◇ eleven ◇

40 7 0
                                    

"Tanginang roller coaster ang taas."  Sabi ni Hanma.


Napatawa si Kisaki. 


"Bakit. Takot ka no?"  Pang-aasar na sinabi ni Kisaki.


"Tigilan mo nga ako. Umurong nga pwet mo doon sa horror house eh."  Sabi ni Hanma.


Pumwesto na ang dalawa sa roller coaster. Napatingin si Hanma sa kamay ni Kisaki, napansin niyang balot na balot ng pawis ang kamay nito.


Nagumpisa nang mag-countdown ang roller coaster.


"Woooooooo."  Sigaw ni Hanma pagkaandar ng roller coaster. Tuwang tuwa siya dahil sa sobrang bilis.


"Tangina para akong naka shabu."  Sabi ni Hanma habang tumatawa.


Hindi umimik si Kisaki. Nang tignan muli ni Hanma si Kisaki, naka pikit ito at nakatikom ang bibig.


"Kisaki, para kang tanga."  Sabi ni Hanma.


Hindi muli umimik si Kisaki.


"Pano mo maeenjoy yung ride? Nakapikit ka. Tanga ka ba?"  Sabi muli ni Hanma.


"Kung ako sa'yo, ieenjoy ko na 'to. Minsan lang naman ako makaranas nito."  Dagdag pa niya.


Unti unting minulat ni Kisaki ang kaniyang mga mata. Kahit na nakakatakot ay pinilit niya.


"Itaas mo kamay mo para hindi ka masyadong matakot."  Utos ni Hanma.


Itinaas niya ang kaniyang mga kamay sa ere. Sabay sa pagihip ng hangin ang paggalaw ng kaniyang nakataas na kamay. Nagumpisa na rin siyang sumigaw kapag pababa ang roller coaster.


Hindi napansin ni Kisaki na nawawala na ang kaniyang takot. Sinasabayan niya ang paghiyaw ni Hanma at sabay silang tumatawa sa tuwing pataas ang direksyon ng roller coaster. Unti unti na niyang naeenjoy ang dating kinatatakutang ride.


"Hanmaaaa"  Sigaw ni Kisaki habang pababa ang direksyon ng kanilang sinasakyan.


Napatawa si Hanma.


"Sabi ko sa'yo eh. Mageenjoy ka talaga." 


-----


Matapos nila sumakay sa roller coaster, nagtungo sila sa ibat-ibang rides. 


"Dun oh sa parang barko."  Aya ni Kisaki.


"Doon naman sa bump car." 


"Try din natin yung umiikot na swing."

Iris // Kisaki x Hanma AUWhere stories live. Discover now