◇ twenty three◇

60 6 0
                                    

❗ long chap. ahead

Kisaki's POV (while reading the letter he wrote)


Isang araw, lumabas ako ng bahay para makipaglaro sa mga bata. Imbis na magkaroon ng mga kaibigan, nagkaroon pa ako ng mga bully. Akala ko bubugbugin na ako eh, pero biglang may dumating.


"Hoi, anong ginagawa niyo?"  Yun yung sabi niya. 


Nung dumating siya, natakot yung mga bata. Kaya simula noon, naging idol ko na siya. Sabi ko sa sarili ko..


"Gusto kong maging katulad niya!"  


Naging magkaibigan kami. Takot ako sakanya nung una, pero mabait pala siya. Sinasamahan niya ako gumala sa labas 'pag inaaya ko siya. 


"Marunong ka ba mag-jackstone?"  Tanong niya saakin.


"Hindi eh."   Sagot ko.


"Tuturuan kita."  Pag-aya niya. 


Pagkatapos naming bumili ng jackstone sa tindahan, naglaro kami agad sa kalsada.


"Bato."


"Bato."


"Pick!!"  Sabay naming sinigaw.


Nauna siyang maglaro dahil nanalo siya sa bato bato pick. Sobrang galing niyang magjackstone. Bawat talbog ng bola, nakukuha niya agad yung mga pato. 


Nung ako na yung maglalaro, unang round palang, talo kaagad ako. Natakot ako na baka pagtawanan niya ako kasi hindi ako marunong, pero lumapit siya saakin at tinuruan ako.


"Ganito, 'wag mong masyadong itatalbog yung bola nang malakas. Hinaan mo lang tapos saka ka kumuha ng isang pato."  Sabi niya.


Tumingin ako sakanya habang tinuturuan niya ako. Ang ganda ng mga mata niya.


"Ang ganda ng mga mata mo."  Sabi ko.


"Huh? Bakit naman?"  Sagot niya.


"Kulay violet kasi eh."  Sambit ko.


Tumayo siya at kumuha ng isang bulaklak.


"Parang ganito ba?"  Tanong niya.


"Oo! Parang ganyan. Parang Iris!"  Sabi ko.


Habang tumatagal, nagiging malapit kami sa isat-isa. Isang araw, inaya niya ako gumawa ng saranggola.


"Anong gusto mo maging?" Tanong ko sakanya.


Iris // Kisaki x Hanma AUWhere stories live. Discover now