◇ eight ◇

49 6 2
                                    

Kisaki's POV


Sa ilang araw na tumuloy ako sa bahay ni Hanma, marami akong naranasang mga bagay na hindi ko pa nararanasan noon.


"Kisaki, hikasin mo yung sinampay. Tapos tupiin mo."  Utos saakin ni Hanma.


Sa tuwing umaalis siya, ako palagi ang naiiwan sa bahay upang maglinis at mag-ayos ng kaniyang gamit. Simula nung araw na umamin siya saakin na isa siyang wanted na drug pusher, hindi nagbago ang tingin ko sakanya.


Hindi rin nagbago ang trato niya saakin. Para akong nagkaroon ng panibagong kaibigan, panibagong pamilya.


"May binili ako."  Sambit ni Hanma.


"Ano yan?"  Tanong ko sakanya.


"Beer."  Sagot niya habang ngumingiti.


Mayroon siyang bitbit na apat na bote ng beer. Binigay niya ang isa saakin.


"Cheers." Sabi ko habang inuumpog ang bote ko sa bote niya.


"Walang pulutan? Hina mo naman."  Sabi ko sakanya.


"Kahit kailan ang demanding mo. Batukan kita eh."  Sagot niya.


Natahimik kaming dalawa. Habang iniinom ang beer ay nakatitig kami sa kawalan.


"Anong gagawin mo 'pag alis mo dito?"  Tanong niya.


"Hmm? Siguro uuwi na ako saamin."  Sagot ko sakanya.


"Saan ka ba nakatira?"  Tanong niya muli.


"Malayo dito."  


"Sabi mo babayaran mo 'ko diba? Baka inuuto mo lang ako."  Sabi niya.


"Bakit naman ako manguuto? Babayaran talaga kita baliw."  Sagot ko sakanya.


Parehas kaming tumawa. Naging tahimik muli ang paligid, ngunit nagbukas siya ng bagong pag-uusapan.


"Nung bata ako, mayroon akong naging tropa."  Sambit ni Hanma.


Napatingin siya saakin at ngumiti.


"Tinuring ko siyang matalik na kaibigan."  Dagdag pa niya.


"Bakit?"  Tanong ko.


"Kasi nandyan siya palagi para saakin. Naalala ko nung nagkasakit ako, binisita niya ako sa bahay, tapos nagdala ng gatorade. Sabi niya pa kinupit niya lang pambili nun."  Sabi niya habang tumatawa.


"Asan na siya?"  Tanong ko.


"Simula nung naging drug addict ako, hindi na kami nagkita. Ayoko ring makita niya akong ganito."  Sagot niya.


"Tsaka 'pag nagkita kami, ikukulong niya ako."  Dagdag pa niya.


"Hah? Bakit naman?"  Tanong ko.


"Naging pulis na kasi siya. Matagal niya nang pangarap yun eh."  Sagot niya.


Napatunganga siya sa bintana.


"Anong gagawin mo kapag isang araw, nagkita kayo? Anong sasabihin mo sakanya?"  Tanong ko.


Wala siyang naisagot. Nakapinta sa kaniyang mukha ang labis na kalungkutan.


"Hayaan mo na. 'Wag mo na masyadong isipin."  Sabi ko.


"Siguro mag-sosorry ako. Sa naging buhay ko."  Sagot niya.


"Hindi ko naman ginusto 'to. Siguro kung hindi lang siya umalis noon, hindi siguro ako magiging ganito. Siguro kung nakasama ko siya nung panahong naulila ako, hindi siguro ako magiging adik."  Dagdag pa niya.


"Ganon ba."  Sambit ko.


Wala akong masabi. Hindi ko alam papaano ko papagaanin ang loob niya. 


"Kung matalik naman kayong magkaibigan, maiintindihan naman niya siguro kung ano mang nangyari sa'yo."  Dagdag ko.


"Ayoko na siyang makita. Kasi ayoko na makita niya akong napariwara."  Sambit niya.


"Pero hindi ko alam, may parte pa rin saakin na gusto ko siyang makita para magpasalamat sa lahat."  Dagdag pa niya.


Lumapit ako sakanya at tinapik ang kaniyang balikat.


"Sa tingin ko naman gusto ka rin niyang makita kahit papaano. Sigurado akong mapapatawad ka nun."  Sinabi ko.


"Sana nga."  Sambit ni Hanma.


Matapos naming maubos ang isang bote, kinuha niya pa ang isa at binuksan ito.


"Di ko na kayang ubusin 'yan."  Sabi ko sakanya.


"Arte mo. Bilisan mo na. Uuwi ka na nga ngayong linggo eh."  Sabi niya.


Napatawa ako. Hindi ko siya matanggihan kaya kinuha ko na ang bote na hawak niya.


-------


"Pati ba naman ikaw, iiwan mo rin ako?"



Iris // Kisaki x Hanma AUOn viuen les histories. Descobreix ara