◇ thirteen ◇

33 7 3
                                    

Habang nakadiin ang ulo ni Kisaki sa dibdib ni Hanma, naririnig niya ang mabilis na pagtibok ng puso ni Hanma.


"Hinihingal ka Hanma."  Sambit ni Kisaki.


"Tumakbo ako eh." 


"Nag-abala ka pa. Pwede ko naman hintayin na matapos yung ulan."  


"Umuwi ka na ngayon. Uuwi na rin ako."  Sabi ni Hanma.


"Paano ka? Wala kang payong."  Tanong ni Kisaki.


"Maliligo naman ako pag-uwi ko. Sige na."  Sabi ni Hanma habang tumatakbo papalayo, pauwi sakanila.


"Hanma!!" 


"Ingat!!"  Sigaw ni Hanma habang kumakaway ng paalam kay Kisaki.


Hindi rin nagtagal ay sumakay na si Kisaki sa dumating na bus. Makalipas ang ilang minuto ay ligtas siyang nakauwi sa kaniyang bahay.


Napabuntong hininga si Kisaki bago niya buksan ang pintuan ng kaniyang bahay. 


"Nandito na ako."


-------


"Anong kakainin ko ngayon?"  Tanong ni Hanma sa sarili habang nakatingin sa ref niya.


Kakatapos lang maligo ni Hanma. Nagtungo siya sa kusina niya upang maghanda ng kakainin niya.


"Noodles nalang."  Sabi niya habang sinasarado ang ref.


Matapos kumain ni Hanma, tumayo siya at kumuha ng tubig.


"Linisin mo na."  Sabi niya.


Bigla siyang nabulunan sa kaniyang tubig.


"Sinong kausap ko? Tangina?"  Tanong niya sa sarili niya.


"Wala na nga pala siya dito."


Agad niyang nilinis ang kaniyang pinagkainan at hinugasan ito sa lababo. Pagkatapos niyang maghugas, nagtungo siya sa kaniyang sala upang manood ng TV. Bigla siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo. Nagumpisa na rin siyang sipunin.


"Shet."  Sabi niya pagkatapos niyang bumahing.


Patindi nang patindi ang pananakit ng ulo niya. Nagumpisa na siyang lamigin, kaya naman pinatay niya ang electric fan. Ngunit kahit nakapatay na ito ay nilalamig pa rin siya kaya kumuha siya ng kumot at nagtaklob. Patuloy pa rin ang kanyang pagbahing.


"Tangina."  Sabi niya.


Tumayo siya upang kumuha ng maanghang na pampahid. Pinahid niya ito sa kanyang noo. Pagkatapos noon ay natulog na siya kaagad.


"Wala na siguro ito bukas."  Sabi niya habang pinipikit ang kaniyang mata at dumeretso na sa pagtulog.


-------


"Sasama ka ba mamaya Kisaki?"  Tanong ng katrabaho ni Kisaki.


Gabi na kaya naman oras na upang umuwi si Kisaki galing sa trabaho.


"Nako, pass muna ako. May pupuntahan kasi ako."  Sagot niya.


"Oh sige. Ingat."  Sabi ng mga katrabaho ni Kisaki.


Nagtungo si Kisaki sa bangko at nag-withdraw ng pera. Inilagay niya ito sa isang sobre at agad na umalis.


Nagtungo si Kisaki sa bahay ni Hanma upang mabayaran ito.


"Tao po? Hanma?"  Sambit ni Kisaki habang kumakatok sa pintuan ni Hanma.


Walang sumasagot sa loob. Kumatok ulit si Kisaki ngunit talagang walang sumasalubong sakanya.


Hinawakan ni Kisaki ang door knob, napansin niyang bukas ito. Kaya naman binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob.


"Sino ka?"  Tanong ni Hanma nang may mahinang boses.


"Bakit 'di mo binubuksan yung pinto?"  Tanong ni Kisaki.


Napansin ni Kisaki ang mapungay na mata ni Hanma, ang tuyot na labi, ang mapulang ilong, at magulo nitong buhok.


"Anong nangyari sa'yo??"  Tanong ni Kisaki.


"Kisaki, hindi pa ako kumakain simula kagabi."  Sabi ni Hanma.


Biglang tumayo si Hanma sa pagkakaupo, ngunit siya ay natumba at nawalan ng malay.


"HANMA!!!"


-------

A/N: thank you for 300+ reads!! Nung araw na pinublish ko 'to, sabi ko I'll shoot my shot nalang. Hindi ako makapaniwala. Thank you so much!! Sorry if may misspellings sa story ko, minsan nakakaligtaan ko na rin. 





Iris // Kisaki x Hanma AUWhere stories live. Discover now