◇ ten ◇

41 6 0
                                    

"Oh."  Sabi ni Kisaki habang dinadala ang tray ng pagkain.


"Anong binili mo sa'yo?"  Tanong ni Hanma.


"Burger lang tsaka float."  Sagot niya.


"Okay." 

--------


"Saan na tayo?"  Tanong ni Hanma habang hinihimas niya ang kaniyang tiyan.


"Medyo busog pa tayo kaya huwag muna tayo mag rides. Gusto mo ba laro muna tayo?"  Aya ni Kisaki.


"Anong laro?"  Tanong ni Hanma.


"Doon oh. Yung pag nanalo ka, may makukuha kang prize."  Sagot ni Kisaki.


"May bayad 'yan eh tanga 'to."  Sambit ni Hanma.


"Ah ganon ba. Edi pahinga nalang muna tayo."  Sabi ni Kisaki habang umuupo sa may upuan.


Napatingin si Hanma kay Kisaki. Napabuntong hininga si Hanma.


"Halika na."  Sabi ni Hanma habang hinahawakan ang braso ni Kisaki.


Hinila niya si Kisaki papunta sa palaruan. 


"Alin diyan?"  Tanong ni Hanma.


Napahawak ni Kisaki sa baba niya at napaisip. 


"Yung basketball kaya?"  


"Bahala ka."  Sagot ni Hanma.


Nagpunta sila sa booth ng basketball. 


"100 pesos para sa tatlong bola, pag nashoot niyo doon sa pinakamataas na hoop, makukuha niyo yung yung malaking unan na saging."  Paliwanag ng tindero.


Natuwa si Kisaki sa narinig niya. Nagbayad na si Hanma at binigay na sakanila ang unang bola.


"Ayusin mo ha."  Sabi ni Hanma.


Nang makuha ni Kisaki ang bola, itinapat niya ito sa mukha niya. Ipinwesto niya ang kanyang sarili na tila ba parang NBA Player.


"Tanga."  Sabi ni Hanma habang natatawa.


Hindi nai-shoot ni Kisaki ang unang bola. Kinuha naman ni Hanma ang pangalawang bola.


"Panoorin mo 'ko, papakitaan kita."  Pagyayabang ni Hanma.


Nang ihagis niya ang bola, tumama sa board ng hoop ang bola. 


"Puro ka lang naman salita eh."  Sabi ni Kisaki habang natatawa.


"Hoi tangina neto, alam mo bang mvp ako noon sa liga? Isa pa nga."  Sabi ni Hanma habang kinukuha sa tindero ang huling bola.

Iris // Kisaki x Hanma AUWhere stories live. Discover now