◇ twenty ◇

44 7 6
                                    


"Chief Sano!! Nakatanggap po kami ng signal."  Sigaw ng lalaki sa headquarter.


"Ano? Kanino galing?"  Tanong ni Chief Sano.


Lahat sa headquarters ay naghanda, hinanda na rin ang mga patrol cars sa labas.


"Makinig ang lahat, ito na ang pagkakataon natin. Magconcentrate at huwag ipressure ang sarili."  Utos ni Chief Sano.


"Handa na ba?"  


"Opo chief!!"  Sigaw ng lahat.


------


"Bakit may mga pulis?"  Tanong ni Hanma kay Shion habang parehas na tumatakbo papalayo sa gate.


"Malay ko."  Sagot ni Shion.


Nagtungo si Hanma sa opisina ng kaniyang boss upang hanapin si Kisaki. Nang makarating doon, bumungad sakanya ang duguan niyang boss na nakaposas at nakatali ang paa. Wala roon si Kisaki pati si Rindou, kaya umalis siya at hinanap ito.


"Kisaki!!!"  Sigaw ni Hanma.


Mga putok ng baril, nagsisigawang babae, malalakas na yapak ng mga taong nagsisitakbuhan ang pumupuno ng ingay. Walang ideya si Hanma kung saan natungo si Kisaki.


"Kisaki!! Nasaan ka?"  Sigaw muli ni Hanma.


Naisipan ni Hanma na hanapin si Kisaki sa ikalawang palapag ng hideout, ngunit nang marating niya ang ikahuling hakbang ng hagdanan, sinalubong siya si Rindou.


"Saan ka pupunta hayop ka?"  Tanong ni Rindou habang itinututok kay Hanma ang baril niya.


"Tumabi ka Rindou."  Pakiusap ni Hanma.


"Akala mo papatakasin kita? Tatakas kayo ng tropa mo? Gago ka ba?"  Sagot ni Rindou.


Napabuntong hininga si Hanma.


"Sasamahan mo ko sa impyerno Hanma. Tayong dalawa, gagawa tayo ng paradiso sa mainit na mundo."  Sabi ni Rindou kay Hanma habang unti-unting dinidiin ang baril sa ulo niya.


"Paalisin mo na ako Rindou. Nagmamakaawa ako."  Pakiusap ni Hanma.


"Traydor ka, Hanma. Traydor ka. Kasalanan mo 'tong lahat."  Sabi ni Rindou.


"Kailangan ko makita si Kisaki, Rindou paalisin mo na ako."  Sambit ni Hanma.


"Si Kisaki? Bakit? Sino ba siya? Ganon ba siya kahalaga kaya pinili mong traydurin yung mga taong bumuo ng buhay mo?"  Tanong ni Rindou.


"Bumuo ng buhay ko?"  Tanong ni Hanma.


Iris // Kisaki x Hanma AUWhere stories live. Discover now