◇ twenty four ◇

32 3 0
                                    


"Sa wakas, nahanap na ulit kita Hanma."


Sa pinakadulo ng sulat, naroon ang mga salitang nagbalik ng mga memorya ni Hanma.


"Hanma!"

"Hanma! Salamat."

"Hanma laro tayo."

"Hanma gusto mo pa ba ng spaghetti?"

"Happy New Year Hanma, tara sabay tayong tumalon."

"Hanma samahan mo 'ko bili tayo pagkain."

"Isama mo ako sa barko 'pag naging seaman ka na ha."

"Hanma, walang iwanan."


Natulala siya sa kawalan.


"Huh?"  Sabi niya sa sarili niya habang tumatawa.


"Nagpapatawa ka ba?"  Tumawa muli siya.


Sa likod ng papel, may isang nakadikit na litraro. Nang tignan niya ito, litrato ito ni Kisaki nang siya ay maassign bilang officer sa headquarters. Napangiti si Hanma.


"Sinungaling ka. Napakasinungaling mo."  Sigaw niya habang nilulukot ang papel at tinapon ito. 


Kinuha niya ang malaking unan na saging na nasa kama ni Kisaki at pinagsusuntok ito. 


"Tangina mo napakasinungaling mo Kisaki."  Hindi napigilan ni Hanma na maiyak habang inilalabas ang galit matapos mabasa ang sulat ni Kisaki para sakanya.


"Hanma."

"Hanma."

"Hanma!!!"


Patuloy na naririnig ni Hanma ang boses ni Kisaki.


"Tangina mo tumahimik ka na!!"  Sigaw niya.


Matapos ang ilang minutong pagpapakapagod, tumayo siya at nagtungo sa kusina upang maghilamos. Pagkatapos non ay lumabas na siya ng bahay.


"Oh. Tapos mo na bang libutin?"  Tanong ng matanda sakanya na kanina pa naghihintay sa labas.


"Opo. Tapos na po."  Sagot ni Hanma habang inaabot ang susi sa matanda.


"Oh, bakit saakin mo ibinibigay?"


"Kukunin ko po sainyo ulit 'yan sa susunod."  Sabi ni Hanma.


"Ganon ba? Oh siya sige. Hihintayin ko kayo dito ni Kisaki. Bumalik ka ha? At kapag babalik ka, tawagin mo lang ako para ibigay ko sa'yo itong susi."  Paalala ng matanda.


"Maraming salamat po. Babalikan ko ho iyan."  Sagot ni Hanma.


Habang humaharurot paalis si Hanma sa kaniyang motor, kumakaway ng paalam ang matanda.


"Hanggang sa susunod bata!"  Sigaw ng matanda.


Itinaas ni Hanma ang kaliwa niyang kamay upang magpaalam sa matanda.


Sa isang makulimlim na hapon, binagtas ni Hanma ang maluwag na kalsada habang hinahayaang dumaplis ang malamig at mahalimuyak na simoy ng hangin sa kaniyang balat. Tinatangay ng malakas na hangin ang kaniyang buhok.


Hininto ni Hanma ang kaniyang motor sa harap ng abandonadong building. Nang pumasok siya roon, nakita niya muli ang lalaki na pinagbilhan niya ng baril.


"Traydor."  Sabi ng lalaki.


"Sino? Ako?"  Tanong ni Hanma.


Tumawa ang lalaki.


"Alam mo Hanma, natutuwa ako sa'yo. Bakit hindi ka nalang magtrabaho saakin?"  Tanong ng lalaki.


"Alam mo Haruchiyo, wala akong balak sumama sa'yo. Ito na bayad ko. Maraming salamat sa baril ng kapatid mo."  Sambit ni Hanma habang inaabot ang sobre na puno ng pera.


"Sayang naman. Gusto pa naman kita, at yung mga plano mo. Ikaw bahala, pagisipan mong mabuti."  Sabi ng lalaki habang sinisindihan ang sigarilyo na nasa bibig niya.


Umalis si Hanma at dumeretso pataas sa hagdan. Halos labing-walong palapag ang kaniyang inakyat. Tumungo siya sa rooftop ng building. Dumidilim ang kalangitan.


"Kisaki."  Sabi niya.


"Anong pakiramdam diyan? Masaya ka ba diyan?"  Tanong niya sa kawalan.


Tumawa siya ng malakas.


"Naaalala mo ba yung pangako mo saakin? Na sasamahan mo ako palagi?"  Sabi niya habang unti unting naglalakad sa dulo ng building.


"Tutuparin natin 'yun. Kasi mahal kita."  Sambit ni Hanma habang nakangiti.


Bumungad sakanya ang isang magandang imahe ng kalangitan. Unti unting bumuhos ang ambon at tumulo ito sa kanyang mukha. 


Tumawa siya.


Nahulog siya mula sa pinakaitaas na palapag.


"Boss, nagpakamatay ata si Hanma."  


"Tch. Alam ko."  Sabi ni Sanzu habang nakatingin sa bangkay ni Hanma mula sa ikalawang palapag. 





Iris // Kisaki x Hanma AUDonde viven las historias. Descúbrelo ahora