8.5

41 5 0
                                    

A/N : Hello! Gusto ko lang sabihin na lahat ng nasa part na ito ay about sa childhood ni Hanma. So all through out, bata pa siya dito. Every after the hyphen represents several events na nangyari sakanya with his childhood friend.

-------

Hanma's Flashbacks


"Bawal kang sumali."


"Bakit naman?"


"Hindi ka naman namin kalaro eh. Umuwi ka nalang sa bahay niyo tapos maglaro ka ng barbie."  Sabi ng mga bata habang tumatawa.


"Lalaki ako, bakit ako maglalaro ng barbie?"


"Talaga ba? Nakita nga namin sinusuklayan mo barbie mo eh."  


Nagtawanan muli ang mga bata. Napayuko ang batang inaasar nila at nag-umpisang umiyak.


Napatigil sa pagtawa ang mga bata nang dumating ang isang matangkad na bata.


"Hoy, tama ba 'yang ginagawa nyo?"  Sambit ni Hanma habang nakatitig sa mga bata.


"Hala si kuya Hanma."  Sabi ng isang bata.


"Bakit nyo siya inaasar?"  Tanong muli niya habang sinasapak ang isang batang lalaki.


Nagtakbuhan papalayo ang mga bata. Lumapit si Hanma sa umiiyak na bata.


"Umuwi ka na sainyo."  Sabi ni Hanma.


Tumayo ang bata at tumingin kay Hanma.


"Ano pong pangalan nyo?" 


"Hanma."  Sagot niya.


"Maraming salamat, Hanma."  Sabi ng bata at tumakbo papalayo.


-------

"Iho, kulang ka ng sampung piso."  Sabi ng tindera kay Hanma.


Kumapa si Hanma sa bulsa niya, napansin niyang wala na siyang pera. Hindi niya alam ang gagawin niya dahil kailangan na kailangan ng tatay niya ang alak na pinapabili sa kanya, kung hindi ay bubugbugin siya.


"Ate, pwede po bang libre nalang po yung sampu?"  Tanong ni Hanma.


"Hay nako hindi, lumayas ka nalang dito kung wala kang pambayad."  Sigaw ng tindera.


Aalis na sana si Hanma nang may batang dumating sa tindahan. 


"Ah! Ikaw yung batang inaasar diba?"  Tanong ni Hanma.


"Oo. Salamat ah. Ito oh ipangdagdag mo."  Sabi ng bata habang nagaabot ng bente pesos.


"Para saan?"  Tanong ni Hanma.

Iris // Kisaki x Hanma AUWhere stories live. Discover now