang closet at tinignan ang mga damit ni Olivia. Nakakapagtaka. Umalis siya sa bahay pero nag-iwan siya ng ilang mga damit. Bakit kaya hindi niya kinuha lahat? May balak kaya talaga siyang bumalik?

Sunod ko namang binuksan ang drawer. Puno ito ng mga papel at panulat. Mukhang ito 'yong ginamit ng Mama ko para sulatan si Papa.

"Ano ito?" Medyo nakaangat nang kaunti ang base ng drawer. "Huh? Nabubuksan ba ito?" Sinubukan kong hilahin 'yong base ng drawer, at nagulat ako dahil bumukas nga iyon. May secret compartment pala ito sa loob.

"Ohh. Matagal na kaya ito rito?" Malinis ang hidden compartment, pero may nag-iisang panyo na nakatago rito. "Panyo kaya ito ni Mama? Bakit kaya nakahiwalay ito sa ibang mga panyo niya?"

Kinuha ko 'yong panyo, medyo maalikabok na ito kaya medyo naubo ako. Matapos mawala ang ilan sa mga alikabok, bumungad sa akin ang mga letrang nakaburda sa panyo. At tila tumigil saglit ang aking paghinga nang mabasa ko kung ano ang nakasulat: ALAB-LAWIN.

At sa ilalim nito, "Kapisanan laban sa mga halimaw."

My Sweet Little MonsterWhere stories live. Discover now