◇ nineteen ◇

50 6 3
                                    

"Boss, bakit naman kay Hanma mo binigay yung trabaho? Nandiyan naman yung magkapatid na Haitani? Eh kilala mo naman si Hanma mas gago pa 'yan sa gago."  Tanong ni Shion sa kanilang boss.


"Madarame... Shion ang pangalan mo, tama ba?"  Tanong ng boss nila.


"O-opo."


"Wag kang mangingialam sa plano ko Shion, baka pasabugin ko 'yang ulo mo."  Sabi ng boss niya.


"Pasensya na po boss."  Sambit ni Shion habang yumuyuko sa harap ng boss niya.


"Alam ko namang sasablay 'yan si Hanma. Kaya huling pagkakataon niya na 'to. Kung sumablay siya sa pinapagawa ko, para na rin siyang naghukay ng sarili niyang libingan."  Sagot ng boss niya.


Humarap si Shion sa boss niya at ngumiti. 


"Boss!" Sigaw ni Rindou mula sa malayo.


"Ano?"  Tanong ng boss nila.


"Nandito sila Hanma, kasama yung Kisaki."  Sagot ni Rindou.


"ANO?!"  Pagulat na tanong ng boss nila.


Rinig na rinig ang malakas na pagharurot ng motor ni Hanma bago ito tumigil sa harap ng gate ng hideout ng Enduro Gang.


"Boss."  Sabi ni Hanma habang tinatanggal ang helmet niya.


"Pwede ka ba naming makausap?"


--------

(Ilang oras bago ang pangyayari)


"Papatayin mo 'ko? Nagpapatawa ka ba ?"  Tanong ni Kisaki.


Napahawak si Hanma sa ulo niya.


"Sabi na hindi ka maniniwala eh."  Sabi ni Hanma.


"Malamang hindi. Anong joke ba 'yan?"  


"Seryoso ako Kisaki."  


"Eh bakit mo naman ako papatayin? Papatayin sa pagmamahal?"  Tanong ni Kisaki.


Hinawakan ni Hanma ang magkaparehas na balikat ni Kisaki.


"Kisaki kasama ako sa gang. Putangina, aaminin ko na. Hindi pa rin ako umaalis doon. Masamang tao pa rin ako."  Sigaw ni Hanma.


Napatingin si Kisaki kay Hanma. Hindi maipinta ang mukha ni Kisaki sa sobrang pagtataka.


"Kisaki sorry."  Napaluhod si Hanma sa harapan ni Kisaki.


Nakatayo lang si Kisaki at nakatingin sa kawalan. 


Iris // Kisaki x Hanma AUWhere stories live. Discover now